"Not one of the graces? Well I must say your deity must be weak. Looking at you right now. HAHAHAHA!"
Napatigil ako sa sinabi niya.
Weak?
Kinuyom ko ang aking kamao.
Weak...
Ang deity ko?
"Kneel."
Tumigil siya sa pagtawa saka binigyan ako ng nagtatakang tingin.
"I said kneel." I willed with a voice as enchanting as a siren.
Nagulat siya nang bumagsak rin siya sa lupa, nakaluhod.
Nanlaki ang mga mata niya.
"A-aphrodite?" nauutal niyang tanong.
Tumayo na ako nang unti-unti nang naghilom ang mga sugat ko.
"I-im s-sorry kid.. nandito ako p-para..." napalunok siya. "p-patayin ang dahilan kung bakit ako g-ganito.."
Nandito siya para patayin ang anak ni Zeus? Ano nga bang kasalanan ng God sa kanya?
"Nandito rin ako para patayin kung sino man ang magtatangkang patayin siya." sambit ko.
Hindi ko pinapakita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sumasakit ang buong katawan ko.
Nagpupumilit siyang tumayo kaya mas diniinan ko pa ang will ko na nakakonekta sa'ming dalawa.
Narinig ko ang tunog na inilabas niya dahil sa matinding galit.
Ngunit napatingin ako sa direksyon ni Art na pinapalibutan na ng gigantes.
"DON'T MOVE." utos ko saka tumakbo para tulungan siya.
"Hi Cesia! Hihihi." bati niya sa'kin habang tinutunaw ang gigantes na nasa harap niya.
"Art..." tinawag ko ang kanyang pangalan.
Kaso hindi niya ako narinig.
Atsaka...
Ba't namumutla siya? Para na siyang multo ngayon.
Teka..
Naramdaman ko ang enerhiya na unti-unting nawawala sa kanya.
Napansin ko rin ang iilang mga linya na gawa sa liwanag sa kanyang paanan. Sinundan ko ito at nakitang nakakonekta ito sa kakambal niya.
Nauubusan na siya ng enerhiya... kasi..
Kasi pinapasa niya ito sa kakambal niya.
Walang alam si Sebastian sa nangyayaring transfer of energy. Di niya namamalayang mas nagiging radiant ang liwanag na meron siya.
Samantalang kay art... ang liwanag niya... unti-unting nawawala...
Napalunok ako.
"Cesia. Pakitulungan naman ako oh." nginitian niya ako.
Hindi ako sumagot at huminga ng malalim.
Tumango ako at binigyan rin siya ng ngiti.
Ngiti.. dahil napag-usapan na namin 'to. Kung ano man ang plano niya... susuportaan ko siya bilang isang Alpha.
Pero nanghihina rin ako... hindi dahil malaking portion ng ability ko ang nagamit...
kundi dahil ramdam na ramdam ko ang pagkawala ng liwanag mula kay Art.
"Cesia... okay na. Pumunta na tayo sa kanila." naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.
Kanina ko pa natapos ang mga gigantes... pero nakatayo lang ako dito habang dinaramdam si Art.
Napayuko ako at sinundan si Art.
Anong gagawin ko sa'yo Art...
"Hecate is hiding. Tsk." saad ni Ria.
"The portal is closing too. Look." tinuro ni Dio ang portal. Mas lumiit ang doorway nito.
"Just don't go near it. It's absorbing anything that comes in its way while closing itself." paalala ni Kara.
Laking gulat ko nang tumilapon ako bigla sa kahoy.
Nakalimutan ko yung pinya.
Ang pinakamalaki sa mga gigantes na nakalaban namin.
Isang seundo lang at kinuha ako ng halimaw para itapon sa loob ng portal.
"CESIA!" narinig ko ang mga sigaw nila.
Isang kamay ang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"T-trev? Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Saving you..." humihingal siya.
"again." narinig kong dugtong niya.
Hinila niya ako. Pero katulad ng sinabi ni Kara, tila vacuum ang portal kaya't hindi ko magawang lumabas mula dito.
Pag ipapapatuloy niya ang ginagawa niya, sigurado akong kaming dalawa ang mahuhulog dito.
"H-hindi pwede. Kakainin lang tayo ng portal. Wag kang sumama sa'kin."
Tinignan niya ako na tila hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.
Napatingin ako sa ibaba.
Wala akong nakikitang liwanag. Hindi ko alam kung anong klaseng abyss ang nasa baba. Pero sigurado akong sa underworld ito.
"Let go of me Trev." utos ko sa kanya.
Nadudulas na ang kamay ko.
"Bitawan mo'ko." at sa pangalawang pagkakataon, naramdaman ko ang takot niya.
Nagulat ako.
Takot siya...
dahil sa'kin.
"I will never."
Umiling ako.
Wala talaga siyang planong sundin ako.
Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "Trev. Inuutusan kita. Bitawan-"
Nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
"FUCK IT!" kasabay ng pagsigaw niya, ang paghila niya sa'kin papalabas ng portal.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin sa portal na iniikutan ng kuryente.
Kinurap-kurap ko ang aking mga mata.
S-sinira niya ang portal para sa'kin?
(A/N: Remember: may natutulog.)
YOU ARE READING
The Last Elysian Oracle (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
