Kabanata XXXVI

Start bij het begin
                                    

"Kahit saang mamahaling resto, libre ko. Proud na proud kaya ako sa'yo."


"T-thank you, Judas..." malungkot siyang napatungo. Mabuti pa si Judas hindi siya kinalimutan at inindian.


"Ngiti ka na, oy!" Itinaas nito ang baba niya. "Sayang naman iyang pak na pak mong make up kung sisimangot ka diyan. Kahit wala kang medal, at least naka-graduate ka, di ba? I'm sure kung nasaan man ngayon sila Tiya Pat at Ate Geovanna mo ay masaya sila for you."


Sinikap niyang ngumiti.


"Geez!"


Napalingon si Perisha sa paparating niyang mga kaibigan. "He's your boyfriend!"


Napanganga siya ng palibutan ng mga kaibigan niya si Judas. Si Judas naman ay nakangiti lang at parang walang balak itama ang pagkakaalam ng mga kaibigan niya.


"Nice choice, Rish! He's one hell of a man!" Kilig na kilig na bulong ni Hariet sa kanya. "Ang guwapo talaga! Mukha pang yayamanin!"


Agad na nakasundo ng mga ito si Judas, palibhasa magaling talagang mang-uto ang loko. Ilang saglit lang ay nakikipagkulitan na ito kina Hariet. Sa pagtatampo niya kay Kaden ay hindi niya na tinama ang pagkakaalam ng mga kaibigan niya tungkol sa relasyon nila ni Judas. Nang magpaalam ang mga kaibigan niya ay niyaya na siya ni Judas na umalis.


"Hatid na lang kita sa inyo later, okay ba iyon?" Akbay-akbay pa rin siya nito.


Nang matapos ang dinner nila ni Judas ay sa boarding house na lang muna siya nagpahatid. Pagod na pagod na rin kasi ang pakiramdam niya. Hindi naman na siya kinulit pa ni Judas, tila nauunawaan nito ang pinagkakaganoon niya. Pero bago ito umalis ay hinalikan siya nito sa noo.


"Wag mong kakalimutan, nandito lang ako, Ulikba." Nakangiting sabi nito.


"Okay na sana ang speech mo, mata-touch na sana ako, kaso nilait mo pa rin talaga ako sa dulo." Inirapan niya ito bagamat nakangiti siya.


"Pinapatawa lang kita, masyado ka kasing seryoso." Nang makaalis si Judas ay muli na namang kinain ng lungkot si Perisha.


Ngayon niya higit na nararamdaman na nag-iisa siya.


...


KINABUKASAN ay umuwi siya ng Dalisay. Maaga palang ay sinundo na siya ni Judas sa boarding house niya. Hindi sumama hanggang sa loob ng villa si Judas ng yayain niya ito, may pupuntahan pa raw kasi ito kaya nagmamadali na itong umalis pagkahatid sa kanya.


Nagulat siya ng malamang nakauwi na pala si Kaden.


Ni hindi man lang nag-abala na tawagan o i-text man lang siya!


Nagtatampo siya sa binata pero lamang ang pagka-miss niya rito. Agad siyang nanakbo patungo sa kuwarto nilang dalawa. Naabutan niya itong nagliligpit ng gamit nito sa closet.

Fall For YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu