👑Chapter 48: {Payong kaibigan}

597 51 1
                                    

{Payong kaibigan}

Ellaine/Pearl's POV

"Ellaine!" Nabulabog ako ng tulog nang meron akong narinig na tumawag sa pangalan ko.

"Ellaine, bakit nakahiga ka pa riyan?" tanong niya na binuksan na ang pinto.

At si Luke pala ang nanggigising ng maaga. Pero ipinikit ko na lang ulit ang mga mata ko, tinatamad akong bumangon eh.

Napatingin ako sa kanya nang inalis niya ang kumot ko.

"Ano ba! Tinatamad pa nga akong bumangon eh," sabi ko naman at nagkumot ulit.

"Bangon ka na diyan, pupunta pa tayo sa shop," sabi niya.

"Babalik na ako?" tanong ko naman at napabangon nang wala sa oras.

"Magbihis ka na nga, pupunta tayong shop. Nandyan yung mga ginamit mong damit. Pinalaundry ko na," sabi niya at tinanggal ulit ang kumot ko at itinuro ang katabi kong lamesa na nandun na nga yung mga nagamit ko noong damit na maayos ng nakatupi.

Hayss, ang kulit talaga eh.

"Sige na po, magbibihis na," sabi ko at tumayo na papuntang banyo para maligo.

Tumingin naman ako sa kanya na nakacross arms na nakatayo sa may pinto ko.

"Oh bakit?" tanong naman niya na tumaas ang isang kilay.

"Sabi mo, magbibihis ako 'di ba?" tanong ko naman na malumanay.

"Oh ano naman?" tanong niya na parang nang-aasar.

Aba, at hindi pa siya nagpapatinag ha?

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay at nakapameywang.

"Okay fine, aalis na ako," sabi niya at lumabas na ng pinto.

Pero nang hindi pa siya tuluyang nakakalabas ay himinto siya at lumingon sa'kin.

"Bilisan mo ha? Malelate na tayo," sabi niya. "Tulog mantika kasi," sabi ulit niya na pabulong bago pa siya tuluyang makaalis.

"Hoy! Sa tingin mo hindi ko narinig yun?" sabi ko na tinuro ko pa siya.

Narinig ko pa siyang tumawa habang paupo na sa sala.

Isinara ko na rin ang pinto ng kwarto ko at diretso sa banyo.

Naligo na ako ng mabilis at nagbihis na rin para wala ng masabi yung magaling na Luke na yun na... Well mahal ko.

Binuksan ko na ang pinto nang nakabihis na ako at nakita ko pa siya na nagbabasa ng magazine.

Alam ko ang pangalan niyan 'no, meron din naman kaming mga ganyan sa dagat.

"Luke, halika na," pagtawag ko sa atensyon niya.

Paglingon niya ay tumayo na rin siya agad.

"Halika na," sabi niya at lumapit sa'kin para hawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas.

Ayyiiee, kinilig naman daw ako!

Pero huwag munang mag-assume baka basagin nanaman niya kapag nalaman niyang kinikilig ako sa ginagawa niya.

Pagdating namin sa ground floor ay dumeretso nanaman kami sa sasakyan niya.

At pinagbuksan niya ulit ako ng pinto.

Tahimik lang kami habang nagmamaneho siya nang basagin ko ang katahimikan.

"Luke," pagtawag ko sa atensyon niya.

"Ano yun?" tanong naman niya na nakatingin pa rin sa daan.

"Ano nga palang pangalan nitong palagi nating sinasakyan? Nakasakay na ako ng ilang beses pero hindi ko man lang alam kung anong pangalan," malungkot na saad ko.

The Mermaid Princess (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon