Napakagat labi ako sa kaniyang sinabi. Biglang kumirot ang aking dibdib. Bawat salitang sinasabi niya ay parang kutsilyong tumatagos sa puso ko. Mahal niya ba ako? Hindi ko alam pero ipinaparamdam niya kasi sa akin na mahalaga ako sa kaniya. Sapat na ba 'yon? Mahal niya ba ako? O pinapaasa niya lang talaga ako? Masakit kasi feeling ko, ako lang ‘yung nagmamahal.

Napapikit ako nang mariin sa naisip. Ako lang ang nagmamahal. Kailangan ko na bang gumising sa kahibangan ko? Malungkot akong napabuntong-hininga. Tumunghay ako para punasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. Umayos ako nang upo at dahan-dahan akong lumingon para ngitian si Mich. Alam kong pilit lang ang kinalabasan ng pag-ngiti ko. Hindi naman ito pinansin ni Mich at nginitian niya lang ako pagkatapos ay tinapik niya ang aking balikat.

"Kaya mo yan, Hera." tumango lang ako sa kaniya.

Kayanin ko nga ba? Ganito pala pag nagmamahal ka. May posibilidad na masaktan ka. Kahit ibinigay ko na ang lahat hindi parin sapat. Maghahanap at maghahanap parin siya ng iba.

"Gusto kong makalimot. Kahit ngayon lang. Gusto kong maalis ang sakit na nararamdaman ko. May alam ka bang paraan?"  humihikbing tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga si Mich.

"Alak lang ang katapat niyan, Hera." suhestyon ni Jerry. Napalipat ang tinggin ko sa kaniya. Nakataas ang kanang kamay nito na may hawak na alak habang inaalok ako.

Bumalik ulit ang tingin ko kay Mich nang bigla siyang tumikhim. Nagkamot siya ng batok tsaka niya pinanlakihan ng mata si Jerry.

"What? Bakit ganiyan kang makatingin, Mich? Sinasabi ko lang ang totoo ah. Diba alak ang sandalan ng mga taong heart broken at mga taong gustong makalimot?" patay malisyang sabi ni Jerry.

"Pero first time niya pa lang iinom ngayon baka hindi niya kayanin." matigas na sabi ni Mich. Napatawa naman si Jerry sa sinabi ni Mich.

"Ano ka ba, Mich. Lahat ng bagay talagang may First time. Kung iinom man si Hera pabayaan mo. Babantayan na lang natin s’ya at aalalayan sa pag-inom para hindi s’ya masobrahan."

"Pero---" tatanggi pa sana si Mich nang bigla akong nagsalita.

"Tama si Jerry. Kahit naman mag-inom ako ngayon ay hindi niyo naman ako pababayaan diba? Gusto kong makalimot kaya pagbigyan mo na ako, Mich" napairap si Mich pero kalaunan naman ay napabuntong-hininga s’ya. Pumayag s’ya kaya nagpasalamat ako sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko kung wala akong kaibigan na katulad ni Mich. Malungkot akong ngumiti sa kanilang dalawa. Malaki talaga ang pasasalamat ko kay Lord kasi binigyan niya ako ng mga kaibigan na laging nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila.

Tinanggap ko ang ibinigay na alak ni Jerry sa akin. Walang pagdadalawang isip na ininom ko ito. Ramdam ko ang init na dumaloy sa aking lalamunan at napangiwi ako nang malasahan ang pait nito.

"Oh, Ang unang pag-inom ni Hera ng alak. Ano hera masarap ba?" nakangising tanong ni Jerry. Nagkibit-balikat ako sa kaniya.

"Pang-pamanhid ba 'to? Nakakapag-palimot ba ang alak na 'to?" tanong ko sa kanila.

Tumango si Jerry habang si Mich naman ay umiiling.

"Depende pero kung madami kang iinumin paniguradong makakalimot ka." sabi niya habang ipinapatong ang mga alak sa harapan ko.

"Jerry!" naiinis na sigaw ni Mich.

"Ang kj mo naman, Mich. Hayaan mo siyang magsaya ngayong gabi. Tsk. Sige, Hera inom ka lang d’yan." tumango lang ako sa kaniya at tsaka ko kinuha ang isa pang alak. Katulad kanina ay ininom ko agad ito nang mabilis.

The Billionaire's Secretaryजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें