👑Chapter 46: {Outing}

Start from the beginning
                                    

"Akala ko ba tama na yung ginawa natin?"

"Para mabusog tayong lahat sir," sagot naman niya.

Gumagawa kasi siya ng buko salad.

"Oh heto na yung milk." Abot ko naman sa kanya ng binili ko.

And after how many hours natapos na rin kaming nagluto.

Ala-una na pero hindi pa rin kami kumakain ni Ted dahil sa niluluto namin.

"Sige sir, uwi na ako," paalam naman sa'kin ni Ted.

At hinayaan ko na lang siyang makalabas ng unit ko.

Nang maalala ko si Ellaine. Kaya pumunta na agad ako ng unit niya.

Pagbukas ko ng pinto, parang wala namang maingay dito.

"Ellaine!" pagtawag ko sa kanya pero walang sumasagot.

Kaya tinignan ko na sa kwarto niya kung nandoon ba siya.

At nang pumasok na ako sa kwarto niya ay nakita ko siyang mahimbing pa rin ang pagtulog.

Unti-unti akong lumapit sa hinihigaan niya at pinagmasdan ang mukha niya.

Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanya na parang one inch na lang ang pagitan para matitigan ko siyang maigi.

Ang kinis nga ng balat niya at ang amo ng mukha, ang pula pa ng labi niya.

Parang merong part sa'kin na gusto ulit halikan ang mapupula niyang labi.

Nakapikit na ako at unti-unti ng nilapit ang labi ko.

"Luke?"

Hindi natuloy ang paghalik ko sa kanya dahil nagising siya. Napamulat naman ako at napalayo ng mukha.

"Anong gagawin mo?" pagsususpetya niyang tanong.

"W-wala.. Ano ba kasi ang gagawin ko rito? Ah yayayain sana kitang maglunch sa isang restaurant kaya ako pumunta rito pero tulog ka pa naman."

"Actually, nagising na ako kaninang umaga.. Nakabihis na nga ako para sana puntahan ka pero nang nahiga ulit ako, napaidlip ako ng konti."

"Tara magluch tayo sa labas." Tumango naman siya at lumabas na kami ng building.

Tumigil kami sa isang sikat na restaurant.

Pumasok naman na kami dun at naghanap ng 2seaters. Nag-order na rin kami ng pagkain namin.

And after how many minutes ay nakaserve na rin ang inorder namin.

Pagkababa palang ng waiter ang plate, walang ano-ano ay nagsubo na ng malaki si Ellaine.

Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Still matakaw pa rin.

Nagsubo na rin ako. At pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami kaagad.

Nandito muna si Ellaine sa unit ko, nagpapalipas ng oras.

Excited na kasi eh.. Wala raw kasing picnic-picnic sa kanila kaya gusto niyang malaman kung anong ginagawa tuwing nagpipicnic.

"Luke, ininvite ko sila Bhyll at Keitty ha?" sabi niya na nakatutok sa TV.

"Okay lang. Mas marami nga mas masaya eh," sagot ko naman.

Patingin-tingin pa siya sa cellphone niya para tignan ang oras habang nanonood.

After 3 hours nandito na sa unit ko sila Marla, Ted, Keitty at Bhyll.

At si Anna na lang ang hinihintay. Dito kasi ang napag-usapan na meeting place at ang kotse ko ang gagamitin namin pagpunta dun.

At ilang sandali pa ay may magdoorbell na. Hudyat na meron na si Anna.

And I volunteered to open the door. At pagbukas ko ay bumungad sa'kin si Anna na naka swimsuit at meron lang nakatakip na manipis na tela sa panlabas niya.

Dumeretso na rin siya sa loob at halata naman ang pagkagulat sa mukha ng lahat ng nandun.

"Woohh Anna, bakit ganyan suot mo?" tanong ni Ted na tawang-tawa.

"Bakit? San ba tayo pupunta? Akala ko ba magswiswiming tayo kung saang resort out there."

"Magpipicnic lang kami Anna, hindi magswiswimming," sagot ulit ni Ted.

"Hays, ang tinext naman kasi ni Luke, outing."

"Ang ibig sabihin nun Anna ay lumabas tayo at magbobonding."

"Hay naku naman," pagmamatol niya. "Buti na lang at may dala akong matinong damit," sabi pa niya habang hinahalungkat ang backpack niya.

At nilabas ang dress. At dumeretso na siya sa cr.

"Haha, ang slow din pala ng babaeng yun eh," sabi ni Ted pagkatalikod palang ni Anna.

At lumabas na rin si Anna na nakapalit na ng damit.

"Let's go," sabi niya at nauna ng naglakad. Sumunod na lang din kami.

Sinabayan ko na lang din si Ellaine maglakad palabas ng building.

Ano ba! Eh yun ang gusto ko eh. Huwag kayong ano. Hanggang sa nakarating na kami sa parking lot.

Sasakay na sana si Ellaine sa likod ng driver's seat ng hinila ko ang kamay niya at pinagbuksan siya ng pinto sa tabi ng driver's seat.

Sumakay naman din agad siya.

Nakatingin lang ako sa likod habang hinihintay silang makasakay.

Nilalagay pa kasi ng mga lalaki ang pagkain sa likuran ng kotse ko. At nang malagay na nila lahat ay unang sumakay ang mga lalaki sa likuran.

Sumunod naman si Anna sa gilid at sasakay na rin sana si Marla sa other side ng pinto pero natigilan siya ng makita niyang nakapwesto na dun si Anna.

"Ikaw na nga mauna Keitty," sabi naman niya at pinauna na yung kaibigan ni Ellaine.

Huwag na kayong magtaka kung bakit magkakakilala na sila.

Kasi kaninang hinihintay na namin si Anna ay nagpakilala na sila sa isat-isa.

At huli ng sumakay si Marla. Pinaandar ko na agad ang kotse.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now