Kahit pigilan niya ang antok ay kusa na siyang hinihila non. At sa pagising niya kinabukasan ay wala si Kaden sa tabi niya. Hindi siya nito tinabihan sa magdamag.


...


BUSY ang lahat sa mansiyon. Lahat ay malalim ang iniisip. Ni hindi man lang siya napansin ng mag-aama ng dumaan siya sa sala. Si Cross at Lourd lang ang kasama ni Helios. Wala si Kaden saan mang suok ng mansiyon.


Sinasadya nito na iwasan siya.


Malungkot siyang lumabas ng kabahayan.


Lalo lang siyang nalungkot ng mamasdan niya ang malawak na hardin. Sa hardin kung saan nangarap siyang ng little Perisha and little Kaden na nanakbo habang magkayakap silang dalawa ng binata.


Namalisbis ang mga luha niya, at itinangay lang iyon ng hangin. Napailing siya at kinuha ang bike niya sa garahe. Wala siyang mapapala kung magmumukmok lang siya. Habang hinihintay niya si Kaden ay lilibangin niya ang kanyang sarili.


Lumabas siya ng gate at nag-bike sa kahabaan ng pribadong lupain ng mga Vox.


Nag-preno si Perisha sa harapan ng isang itim na Lamborghini. Alam na alam niya ang sasakyan dahil may limang klase ng ganoon si Cross sa garahe. At tig iisa naman sina Kaden, Lourd at Helios.


"Hi? May problema ba?" Tanong niya sa matangkad na lalaki na lumabas ng mamahaling kotse.


Napatingin ito sa kanya. Sandali itong natulala, pagkatapos ay ngumiti ito. "Okay na, nagloko lang."


Tumango siya. Hindi niya na pinansin kung bakit nasa loob ito ng lupain ng mga Vox.


Sa itsura ng lalaki ay tantiya niya'y nasa early thirties ito. Guwapo, matangkad at mukhang mayaman. Obviously ay mayaman talaga. Kotse at pananamit palang ay masasabi na agad na liglig at nag-uumapaw ang laman ng bank account nito.


Tumingin ang lalaki sa suot na relo. Rolex. "Hmn."


Nginitian ulit siya nito. "Interesado ako sa lupa."


Napatango siya ulit. So tulad ito ng karamihang nagtangkang bilhin ang lupain ng Vox na nakatiwangwang lang. Pero sorry na lang ito dahil mas gusto ng mga Vox na gawing gubat ang hacienda kesa pagyamanin ito.


"Not for sale," aniya.


Bumagsak ang balikat ng guwapong estranghero.


"Sorry."


"Okay lang." Malungkot nitong tinanaw ang malawak na kalupaan. "Nasasayangan kasi ako. Sayang itong lupain, mukha pa namang mataba ang lupa."


"Ayaw nila ibenta, e."


"Bakit hindi na lang sila ang magtanim?"

Fall For YouWhere stories live. Discover now