Chapter 33: Hello Kitty

171 8 5
                                    

Min's POV

Nakapag-impake na ako ng mga dadalin ko. Pupunta raw kami sa Jeju Island! I'm so excited! First time ko kasing mag-travel sa malayong lugar.

Lumabas na ko ng room ko dala-dala ang maleta ko. Nakita ko si Luhan oppa na kalalabas lang rin ng room niya.

Ay! Yung Hello Kitty stuff toy! Di ko pa pala napapakita sa kanya. Agad ko siyang hinigit papunta sa kwarto ko.

"Oppa may papakita ako sa'yo!"

Hihi! Iinggitin ko siya. Sabi ni Chen oppa at ng mga fans niya mahilig siya sa hello kitty kaya may binili akong Hello Kitty stuff toy na maliit lang.

Baka kasi kapag pinakita ko sa kanya yung malaki kong Hello Kitty stuff toy ay agawin niya sakin kaya binilan ko siya ng maliit. Pati bigay sakin ni Sehun oppa yung malaking Hello Kitty stuff toy! Kahit HunHan shipper ako di ko pa rin ibibigay yun!

Pagkapasok namin sa kwarto ko ay agad kong kinuha yung Hello Kitty stuff toy ko na malaki at yung ibibigay ko sa kanya na maliit.

"Oppa para sa'yo 'to! Alam kong mahilig ka sa Hello Kitty kaya binilan kita! Sorry kung maliit lang!" inabot ko sa kanya pero tinitigan niya lang ito.

Luhan's POV

Mahilig pala ako sa Hello Kitty?! Di ako informed ha!

Sino naman ang nagsabi kay Min na mahilig ako sa Hello Kitty? Papatayin ko yun! Baka isipin ni Min bakla ako!

"Ayaw mo ba oppa? Akala ko pa man din pareho tayong mahilig sa Hello Kitty." naka-pout siya at parang iiyak na.

"Hindi! Gusto ko nga eh! Sobrang cute lang kasi! Pati nagulat ako na alam mong mahilig ako sa Hello Kitty!" ano ba itong sinasabi ko? Para kong bakla! Di naman ako mahilig sa Hello Kitty eh!

"Buti naman nagustuhan mo oppa! Nalaman ko nga pala kay Chen oppa at sa fans mo na mahilig ka kay Hello Kitty!" papatayin kita Chen! Pinagmukha mo kong bakla sa harap ni Min.

"Thank you nga pala dito Min! Na-appreciate ko ang effort mo sa pagbili mo nito! Pati pareho pala tayong mahilig sa Hello Kitty eh!" ilang beses na ko nagsinungaling ngayon? Lord! Patawarin Niyo po ako!

Pero pwede kong gamitin si Hello Kitty para mas mapalapit kami ni Min sa isa't isa! Tama!

"You're welcome oppa! Magkakasundo tayo lalo niyan!" nakangiti niyang sabi.

Dalawang buwan pa lang namin kasama si Min pero mahal ko na siya. Ang bilis 'no? Ganun talaga sa pag-ibig eh. Walang itong pinipiling tao o oras. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka! Wala ka ng magagawa dun!

Papatayin ko pa nga pala si Chen! Tss! Pinahiya niya ko kay Min!

Chen's POV

Nanonood kami ng 50 Shades Darker ngayon. Oy! Joke lang! Naniwala naman kayo!

Pinapapak ko yung niluto ni D.O. na Kimchi Stew. Di niya naman alam na nandito ako eh. 

"Aray!" ang sakit! May pumukpok sa ulo ko. Baka magkabukol pa ko nito!

"Yah! Bakit mo pinapapak yung niluto ko?" halatang naiinis siya. Di ba dapat ako ang mainis?! Ako ang pinukpok! Nasan ang hustisya?!

"Oy! Hyung mo pa rin ako! Dapat ginagalang mo ko! Pati dapat ako ang mainis dahil pinukpok mo ko!" di man lang nag-react. Nakapoker-face pa rin siya.

"Talsik ang laway mo hyung! Mas mature pa kong mag-isip sayo hyung. Dun ka na nga sa living room!" ipinagtabuyan niya ko.

"Gutom na ko!" nag-pout pa ko.

"Yuck! Mukha kang duck!"

"Yah! Pareho lang tayong ibon no! Ako duck, ikaw naman kwago!" tumakbo na ko palabas ng kitchen. Baka pukpukin na naman ako ni D.O. sa ulo.

Umupo ako dun sa sofa. Lahat sila na sa kanya-kanyang kwarto. Nag-iimpake sila.

Kaya binuksan ko na lang yung Television. Kasi I'm bored!

"Ouch!" meron na namang pumukpok sa ulo ko. Nakakadalawa na sila! Una si D.O. tapos si Luhan hyung naman ngayon! Uso ang pagpukpok sa ulo ha!

"Bakit mo ko pinukpok?" hinimas ko yung parte ng ulo ko na pinukpok niya. Binigyan niya ko ng death glare. Di naman ako natatakot eh. Nagmukhang cute nga si Luhan hyung sa ginagawa niya eh.

Pero wala naman akong ginagawang masama, diba?

"Bakit mo sinabi kay Min na mahilig ako sa Hello Kitty?!" pasigaw niyang tanong.

"Hahaha! Yun lang naman pala ang itatanong mo hyung! Chill ka lang! Hahaha!" yun lang naman pala ang itatanong ni hyung eh. Grabe! Pinukpok pa ko! Lintek lang ang walang ganti! Joke! Love ko sila 'no! Kahit ginagawan ko sila ng pranks mahal ko pa rin yang mga yan.

Tama na nga! Parang bakla ako sa mga sinasabi ko eh!

"Bakit mo nga yun sinabi?! Nagmukha tuloy akong bakla sa harap ni Min!" I smell something fishy here! Hindi pa kasi ako naliligo. Joke! Naligo na ako!

May gusto ata si hyung kay Min! Meron na akong ichi-chismis. Joke lang ulit! Baka pukpukin na naman ako ni hyung eh! Kawawa naman yung ulo ko!

"Bakit? Totoo naman yung sinabi ko! Mahilig ka sa Hello Kitty!" binelatan ko pa siya.

"Tss...hindi yun totoo! Saan mo naman nakalap ang impormasyon na yan?!"

"Sa mga fans natin!"

"Tapos ang alam ni Min mahilig ako dun sa pusang yun!"

"Ayaw mo nun? Mas magiging close kayo?" tinaas-baba ko ang mga kilay ko.

"Nako kung hindi lang mahilig si Min sa Hello Kitty nasapok na kita!" nag-peace sign ako at tumakbo na sa kusina. Baka mapukpok na naman ako. Si Hello Kitty kasi eh! Masyado niya kong pinahamak!

Min's POV

So confirmed nga! Mahilig sa Hello Kitty si Luhan oppa! Mas lalo kaming magkakasundo nito!

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: I just want to inform you guys na sa Friday, Saturday or Sunday lang ako mag-uupdate. Any of those days lang. Hindi ako makakapag-update ng Monday, Tuesday, Wednesday or Thursday. Kasi kapag ganung days ay super busy ako. Kaya please understand. Thank you sa nag-aabang nito!(Kung meron man) Lovelots!<3



OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now