Chapter 30: Date (Part 1)

285 17 2
                                    

Min's POV

Nandito kami ni V sa garden ng school. Wala namang ibang tao dahil oras na ng klase. First day palang ng school nag-ditch na agad kami ng klase.

"Okay ka lang ba Mimi?" tanong sakin ni V.

"Oo naman! *sniff*" sagot ko. Tinignan ako ni V. "Okay ka lang? Eh bakit ka naiyak?" hinawakan ko ang pisngi ko at naramdaman ko ngang basa ito.

"D-di ko alam..." malungkot kong saad. Napayuko ako kasi tinitigan niya ko.

"Si Sehun!" biglang sigaw niya. Huh? Anong si Sehun? Anong connect? "H-huh?" nauutal kong sabi.

"Naiyak ka gawa ni Sehun." medyo nagulat ako sa sinabi niya. G-gawa ni Sehun?

"G-gawa ni Sehun? B-bakit naman?" nauutal kong tanong sa kanya. "Nagselos ka kasi may girlfriend na siya, kasi sweet sila kanina. Halata Mimi, kaya wag mo na i-deny. Bata pa lang tayo kilala na kita, kaya alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi." seryoso niyang sabi. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Napaka-seryoso niya. Most of the time kasi alien siya, joker, at lagi siyang masaya.

"Answer me honestly okay?" hanggang ngayon seryoso pa rin siya. Grabe! Hindi ako sanay. Tumango na lang ako. Nawi-weirduhan kasi ako sa kanya.

"Do you like Sehun?" natigilan ako sa tanong niya. Sasabihin ko ba yung totoo?

"Oo V, gusto ko siya..." dahil ayokong magtago ng kahit ano sa bestfriend ko, sinabi ko na yung totoo. Kung magsisinungaling lang din ako, malalaman niya rin naman. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari nung nag-confess si Sehun. Pero hindi ko sinabi na nag-kiss kami!

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi na gusto mo rin siya?" tanong niya sakin.

"Natatakot kasi ako masaktan V! Pero nagsisi ako sa naging desisyon ko! Kung sinabi ko rin sana na gusto ko siya edi sana ok kami! Kasalanan ko kasi V eh! Napakaduwag ko!" sigaw ko habang umiiyak. Hindi ko na kasi mapigilan eh. Sobrang nagsisisi ako sa nangyari. Andyan na siya oh, tapos pinakawalan ko pa! Napunta tuloy siya sa iba!

"Mimi, ayokong nakikita kitang nasasaktan. Bestfriend kita, kaya wag ka na umiyak. Hindi ako magaling sa mga ganitong bagay kaya sorry kung wala akong maibibigay na words of wisdom sayo. Tahan na!" niyakap niya ko kaya niyakap ko siya pabalik. Buti na lang nandito siya para i-comfort ako.

"S-sorry *sniff* V. Nabasa tuloy yang uniform *sniff* mo." napayuko ako dahil nahihiya ako sa kanya.

"Okay lang ako Mimi, ikaw okay ka lang ba?" seryoso niyang tanong. Isa pa 'to sa mga ugaling hindi nagbago sa kanya. Napaka-caring niya talaga. I'm so lucky to have a bestfriend like him!

"T-to be honest, hindi ako okay...nasasaktan kasi ako V kapag nakikita ko silang magkasama. Pero...kasalanan ko rin naman eh. Di ko sinabi yung tunay kong nararamdaman. Napunta tuloy siya ng iba!" umiiyak na naman ako.

"Shhh...Stop crying... Everything will be fine soon, okay?" tumango na lang ako. Kahit hindi ako sigurado na eveything will be fine soon.

~¤~¤~¤~¤~¤

Pagkatapos akong i-comfort ni V ay bumalik na kami sa klase. Hindi naman kami pinagalitan since first day pa nga lang at wala pa naman kaming ginagawa.

Umuwi na ko sa mansion, pumipili ako ng damit na susuotin sa double date daw namin.

Ang napili kong suotin ay pink na blouse, pink na skirt, at pink na heels. Inilugay ko na lang yung buhok ko. Naglagay din ako ng pink na lipstick at konting face powder.

OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now