Kabanata XXXIX

Magsimula sa umpisa
                                    

"Puro ka na lang sorry." Matunog niyang hinalikan ang labi nito.


"I love you."


Napatitig siya sa mga mata nito. "Kaden..."


"I'm sorry."


"Ano ba talaga?" Natawa siya.


Tumayo ito at inabot ang hinubad na pantalon. May kinuha ito sa bulsa at inabot sa kanya. Isang kahon na kulay itim.


"Ano ito?"


"Open it."


Binuksan ni Perisha ang maliit na kahon. Namilog ang mga mata niya. Singsing ang laman niyon. Isang gintong singsing na may malaking pulang bato sa gitna. Kumikinang ang bato, tiyak niyang ruby. Classy, antigo, halatang hindi biro ang presyo. "Para sa akin ito?" Tanong niya kay Kaden.


"Yes." Kinuha nito ang singsing at isinuot sa daliri niya. "Matagal ko ng gustong ibigay ito sa'yo."


Nangilid ang mga luha niya. "K-Kaden..."


"Pagkatapos nating kumain, uuwi tayo sa villa." Nginitian siya nito. "Papakasalan na kita."


Hindi na siya nakapagsalita sa sobrang saya na nararamdaman niya. Nayakap na lamang niya si Kaden. Agad naman nitong ginantihan ang yakap niya.


Itinaas nito ang baba niya at tiningnan siya sa mga mata. "Sabihin mo kay Judas, maghanap na lang siya ng iba. Dahil akin ka. Akin ka." Seryoso nitong sabi.


Lumuluha siyang tumango. "Sa'yo lang. Sa'yong-sa'yo lang."


...


"DAMN IT." Kaden grunted. Nakauwi na sila kaninang hapon.


Iniwan niya ang dalaga sa veranda ng mansion. Ayaw niyang makita ni Perisha ang pagiging balisa niya.


He shuddered and shook his head. Nakaramdam siya ng di maipaliwanag na pagkauhaw pagkakita niya sa buwan.


Huminto siya sa tapat ng ref. Marahas niya iyong binuksan. Sa loob ay sumalubong sa kanya ang maraming bote ng wine na hindi naka-sealed. Mga bote na nabuksan na ang napalitan na ang laman. Napalitan na ng dugo ng tao mula sa private hospital na pag-aari ng Vox.


"What the hell is happening to me?" Kinagat niya ang takip ng bote ng wine. Hindi na siya kumuha ng wineglass, basta na lang iyong tinungga ni Kaden hanggang sa mangalahati ang laman.


"Thirsty, huh?" Mula sa dilim ay lumabas si Helios. Namumula ang mga mata nito.


"Hindi pa dumarating ang kabilugan ng buwan." Nagtagis ang mga ngipin niya. "Why is that? Nagkakaroon ng pagbabago pati sa libido ko. Para akong mababaliw." Feeling niya kapag dumating na ang kabilugan ng buwan ay dodoble ang pagiging hayok niya, at posibleng makapatay siya kung makakatakas siya sa basement.

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon