👑Chapter 55: {Pagbabalik buhay}

701 44 0
                                    

{Pagbabalik buhay}

Third person's POV

"Luke!!" sigaw pa rin ni Ellaine.

Nang lumapit si Steve kay Ellaine at hinawak ang balikat niya kaya dahil dun ay napalingon si Ellaine na namamaga na ang mata.

"Ellaine, may pag-asa ka pa," mahinahong sabi naman ni Steve sa kanya.

"Ano pa bang pag-asa? Sawa na akong maniwala sa pag-asa. Ngayong si Luke na ang nawala!" sigaw ni Ellaine.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa Ellaine, meron ka pang magagawa," mahinahon pa ring sabi ni Steve.

"Ano naman yun?" tanong ni Ellaine.

"Pwede mong buhayin ang patay," sabi naman ni Steve.

"Huh?" Nagtatakang tanong naman ni Ellaine.

"Makapangyarihan ka Ellaine. Subukan mo."

Kaya ipinatong na ni Ellaine ang kanyang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ni Luke at ipinikit ng mariin ang kanyang mata.

"Please Luke gumising ka!" dasal ni Ellaine habang nakapatong pa rin ang mga kamay niya sa dibdib ni Luke at nakapikit siya ng mariin.

At maya-maya pa nga ay meron ng narinig si Ellaine na boses.

"Ellaine?"  Dahan-dahang iminulat ni Ellaine ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang buhay na si Luke.

"Luke, buhay ka!" sabi ni Ellaine sabay yakap.

"Agh, hindi na ako makahinga Ellaine," sabi naman ni Luke. At kumalas na si Ellaine ng yakap.

"Hinding-hindi na ulit kita iiwan Luke pangako," sabi pa ni Ellaine.

Napangiti naman si Luke sa narinig.

"At... Teka, pano ka nga pala naging sireno?" tanong naman ni Ellaine kay Luke.

"Binigyan ako ng kinalaban mo kanina ng potion," sabi niya.

"Pero bakit naman?" tanong ulit ni Ellaine.

"Dahil gagawin niyang pahin si Luke," singit naman ni Steve.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ni Ellaine na naguguluhan.

"Gagawin niya sanang parang trap para sa'yo Ellaine ang pagkuha niya kay Luke."

"Paano po?"

"Kung hindi niya makukuha 'yang golden crown na suot mo ay tatakutin ka sana niya na papatayin niya si Luke. Pero dahil ang akala niya ay patay na si Luke, umalis na siya at gagawa ng iba pang paraan," paliwanag ni Steve.

"May posibilidad po bang babalik siya?"

"Oo Ellaine, kaya maghanda ka ano mang oras."

"Sino siya Ellaine?" Bulong ni Pearly sa tenga ni Ellaine.

"Siya yung sinabi ko sa'yo na nakilala kong tao noong bata pa tayo." Halata naman na nagulat si Pearly sa sinabi ni Ellaine.

Nang sumingit si Lena at lumapit kila Ellaine.

"I'm so proud of you Ellaine," sabi ni Lena at yumakap kay Ellaine. Lumapit na rin si Edo sa kinaroroonan ng mag-ina.

Nang maalala pala ni Ellaine na kasama pala nila si Luke.

"Ina, Ama... Si Luke nga po pala," pagpapakilala niya rito.

"Iho. Salamat sa pag-aalaga mo sa makulit at matigas ang ulo naming anak ha?" sabi ni Edo kay Luke pero nainis naman si Ellaine sa sinabi ni Edo.

"Ama naman eh!" inis na sabi ni Ellaine.

Pero tinawanan lang siya nila Edo, Luke at pati na si Lena.

"Oo nga po eh, naalala ko pa nung sinabi ko pong hindi siya lalabas sa condo ko pero lumabas pa rin po siya," sabi ni Luke nang tumatawa.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now