[20] Three Red Roses

Start from the beginning
                                    

"Girl, kumain muna tayo ng lunch bago ka kumain ng mangga. Baka sikmurain ka na naman!"

"I don't want to. I'm still full. Nasaan na ba si Theo? Ang tagal ng mangga eh."

"Sa labas pa ng resort yun maghahanap ng mangga mo."

Napaayos ako ng upo ng wala sa oras dahil sa narinig kong dalawang babaeng nag-uusap sa likuran ko. Malamang naman na kilala ko kung sino ang mga yun. Boses pa lang ni Lyza ay kilala ko na. Kailangan ko munang kumalma. Gutom ako. Baka mas lalo lang lumamang ang init ng ulo ko kapag kinausap siya.

Sumubo naman ako ng spaghetti at sinunod agad ang fries.

"Lyza, kausapin mo na ang asawa mo. Para ka naman kasing baliw e. Hindi naman siya yung humalik dun sa babae. Wala siyang kasalanan dun."

"I don't care. He's a hypocrite. Sasabihing hindi gusto, pero ang totoo naman, gustong-gusto niya talaga."

"Ewan ko sa'yo, girl. Nagseselos ka lang. Halik lang naman yun. Eh ikaw? Anak niya ang pinagbubuntis mo. Assured na assured na."

"I'm not jealous. Why would I? I don't even like him. Hinding-hindi ko na talaga siya magugustuhan. Ever."

Napainom ako ng tuloy-tuloy sa monster coke ko. Ah, ganon? Hindi niya ako magugustuhan? Fuck. Edi 'wag. Pinipilit ko ba siya?

Narinig ko pa ang pagkukwentuhan ng dalawa sa likod ko. Gusto ko man silang silipin pero lagpas ulo ang divider na pumapagitna sa tables namin. Baka mahuli pa ako 'pag pinilit kong sumilip.

Bumuntong-hininga na naman ako at sumubo ng fries sa bibig ko. Nakakawalan ng gana. Eh mukha naman pa lang walang saysay itong pagsasama namin eh. Tch.

"Ayan na pala si Kuya eh. Kuya, over here!"

"Wow. Ang daming mangga!"

Sige. Magsaya kayo. Peste! Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi, samantalang mukhang kumportable pa yata si Lyza na wala ako sa tabi niya. Nakakaleche talaga!

"Binili ko yan sa labas. Pinatalupan ko na rin. Ayos na ba yan, Lyza?" boses ng ulupong.

Narinig kong humagikhik si Lyza. "Thanks, Theo."

"No problem. Basta, ikaw."

"Ano ba yan! Ang harot mo naman, Kuya. May pakindat-kindat pang nalalaman eh. May asawa na si Lyza, uy!"

Minsan talaga masakit sa eardrums yung mga nasasagap ng tenga natin. Itinabi ko ang spaghetti at yung fries nalang ang nilantakan ko. Nakakawala talaga ng gana.

"Wala namang malisya yun, Jena." 

"Whatever."

"Pero in fair, ang cute mo ngayon, Theo. Salamat ulit dito sa mga mangga ha?" Napatuwid na ako ng upo. Boses yun ni Lyza.

"Sus, Lyza. Dapat sa asawa mo ikaw humingi. Ganun naman ang mga naglilihi diba? Yung asawa ang kumikilos para mabigay yung gusto ng buntis. Eh bakit si Kuya Theo yung lagi mong pinupuntahan tuwing may gusto kang pagkain? Parang ang unfair naman nun sa part ni Derrick."

I frowned instantly. That Jena girl's got a point. Ni minsan, hindi man lang ako hiningian ng kung anong pagkain ni Lyza. Ibig sabihin, laging kay Theo ang takbuhan niya tuwing naglilihi siya? Sino ba talaga ang asawa niya? Ako o yung maputlang ugok na yun?!

"I like Theo that's why. Lagi niya kasing sinusunod ang gusto ko. Kaya ayun, comfy na ako sa kanya. Now, satisfied Jena?"

"Sus. Pero mali pa rin. May asawa ka na eh."

"Excuse muna. Kukuha lang ako ng makakain natin."

Nung marinig ko ang boses ni Theo, hindi ko alam pero umusog ako ng kaunti sa aisle. Narinig ko na ang paggalaw ng silya niya, kaya naman pasimple akong sumisipsip sa coke ko at hinintay ang pagdaan niya sa gilid ko. Gusto pala niya si Theo ah... Fine.

My Psycho Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now