Alam kong nagseselos s’ya pag namumula ang kaniyang tenga. Kaya naman napangiti ako ng mas malaki dahil sa nakita. Kinagat ko agad ang aking labi para pigilin ang pag-alpas ng tili dahil sa kilig na nararamdaman.

Kinikilig s’ya sa akin tapos kinikilig din ako sa kaniya. Eii, quits lang kami. Hihihi!

"Eii, kinikilig ka no. Namumula ang tenga mo. Hahahaha! Kinikilig si Boss. Siguro kinikilig ka din sa bur no? Kinikilig ang ano mo, boss? Patingin nga? Gusto kong makita." natatawang pang-aasar ko sa kaniya.

"What the fuck!" mariin na mura niya.

Gulat na napatingin si Boss sa akin habang nanlalaki ang mata kaniyang mga mata. Namula ang buong mukha niya na parang kamatis, tsaka ko lang napagtanto na may kabastusan pala akong sinabi. Namilog ang aking mata at bigla kong natampal ang bunganga ko. Gusto kong pasakan ang bibig ko dahil sa sobrang bastos. Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ang pagsasalita. Wala talagang pansala ang aking bibig.

"He-he" nahihiyang tawa ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa pagitan ng kaniyang mga hita at bigla akong napalunok nang makita na nakaulbok na ito.

"Fuck! Hera, bumaba ka na sa sasakyan bago pa kita sunggaban at hindi palabasin. Shit!" seryosong sabi ni Boss habang nakapikit nang mariin. Mariin din ang pagkakahawak niya sa manibela na para bang nagpipigil.

Tumango ako sa kaniya at binuksan agad ang pinto ng kotse. "Tama ka, Boss! Magandang suhestyon yan. Kailangan ko na nga talagang bumaba dahil baka mag-quickie pa tayo sa loob ng sasakyan." pagkatapos kong sabihin sa kaniya 'yan ay kumaripas na agad ako ng takbo papasok sa loob ng Jollibee.

Paniguradong kung hindi ako umalis ay hihirit na naman s’yang mag-quickie kami sa kotse at kung nagkataon na nangyari iyon siguradong ma-la-late kami sa opisina at hindi kami makakakain ng umagahan. Shit! Mas maganda ngang hintayin ko na lang s’ya sa loob ng Jollibee.

Lumipas ang sampung minuto at nakatapos na din ako sa pag-order ng pagkain. Dalawang order ng Spaghetti with chicken at isang pancake na may kapares na kape. Syempre akin ang dalawang spaghetti with chicken. Matakaw kasi ako tapos si Boss naman ay diet.

Tiningnan ko ng maigi ang buong palibot para mahanap kung saan nakaupo si Tyron at nang nakita ko kung nasaan s’ya ay agad akong napangiti.

Lalapit na sana ako sa kaniya pero agad akong natigilan. Ang malawak na ngiting nakapaskil sa aking mukha ay unti-unting naglaho. Biglang uminit ang aking ulo ng makita na may nakaupong babae sa upuan na dapat ay ako ang nakaupo. Naiinis na bumuntong hininga ako ng sobrang lalim. Pagkatapos ay agad akong naglakad papunta sa kinaroroonan nila Tyron.

Anak ng pucha! Ilang minuto lang akong nawala tapos may sumulpot na naman na hipon. Habulin talaga sya ng babae. Nakakainis din talaga ang kagwapuhan nitong si Boss Tyron. Bwisit! Madaming nagkakagusto sa kaniyang babae. Nakakasura! Halos kalahati yata ng populasyon ng mga babae sa pilipinas ay kilala siya. Mga matatanda lang yata ang hindi siya kilala. Hirap magkaroon ng boyfriend na Billionaryo at sobrang gwapo.

Nang makalapit ako ay nakita ko ng maigi ang mukha ng babaeng lumalandi sa aking Boss Sungit. Muntik na akong mapatawa sa nakita. Anak ng pucha! Hipon nga! Hipon na Hipon. Sa sobrang kapal ng make up niya ay halos mabura na ang mukha niya. Grabe! Mas maganda pa ako sa kaniya! To the highest level. Kuto ko lang yata s’ya eh. Naiiling na napairap ako. Ang lakas ng loob niya para lapitan ang baby ko ha! Yari ka sa akin.

The Billionaire's SecretaryWhere stories live. Discover now