👑Chapter 20: {Accident}

821 78 12
                                    

{Accident}

Ellaine/Pearl's POV

Kinabukasan, it's another day nanaman. Natanghali na rin ako ng gising.

Bigla kong napansin ang sulat sa side table. Baka sinulat ito ni Luke. Mabasa nga.

'Hindi muna kita masasamahan ngayon dahil na rin sa sunod-sunod na meeting ko. Pero punta ka rito mamayang 11:30 at maglulunch tayo sa building.. Magpasama ka na lang sa bagong kaibigan mo sa pagpunta rito. Isang oras lang kasi ang binigay nilang break sa'kin kaya hindi na kita masusundo. Ingat ka ha? At see you later.'

Bakit naman niya ako iniwan? Nakakainis talaga.

Dali-dali naman akong pumunta sa banyo para maligo.

Excited? Sabi nga ni Luke na 11:30 eh pero 9:00 pa naman.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas muna ako sa living room. Siguro manonood muna ako, pampalipas lang ng oras.

Hours later...

*ring,ring,ring

Dali-dali naman akong tumayo at pumunta sa kwarto kung nasaan yung cellphone ko.

At sinagot ko naman ang tawag ni Luke.

"Hello Luke, bakit?"
(Hindi mo ba nabasa yung sulat sa lamesa?)

"Ay oo nga pala, sorry nakalimutan ko."
(Oh sige, punta ka na rito. Hihintayin kita.)

"Oh sige Luke." Ibinaba ko na ang tawag.

At dali-daling lumabas patungo sa condo ni Keitty.

Nagdoorbell muna agad ako sa pinto ng unit niya. At ilang sandali pa nga ay bumukas na ang pinto.

"Oh Pearl bakit?" tanong niya.

"Ah, gusto ko lang sanang magpasama kung saan nagme-meeting sila Luke."

"Ah sa Jewelry company ba? Oh sige," sabi niya at kinuha muna ang cellphone at wallet niya saka siya lumabas.

Naglakad lang kami palabas ng building at nakasakay na rin kami papunta kina Luke.

Bumaba lang kami sa gilid kung saan maraming tumatakbong bagay.

"Hindi ko kasi alam exactly kung saang building ni sir Luke pero kung may cellphone ka.. Pwede mo naman siyang tawagan at magpasundo ka rito."

"Okay sige, thanks sa pagsama," pasasalamat ko bago siya umalis.

"Sige bye," sabi niya at sumakay na ulit.

Hays, mag-isa nanaman ba ako?

*ring,ring,ring

Sinagot ko naman ang tawag.

(Hello, asan ka naba Pearl?)
"Ah eh, hindi ko rin alam eh."
(Ha? Bakit di mo alam? Nakadating naba kayo?) tanong niya na may halong pag-aalala ang boses.

Pero may pumukaw sa atensyon ko sa may tawid lang nitong mga tumatakbong bagay.

"Luke!" tawag ko naman sa kanya.

"Pearl!" tawag niya sa'kin nang tuluyan na nga niya akong makita at tumawid na siya na hindi man lang niya ininda ang mga tumatakbong mabilis na mga bagay.

Nang huling line na siya ay napatigil siya dahil sa malapit ng nakabunggo sa kanya.

Hindi ko alam sa sarili ko, para bang merong nagtulak sa'kin na iligtas si Luke at yun nga ang ginawa ko. Ang tinulak siya at ako ang nabunggo.

"Pearl?!"

Ang huli ko na lang narinig ay ang malabong pagtawag sa pangalan ko.

And I don't know what happened next.

The Mermaid Princess (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon