👑Chapter 46: {Outing}

613 40 0
                                    

{Outing}

Luke's POV

Nandito pa rin ako sa kusina. Na naghahanda.

Kasama ko ngayon si Ted dito. Tinutulungan niya ako sa mga lutuin.

Magluluto kami ng carbonara, shanghai at magbabake din kami ng cake.

Tinext ko na rin lahat ng gusto kong sumama.

Si Anna, si Marla pero si Ellaine. Pinuntahan ko talaga sa unit niya. Syempre special siya.

Natuwa nga siya nung una niyang nalaman. At nangulit ba naman na magsama ng kaibigan pero dahil importante siya sa'kin at hindi ko siya matiis ay pinayagan ko na lang.

Wala rin naman akong magagawa kung pipigilan ko siya at mas masaya naman kasi kung mas marami.

Tapos na kaming magluto ng carbonara at shanghai at ngayon ay ang cake naman.

Ilinagay na namin ang flour and egg sa mixing bowl.

"Sir asan po yung milk niyo?" tanong niya na nagtitingin sa ref ko.

Teka, wala ba akong nabiling gatas?

"Hay, nakalimutan ko yata. Sige ako na ang lalabas, ituloy mo na 'yan. Alam mo naman na wala akong alam sa mga ganyan 'di ba kaya nga kita pinapunta rito para tulungan ako sa pagluto."

"Oh sige po sir, ako na rito," sabi niya at inimix-mix na ang bowl.

Dumeretso naman ako sa pinto para lumabas at makabili na ng milk.

Bumaba na rin ako ng elevator at dumeretso na sa kotse ko para pumunta sa grocery store.

Pumunta na agad ako sa milk section at pumili na ako kaagad para makabalik ako ng maaga.

At nang nakapili na ako ay pupunta na sana ako sa counter para magbayad nang may narinig akong ingay na parang nagtatalo.

"Stop dictating what I'm gonna do. And infact, your not my real mother so why don't you leave us alone?"

Nang maaninag ko na boses pala yun ni Anna.

Tinignan ko naman ang pwesto ni Anna ay naka likod sa'kin kaya yung kausap niya yung nakaharap sa direksyon ko.

"Anna, why can't you accept me anak?"

"Anak?! Oh gumising ka nga tanda! I'm not your daughter," mataray niyang sabi.

And guess what, yung kausap lang naman ni Anna ay kamukhang-kamukha ni mama.

Yung ina ko na nagtakwil sa'kin.

Pero parang hindi lang halata dahil na rin sa makeup na nasa mukha niya.

Dito ba naman nag-aaway sa grocery store.

"Oh Anna, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tuluyan nang nagpakita sa kanila.

Halata naman ang gulat sa mukha ng kaaway ni Anna kanina.

"Anong ginagawa mo rito?"  tanong niya na parang gulat din.

"Ah, bumili lang ako ng milk. Naubusan kasi ako sa condo ko eh, huwag mong kakalimutan mamaya ah? 4 o'clock, okay?" Tumango lang siya bilang sagot.

"Oh sige alis na ako."

"Sige," sagot naman niya kaya pumunta na rin ako sa counter para magbayad.

And after kong magbayad ay pumunta na agad ako sa parking lot para makauwi na sa condo.

Pagkauwi ko ay pumunta na agad ako sa kusina para tignan ang ginagawa ni Ted.

At gumagawa nanaman siya ng bagong putahe.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now