👑Chapter 56: {Bhyll's escape}

688 43 0
                                    

{Bhyll's escape}

Third person's POV

~Dark kingdom~

"Ngayong namatay na yung taong yun, ngayon wala na akong pangpahin kay Ellaine para ibigay niya ang golden crown," bulong ni Elvyra sa kanyang sarili nang nandun siya sa royal chair nakaupo.

Maya-maya pa nga ay meron nang pumasok na alagad nila.

"Mahal na reyna, meron pong nanggugulo sa labas," saad niya.

"Papasukin mo siya at iharap sa'kin." At sandali pa nga ay pumasok na si Bhyll sa loob ng palasyo. At bumaba na si Elvyra sa upuan para lapitan si Bhyll.

"Anak," sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

Pero inalis lang ni Bhyll ito.

Matapos kasi ng pag-uusap ni Elvyra at Steve sa kweba noon ay hindi na niya muling nakita si Bhyll.

Kasi sumunod siya kay Ellaine na walang sinuman ang nakakaalam.

"Bakit mo ba pinapahirapan sila princess?"

At sa pamamalagi si Bhyll sa Dark kingdom ay alam na niya na anak siya ng isang Elvyra na pinakamasamang nilalang sa mundong ginagalawan niya.

"I just want the golden crown anak, pero hindi nila binibigay kaya napilitan akong saktan sila."

"Alam mo ba ang kasabihan na 'if it's not yours, then don't force to be yours?'"

"Pero I just want to rule this whole ocean just for you, son," sabi niya at pilit hinahawakan si Bhyll pero tinatabig lang niya ang kamay nito.

"Ang sabihin mo, just for your own self. Hindi mo iniisip ang iba ma."

Parang nahilom ang madaming sugat ni Elvyra dahil sa narinig.

Bhyll called her 'ma' at sa pagkasabi ni Bhyll yun ay unti-unting nag-iba ang aura ni Elvyra, magmula sa dark at nakakatakot niyang itsura. Naging light na lang at mukhang maamo na ang kanyang itsura.

"Anak!" sabi niya sabay yakap.

Hinayaan naman ito ni Bhyll dahil alam niya sa puso niyang nagbago na ang kanyang ina.

"Anak..." pag-uulit ni Elvyra na tumutulo na ang kanyang mga luha at para bang hindi niya ito nakita ng maraming taon.

"Ma," sabi rin ni Bhyll. At kumalas na si Elvyra sa yakap nila.

"Sorry anak, ang dami-daming pagkukulang ni mama sa'yo. Pasensya na anak," sabi ni Elvyra na nakahawak sa magkabilang pisngi ni Bhyll.

"Ma, mapapatawad lang po kita kung hihingi rin kayo ng tawad kay princess sa gulong ginawa mo."

"Oo anak hihingi ako ng tawad sa kanila, basta mapatawad mo lang ako."

Tuluyan na ngang nawala ang black magic na bumabalot kay Elvyra dahil sa kanyang anak. Si Bhyll ang susi ng kabutihan sa puso ni Elvyra.

Binuksan niya ang puso ni Elvyra at ipinaintindi na hindi lang ang golden crown ang dahilan para mabuhay siya.

She has a family to live with and to share their emotions together.

Pero ang hindi nila alam ay tahimik palang nanonood si Mora sa kanila.

"You!" sabi niya sabay turo kay Bhyll kaya napatingin silang dalawa kay Mora.

"How dare you make Elvyra like that? That is not Elvyra that I know.. She's not crying or maybe try someone to hug, and most of all her black aura has gone.. She looks different now, and that's because of you!"

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now