👑Chapter 20: {Accident}

Start from the beginning
                                    

***

Luke's POV

"Pearl?"

Bakit ba kasi niya ako tinulak? Siya tuloy ang nabunggo.

Agad ko namang tinawag ang ambulansiya para sa tulong.

Ilang sandali pa ay dumating na nga ito at sinakay na nila si Pearl sa loob. Sumama na rin ako.

Nang makadating na kami sa ospital, dali-dali nilang ibinaba si Pearl at papunta sa emergency room. Hanggang sa marating na namin ito.

"Sir, hanggang dito na lang po tayo," sabi ng doktor at pumasok na sa loob.

"Pearl, huwag kang bibitaw. Alam kong malalampasan mo 'yan," sabi ko at merong luhang kumawala sa mata ko.

Teka, bakit ba ako naiyak? Ni hindi ko pa nga siya kilalang lubos para iyakan.

Pero parang merong parte sa puso ko na gusto ko ng magwala dahil nadisgrasya si Pearl. Pero ewan, hindi ko rin naintindihan sarili ko.

Napalingon naman ako nang lumabas na ang doktor galing emergency room. At kaagad din akong napatayo para salubungin siya.

"Kumusta na siya dok?"

"Ikaw ba ang boyfriend niya?"

"O-opo, kumusta na po kalagayan niya?"

"Okay na siya. Naitama lang konti ang ulo niya but nothing to worry about, dahil nagpapagaling na siya. At ililipat na siya ng room. Pwede mo na siyang makita."

Nilabas naman nila si Pearl gamit ang bed ng hospital na may gulong at ililipat sa room 117.

Yung room nang una kaming nagkakilala. Ano ba 'yan! Nagdradrama na ba ako.

Sinundan ko lang sila hanggang sa makarating na kami sa sinabing room at ilinipat na rin si Pearl ng kama at iniwan na nila kami rito.

Pinagmasdan ko lang ang mukha niya na walang malay. Niligtas niya ang buhay ko. Pero bakit niya ginawa yun? Isa lang naman siyang stranger sa'kin and I think, ako rin sa kanya.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito at sinagot ko naman ang tawag ni Anna.

(Where are you? Hinahanap ka na nila sa'kin)
"Sabihin mo na hindi na ako makapunta sa meeting.. Maybe next time na lang, meron pa kasi akong importanteng inaasikaso."

(Mas importante pa kaysa sa business matters?)
"Yes," maikli ko lang sagot at pinatay na ang tawag.

"I want to be with you. The rest of the day," sabi ko sa nakatulog na si Pearl.

Hindi ko na alam kung ano ng nangyayari sa'kin. Pwede ko rin naman siyang iwan dito pero nanaig pa rin ang pag-aalala ko para sa kanya.

***

Nagising ako na chineckeck up si Pearl ng doktor.

"Para saan po ba yung ginagawa niya sa kanya?" I ask.

"Every day po kasi kailangang makuha ang mga vital signs niya para malaman kung magpapatuloy pa ba ang magandang kalagayan niya," sabi niya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Kailan po ba siya magigising?"

"Maybe 2 to 3 days." Natapos na ang doktor sa ginagawa niya.

"Sige, maiwan na muna kita sir."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Pearl.

"Please bilisan mong magising. I want to apologize what happened to you."

Nang sandali pa ay merong bumukas ng pinto kaya napatingin ako dun.

At nakita ko mula dun yung kaibigan ni Pearl.

"Pano mo nalamang naaksidente si Pearl? At pano mo nalamang dito siya naospital?"

"Sir, napanood ko lang po sa TV."

"Naflash na agad sa TV?" gulat naman na tanong ko.

At lumapit na siya sa kama ni Pearl.

"Kumusta na siya sir?"

"Okay na siya, nagpapagaling na lang."

Sandali lang ay natahimik kami.

"Ah sir, maiwan na muna kita. Meron kasi akong trabaho ngayon. Napadaan lang ako para dalawin si Pearl."

"Sige."

Lumabas na siya at naiwan nanaman kami ni Pearl dito.

"Sana magising kana ng mas maaga Pearl," sabi ko at lumabas na muna para makapag-almusal.

Sa restaurant na ako nag-umagahan at pagkatapos ko ay umuwi na muna ako para maligo at pagkatapos ay bumalik na rin ulit ako sa ospital para bantayan si Pearl.

2 days later

"Nasaan ako?"

Nagising ako dahil sa narinig ko.

***

Ellaine/Pearl's POV

Pagmulat ko, ang nakita ko kaagad ay puro puti.

"Nasan ako?" Yun ang unang nasambit ko.

Nang naramdaman kong merong gumalaw sa gilid ko kaya napatingin ako dun. At si Luke pala na kagigising lang.

"Oh gising ka na pala."

"Nasan ako?" tanong ko at pilit na tumatayo.

"Huwag mo munang pilitin ang sarili mo. Mahiga ka na muna," saad niya at pinahiga muli ako.

At sandali kaming natahimik. And then he break the silence between us.

"Pearl, I want to apologize what happened to you. Ikaw naman kasi, hindi sana mangyayari sa'yo yun kung hindi mo ako tinulak."

"At ikaw naman ang masasagasaan? Hindi ko hahayaang mangyari yun Luke," natigilan siya sa sinabi ko. Nagulat din ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko namalayan ang mga pinagsasabi ko.

"Bakit? Bakit mo itinaya ang buhay mo para sa'kin?" mahina niyang tanong na sapat lang para marinig ko.

"Because I.... (Love you Luke) I..... Don't know." Hindi ko masabi-sabi sa kanya na mahal ko siya dahil siguradong hindi siya maniniwala. Ayoko rin namang mapahamak siya ng dahil sa'kin.

"You don't know? What a dumb answer."

Nagulat ako dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi na talaga siya ang Luke na nakilala ko. Ibang-iba na siya. How could he say such things to me, eh hindi pa nga niya alam ang totoo.

"Dumb answer? I have my own reasons Luke kung bakit ganun ang sagot ko kaya huwag mo akong minamaliit," sabi ko na nagsimula ng humagulgol. "Hindi mo alam ang totoong dahilan kung bakit ko ginawa yun KAYA HUWAG MO AKONG PAGSASALITAAN NG GANYAN!" sabi ko habang umiiyak.

Napayakap na rin siya sa'kin dahil nagwawala na ako.

Madami akong pagsubok na dinaanan Luke para lang makapunta sa tabi mo pero bakit ganyan ka? Hindi ka naman ganyan nung mga bata pa tayo.

"Look, I'm sorry kung napagsalitaan kita kanina. I just don't believe na may nagmamalasakit pala sa'kin. All I thought ay palagi na lang akong ipinagtatabuyan."

"Don't say that Luke. Meron pa rin naman nagmamahal sa'yo."

"Sino? Wala akong alam na nagmamahal sa'kin."

Bigla akong nag-iwas ng tingin. "Tumingin ka lang sa paligid mo Luke." Nang hawakan niya ako sa dalawang kamay ko.

"Maraming salamat Pearl. Sa pagpaparamdam mo sa'kin na importante ako at mahalaga ako sa mundo." Nginitian ko lang siya. Napabaling ang tingin namin sa pintuan nang bumukas ito at ilinuwa ang isang nurse.

"Sir, pwede na raw po kayong umuwi," sabi lang niya at lumabas na rin.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now