👑Chapter 11: {Golden crown}

1K 121 33
                                    

{Golden crown}

Ellaine's POV

Kinaumagahan, nagising talaga ako ng maaga para sa plano namin ni Pearly. I mean, ako lang pala ang may plano. Napasama lang si Pearly sa kalokohan ko.

Nandito na kami ni Pearly sa pinto ng kastilyo.

"Pwede ba kaming lumabas?" tanong ko sa guard.

"Hindi pwede. Ipinagbilin ka na sa amin ng reyna," sagot naman ng guard.

Ang sungit, para lumabas lang eh ayaw pa.

"Dun lang naman ako sa mga friends ko. Dyan lang oh." tinuro ko pa na malapit sa kastilyo para mapaniwala ko sila.

"Hindi talaga pwede," sabi ng isa pang guard.

"Okay," pumunta na ako sa kwarto ko kasama si Pearly.

"Sana makaisip tayo ng paraan," sabi ko na nag-iisip kung ano ang dapat naming gawin.

"Ano namang paraan yun," tanong naman ni Pearly.

"Alam ko na!" sabi ko na nakaisip ng gagawin namin.

Pumunta na ako sa kusina para sa balak ko. Sumunod naman si Pearly sa'kin.

"Ano naman ang gagawin natin dito?" tanong ni Pearly na nalilito pa rin sa kung ano nanaman ang naisip kong kalokohan.

"Magluluto tayo ng masarap at lalagyan natin yun ng pampatulog para sa mga guards," sabi ko at nagsimula na akong maghanap ng mga pampatulog nila sa mga cabinet ng seasonings at kung ano-ano pa ang laman ng cabinet na hinahanapan ko.

"Alam kong madami ditong mga ganun?" sabi ko habang abala pa rin sa paghahanap.

"Maganda nga 'yang naisip mo Ellaine," sabi ni Pearly at nagluto na nga kami ng masarap na pagkain at nilagyan ng madaming pampatulog.

At pumunta na kami sa mga guards.

"Ano 'yan?" tanong ng isang guard nang mapansin niya na may dala ako.

"Para sa inyo 'to," sabi ko naman sa kanila.

"Talaga? Hindi pa nga ako nag-uumagahan. Salamat ha?" sabi ng isa pang guard.

"Oo kain lang kayo," sabi ko naman na napangiting tagumpay.

Pinapanood ko lang silang kumakain. At nakailang subo rin ang mga guards bago sila tuluyang makatulog.

Yes. Tumalab yung nilagay ko. Malamang, tatalab talaga yun. Kasi nga pampatulog, meron bang pampatulog na hindi ka napapatulog?

Binuksan ko na ang pinto at papalangoy na sana ako palayo pero pinigilan ako ni Pearly.

"Teka lang Ellaine," narinig ko na sabi niya kaya lumingon ako sa likod ko na kung saan, nandun siya.

"Ano yun Pearly?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hanggang dito na lang ako Ellaine," sabi ni Pearly.

"Hindi ka sasama?" tanong ko naman sa kanya.

"May pamilya rin ako at sigurado akong kapag sasama ako sa'yo. Mag-aalala sila ng sobra." biglang nalungkot ang mukha ko mula sa excited kong mukha kanina.

Bakit hindi siya sasama? Siya ang best friend ko. Malulungkot talaga ako pag hindi ko siya kasama pero parang ang selfish ko naman pag pinilit ko pa.

"Naiintindihan ko," sabi ko na lang kahit hindi naman talaga.

"Pero ipagdadasal naman kita na maging ligtas ka sa pupuntahan mo," sabi niya na nagpangiti sa'kin.

Niyakap ko lang si Pearly. Kasi naman ang tagal na naming magkasama at magkaibigan tapos ganitong sitwasyon pa kami paglalayuin?

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now