Ngumiti siya, "safe sex, Tess. Always remember."

Binato siya ng tissue ni Tess na ikinatawa lang niya. Nandoon sila sa tambayan nilang Restaurant na pag-aari ni Red na siya muna ang namamahala. Red is busy with her up coming wedding.

Sumimsim ng Iced Tea si Ruth saka inilapag nito sa mesa ang cell phone na kanina pa nito hawak. "God, I’m so darn tired. Ang daming gustong magpagawa ng wedding gowns sakin."

Nakangiti siyang bumaling kay Ruth. "Kailan ka manlilibre?"

"Oo nga." Segunda ni Tess. "Maraming order ng wedding gown meaning maraming pera. Kaya kailangan mo kami lilibrehin? Okay na samin ang trip to Bali, Indonesia."

Si Ruth naman ngayon ang bumato kay Tess ng tissue. "Gaga. Ang yaman-yaman mo, tapos nagpapalibre ka?"

Natatawang nagkibit balikat lang si Tess saka sumimsim ng Apple juice. "Masarap ang libre, honeybee." Anito kay Ruth, "so kailan? Tayong tatlo nalang ang single sating magkakaibigan, dapat tayong mag-party tapos mag imbita tayo ng strippers."

She tsked. "Kung alam kang ng Daddy mo ang lumalabas sa bibig mo kapag wala siya, baka ikinadena ka na niya."

Napalabi si Tess. "Kasi naman e..." Bumaling ito kay Ruth. "Oh, ano na? Kailan mo kami lilibrehin?"

Tipid lang na ngumiti si Ruth na ikinailing niya. Si Ruth na yata ang pinaka-matipid sa kanilang magkakaibigan. Dahil siguro 'yon sa bahay na pinapagawa nito. Samantalang si Tess naman ang pinakawaldas sa lahat.

Huminga siya ng malalim saka wala sa sariling napatitig sa Magazine na katabi ng shoulder bag ni Tess. Dala iyon palagi ng kaibigan at wala iyong sawang binabasa.

Bachelor's Magazine featuring the hottest and sought after Bachelor in Asia.

Umismid siya. Nonsense. Kaya hindi niya iyon binasa kahit minsan. Pero hindi siya nagkomento. Alam niyang kasama sa na feature ang apple of the eye ni Tess na si Hunt Baltazar.

"Ma'am, heto na po ang book of accounts para sa buwan na 'to." Pukaw sa kaniya ng Manager ng Restaurant sabay abot ng isang malapad at makapal na journal.

Pasimple siyang tumikhim para magising ang natutulog na diwa saka tinanggap ang journal. "Salamat." Aniyang nakangiti.

Nakangiti ang Manager na tumango sa kaniya saka iniwan na sila.

At dahil nasa kaniya na naman ang pinunta niya, nag-aya na siyang umalis.

"Let's go." Ani Ruth na sumang-ayon na umalis na sila. "Marami pa akong gagawing wedding gown sa Boutique ko."

"I have to feed my Pelokghale." Ani naman ni Tess na ang tinutukoy ay ang pet nitong Leon habang sinusukbit ang bag sa balikat. "Lets go, girls."

Naglalakad sila palabas ng Restaurant ng tumuon ang mata niya sa mamahaling sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada. Nang bumukas ang pinto niyon at umibis ang isang pamilyar na guwapong mukha, kaagad na kinain siya ng iritasyon.

At ang dalawa naman niyang kaibigan, kaagad siyang iniwan dahil siguro nagmamadali rin ang mga ito.

Bumuntong-hininga siya. Maayos na sana ang araw niya, e, bakit kailangan pa niyang makita ang balahibo na 'to?

"Gladz!" Nakangiti ito habang kumakaway sa kaniya na para bang close sila. "Gladz! Hi!"

Inirapan niya ito saka mabilis na naglakad palapit sa sasakyan niya.

The last thing she want is to talk to him.

"Gladz! Come on! Talk to me!"

Kaagad siyang sumakay sa kotse niya saka mabilis na pinaharurot iyon paalis. Panay ang hinga niya ng malalim habang inaalis si Beckett Furrer sa isip niya.

POSSESSIVE 18: Pierce Rios MullerWhere stories live. Discover now