Hinanap ko si Trev na nawala na sa pwesto niya.
GODS. Ano nga bang pumasok sa isipan ko. Iiwan lang naman ako ng lalaking nyan. Wala ata siyang balak na tulungan ako dito.
Binigyan ko ang malaking pinya ng namomroblemang ngiti.
Ano nga bang magagawa ko. Walang-wala ako sa pinyang 'to.
Asan ba kasi si Trev. Edi sana hinayaan ko nalang silang dalawa na magbakbakan. Hindi kami.
Tulong.
Nagtaka ako kung bakit tumigil yung pinya.
Di nya ba ako aatakihin?
Kinuha ko ang chance na tumakbo papalayo sa kanya. Syempre di ko naman ginawa yun.
Instead, nagmala magneto ako at sinubukang ikontrol ang silver shield ng nakahandusay na gigantes at pumatong dito.
Mahirap rin palang magkaroon ng ability na lumipad. Ilang segundo ang kinailangan ko para ma stable sa shield.
Aalis na ako dito.
Okay na yang blade sa hita niya.
I swear. Obvious talagang hindi ko kaya ang halimaw na yan.
Kinuha ng pinya ang blade at itinaas ito. Saka niya ako sinigawan ng harap-harapan.
Ayaw niya talaga akong pakawalan.
"Are you seriously gonna fight a mortal with no weapon?" nakataas noo kong tanong sa kanya.
"Ang daya daya naman."
Parang ang confident ko pakinggan, pero sa totoo lang...
Kabog lamag ng dibdib ko ang tangi kong naririnig.
Nag isip-isip rin yung pinya bago bitawan yung blade.
Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos makita ang ginawa niya.
"I have a hundred eyes kid. You're nothing." humalakhak ang pinya.
"Really?" siningkitan ko siya.
"Tsk." May sinabi siya sa kanyang sarili na di ko narinig ng maayos.
Lumundag nga siya. Pero bago pa niya ako makuha, nakaiwas na ako ng ilang inches sa kamay niya.
Muntik na yun.
Napansin ko ang pagngiwi niya sa sakit nang bumagsak siya.
"Hindi ako matatalo sa isang anak ng grace." sambit niya.
Kumunot ang noo ko.
Teka. Akala niya isang grace ang deity ko?
Ewan pero nainis ako sa sinabi niya.
"Wrong." tinaasan ko siya ng kilay.
Tumayo siya at sinuri ako. Nanghuhula pa ata kung sino yung deity ko.
Narinig ko ang tunog ng phoenix kaya napalingon ako.
Agad kong pinagsisihan ang ginawa ko dahil isang sampal lang ang ginawa niya at nagbackflip na ako at bumagsak sa lupa.
Napasigaw ako sa sakit.
Iniimagine ko nalang na ako yung bola sa volleyball at siya yung spiker.
Hirap akong makahinga dahil sa bawat segundo na sumasakit ang buong katawan ko. Namanhid ang kanang braso ko dahil sa impact.
Hindi ko kayang tumayo. Oh Gods. Inaasahan ko talaga na mangyayari 'to.
Sabi ko nga. One hit lang ako.
YOU ARE READING
The Last Elysian Oracle (Published under PSICOM)
Fantasy◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are constantly up on their sleeves, giving them missions, perhaps proving the Alphas' loyalty to their deiti...
