👑Chapter 2: {Is this a dream?}

3K 181 108
                                    

{Is this a dream?}

Third person's POV

Nang gumabi na ay pumunta muna si Edo sa tabing dagat para pagmasdan ang kagandahan ng dagat tuwing gabi.

"Hindi ka ba komportable sa kwarto mo?"

Bigla namang tumabi si Lena kay Edo na nakaupo sa buhangin.

"Komportable naman ako," sabi niya habang nakatingin pa rin kay Lena na nakangiti pa sa kanya.

"Kung ganun, bakit ka nandito?" tanong niya ulit sa binata. Napalingon saglit si Edo sa dagat bago niya ulit ibinaling ang tingin kay Lena.

"Gusto ko lang magpahangin. Ikaw, bakit ka nandito sa ganitong oras?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga na katabi lang niya.

"Nabanggit na yata ni lolo sa'yo na ako ang tagapangalaga ng Blue sea kaya kahit ganitong oras, nandito pa rin ako," sabi niya rito na sumulyap din sa dagat bago ulit ibinalik kay Edo ang tingin.

"Ganun pala." Kahit nagkaka-usap na sila ay hindi pa rin maipagkakaila na may bumabalot pa rin sa kanilang ilangan.

"Mmm. Hindi mo pa nasasabi ang pangalan mo." Nang biglang naalala ni Lena na hindi pa niya nalalaman ang pangalan ng binatang kausap.

"Ah. Ako si Edo." Pagpapakilala ng binata sa kanyang sarili.

"Ah okay."

Pinagmamasdan lang ni Edo ang dalaga habang nakatingin naman si Lena sa dagat na nakangiti.

"Ang ganda ng dagat kapag gabi 'no?"

Nakatitig pa rin si Edo kay Lena habang pinagmamasdan pa rin ng dalaga ang dagat.

"Kasing ganda mo." Kaagad namang napatingin sa kanya si Lena dahil sa kanyang sinabi.

"Ano?"

Nahiya naman si Edo sa kanyang sinabi. Parang kasing hindi niya nakontrol ang sarili niyang masambit yun.

At nahihiyang tumingin siya sa dagat habang nagkakamot sa likod ng ulo niya. Senyales ng mga lalaki kung nahihiya sila sa harapan ng isang babae.

"Oo nga. Ang ganda nga ng dagat." Pagbabaling ni Edo ng usupan nila. At hindi na inungkat pa ang sinabi ni Edo kanina.

Bigla naman silang natahimik dalawa. Nakakailang ang katahimikan hanggang sa nagsalita na ulit si Edo.

"Nabanggit ng lolo mo na ayaw mong magpaligaw." Panira niya ng katahimikan.

Wala na kasi siyang maisip na topic nila so he decided to open that subject.

"Oo, kasi wala akong panahon para makipagboyfriend. Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." Pag-iiba ni Lena ng usapan

Hindi malaman ng dalaga ang nararamdaman kung bakit meron siyang urge na malaman ang tungkol sa buhay ni Edo. Kung saan siya nanggaling, kung bakit niya siya natagpuan sa gilid ng dagat nung araw na iyon, kung pano niya napapatibok ng kakaiba ang puso niya pagkasama niya siya.

Gusto niyang itanong kung bakit siya sobrang curios kay Edo. Pero hindi naman niya kayang itanong ang mga bagay na iyon ngayon.

"Wala akong maikwekwento tungkol sa buhay ko," sagot lang niya. Ayaw naman niyang mabuko at masabing isa siyang sireno kaya nagdahilan na lang siya na walang maikwekwento sa buhay niya.

"Bakit naman?" tanong naman ng dalaga sa kasama.

Curios talaga siya sa kung saan nanggaling si Edo.

"Kasi magulo at hindi mo maintindihan."

Ang tinutukoy niya ay yung pagiging sireno niya. Nasisigurado naman ni Edo na kapag sinabi niyang sireno siya ay hindi iyon paniniwalaan ni Lena kasi nga isang kwentong bata lang ang mga tungkol sa sirena at sireno.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now