[20] Three Red Roses

Börja om från början
                                    

Nang makita ko na ang paa ng ulupong, yumuko na ako at pasimple kong hinarang ang kaliwang paa ko sa daan... Ano pa nga ba ang nangyari?!

"Theo!!" 

"Kuya, ayos ka lang??!!"

Bago pa man makatayo sina Lyza at Jena sa pwesto nila ay inunahan ko na silang makalapit kay Theo. Kwinelyuhan ko siya at inumbagan agad ng suntok sa mukha. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya. Punyeta!

"DERRICK!!!" Tili ni Lyza pero 'di ko siya pinakinggan.

I glared down at this a-ssfaced b-astard and aimed my knuckles on his face. I saw him gulp. "Kagabi pa ako naiinis sayo e! Pasalamat ka birthday mo kahapon kundi may black eye ka na sana kagabi pa! Nagmamagaling ka masyado!"

"DERRICK, ANO BA!" Pilit akong tinabig ni Lyza pagkatapos ay lumuhod silang dalawa ng kaibigan niya sa harap ni Theo. Wow, what a scene, man. Sila na talaga.

Tumayo na ako at inayos ang nagusot kong polo. Walang kwenta. Hindi man lang lumaban. Tch.

"Ba't mo siya sinuntok?!? Umalis ka nga! Get lost!" Bulyaw sa akin ni Lyza habang binebaby ang ulupong. Napangisi at napailing nalang ako ng ulo. Pambihirang buhay 'to!

"Isang suntok lang yun, pero grabe ka na kung magalit? Hindi naman yun nakakamatay. Unless, gusto mong tuluyan ko 'yang hayup na yan! Sabihin mo lang."

Hinubad niya ang isang pares ng tsinelas niya at nakita ko nalang na lumipad na yun sa akin. Sapul sa mukha!

"Shit." Napahawak ako sa ilong ko. Masakit yun ah!

"'Wag mo ngang dinadadamay si Theo sa pagiging basagulero mo! Ugh!" Saka siya tumingin kay Theo at hinaplos ang mukha nito, "Theo, you okay?"

Naikuyom ko ang kamao ko sa nakita kong ginawa niya kay Theo. Ayoko na. Suko na ako. Bahala siya sa buhay niya.

"Ako pala ang epal dito. Edi sige, magsama kayo. Uuwi na ako sa Maynila," I dismissed and headied for the exit.

Dumiretso agad ako sa kwarto para kunin ang mga gamit ko. Syempre, iniwan ko ang mga gamit ni Lyza. Uuwi akong mag-isa eh. Bahala sila sa buhay nila. Nakakapeste itong bakasyon na 'to!

Palabas na sana ako ng kwarto nang mapansin kong hawak ko pa rin pala ang cellphone ni Lyza. Hindi ko alam kung ano'ng masamang hangin ang umihip sa akin pero nakita ko nalang ang sarili ko na inihulog ang cellphone sa toilet bowl.

"Nagkakagaguhan na pala."

Sinukbit ko na ang backpack sa kaliwang balikat ko at lumabas na sa kwarto. Palabas na ako ng resort nang may tumawag sa pangalan ko.

"Derrick!"

Kung si Lyza pa ang tumawag sa akin, malamang lumingon pa ako, pero hindi eh.

"Derrick! Pre, mag-usap muna tayo!"

Ulol! May dapat ba kaming pag-usapan? Baka gusto niya pa ng isang sapak. Binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating ako sa car park.

"Derrick, mag-usap muna tayo. 'Wag mong iwanan si Lyza." Napabuga ako ng hangin sa inis. T-angn-a! Ba't ba makulit ang lahi nitong ulupong na ito?

Hinarap ko siya at tinignan ng masama. "Wala tayong dapat pag-usapan. Sa'yo na siya, tutal naman ikaw ang bukambibig niya diba?"

Pinatong niya ang kanyang kaliwang palad sa balikat ko. Hindi ko alam pero parang kinilabutan ako sa ginawa niya? 

"Pre, magkaibigan lang kami ni Lyza."

Tinabig ko ang kamay niya sa balikat ko. Bakit kailangang manghawak? "Sa'yo na nga siya. 'Wag kang mag-alala. Ilalakad ko na ang divorce namin."

My Psycho Girl [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu