"Jusko, bahala ka nga! Ka-stress ka. Kanina ka pa hinihintay ni Skylie at pihado namumuti na rin ang mga mata ng ate niya kahihintay sa susundo sa kanya!" Sigaw niya rin ng pabulong.



Bubuka pa sana ang bibig ni Gwen para sumagot ng pasigaw ulit nang maalala niyang may lakad nga siya ngayon kasama ang isa pang kaibigan, si Skylie Rae.



"Hala. Oo nga. Susunduin nga pala namin si Ate Ingrid ngayon." Wala sa sariling usal niya na parang ngangatngat pa ng daliri. Rob mentally mimicked her.



Ulyanin kasi!



Ngayon ang balik ni Ingrid, ang kapatid ni Skylie galing Italy. Kung tatanungin niyo si Gwen ay wala itong ideya kung bakit pumunta sa bansang iyon ang ate ng kanyang kaibigan, basta ang alam niya lang ay kasama siyang susundo dahil may pasalubong ito para sa kanya. Hindi na rin siya interesado pang alamin. Pasalubong lang para sa kanya, sapat na.



"Malamang nakalapag na ang eroplanong lulan ni ate. Bakit hindi mo sinabi agad?!"



"Taray, lulan. May mas ilalalim pa ba yan?" At nagawa pang mang-asar ng isa. "Gaga ka. Batuhin kita diyan eh! Kanina pa ako kumukuda dito!" Nakasimangot na dagdag ni Rob. Anytime ay gusto na niyang sabunutan ang kaibigan, siya itong na-i-stress.



Agad na kinuha ni Gwen ang kanyang cellphone na nakalapag lang sa couch para mabungaran ang sangkatutak na missed calls at text messages mula kay Skylie. Ramdam nitong sasabog na ang kaibigan sa inip. Nagpadala rin ng text message ang girlfriend ni Sky na si Samantha na nagsasabing naiinip na raw kahihintay ang girlfriend nito.



Oo, shet beh. Inip na inip na nga yon. Sa isip-isip niya at napahilamos pa.



Ibinato niya kay Roberto ang cellphone na gulat namang sinalo ng isa. "Pakitawagan si ulap. Sabihin mo mauna na dun, susunod ako." Napamura naman ng malutong si Kim Robert. Ibato ba naman sa kanya ang cellphone, at sa loob-loob niya'y sana hindi na lamang niya sinalo.



"Pa, hatid mo ako sa airport!" Sigaw niya pa habang tumatakbo paakyat ng hagdan papunta sa kanyang kwarto. Saglit pa nitong sinulyapan ang orasan.



Grabe tanghali na pala.



____________

Sa kabilang banda, inip na inip na ngang naghihintay si Skylie. Plano na niyang kutusan ng maraming beses ang kaibigan pagdating nito mamaya—yon ay kung darating pa talaga. Ang matinong usapan nila na eight-thirty magkikita ay nauwi sa wala dahil sa kasamaang palad...inatake ng amnesia ang isa sa kanila at nakalimutan ang ganap nila ngayong araw.



"Saan na ba ang bobeyang 'yon?! May eight-thirty eight-thirty pa siyang nalalaman! Makakatikim talaga 'yon sa'kin!" Himutok ni Skylie. Nasa terminal na siya ngayon kasama ang girlfriend nito na pilit naman siyang pinapakalma. Sapilitan naman itong humihinahon.



"Calm down, Dugyot." Napasimangot siya. Natawa naman si Samantha. "Baby."



"Kanina pa kasi tayo nandito eh!" Tumingin siya sa relo niya. "Anong oras na oh. Dapat nasa school kana ngayon. Iwan mo na kaya ako? Kelangan ka ro'n."



Ngayon ang Engineering week ng malamang ay mga engineering students. Ngayong araw rin mismo ang gaganaping parada na pangungunahan mismo ni Samantha bilang siya ang pangulo ng pangkalahatang departamento ng engineering courses. Mahalaga ang kanyang presensiya lalong-lalo na sa unang parte ng programa kaya nararapat lamang na naroon siya subalit mas piniling samahan ang girlfriend...na dapat sana ay ihahatid lang ito.



Until We Meet AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum