Matagal pa.
Matagal pa bago kita'y masilayan na.
Hanggang kelan ba?
Makakapaghintay pa kaya talaga?
Kay laki ng nagbago.
Ang dating maayos, ngayon ay saan patungo?
Nahihilo.
Sa daang paikot ikot, hindi mahanap ang dulo.
Nakakapagod ang paglalakbay na 'to.
Ngunit sa huli, mas pagod na kesa sa katawan ang puso.
Mas nakakapagod maghintay.
Kesa ang magmahal ng walang humpay.
Mas nakakaubos ng lakas ang pag-iisip kung san ba tayo dadalhin ng alon.
Na kapag nalunod ay hindi alam kung paano aahon.
Na kapag naligaw,
Hindi alam ang daan pabalik kahit pa magsumigaw.
Paano nga ba?
Paano nga ba kapag wala na?
Nalilito ang puso.
Hindi ko na alam kung laban o suko.
Hindi ko na alam.
Kung ang sasambitin ay pagbati o paalam.
Ang hirap mag isip.
Ipapaubaya na lang sa hangin kung ito'y iihip.
Napakadami ng pagsubok na nalampasan.
Ngunit ang daan tungo sa iyo ang tangi kong nalimutan.
Bakit?
Hindi ba't sabe nila kapag masaya ay pumikit?
Bakit?
Ngunit bakit?
Akala ko'y saya.
Pero pagmulat ng aking mata ay wala ka na.
Saan ako mag uumpisa?
Sa dakong timog o hilaga?
Kumagat na ang dilim,
At hindi pa rin kita nakita hanggang nag takip-silim.
Hahayaan mo na lang ba?
Na ako ay maligaw at mawala?
At sa panahong ikaw naman ang naghahanap,
Hindi mo na ako mahagilap.
Iyun ba?
Ganun ba talaga?
Ang sakit pero mukhang hanggang dito nalang ang istorya.
Sabe nga,
"Pinagtagpo ngunit 'di itinadhana".
Hayaan na lang na maligaw.
Baka sakaling sa dulo, iba ang ating matanaw.
YOU ARE READING
Spoken Words And Hugot Lines.
PoetryCompilation po ito ng mga Spoken Words Poetry ng katulad kila Ate Mai Mai Cantillano and Kuya Juan Miguel Severo and other spoken word artists. Nainspire lang akong gawin ito kasi last Sunday February 12, 2016 first time ko nakita sa personal si Ate...