Chapter 30: Date (Part 3)

192 12 1
                                    

Min's POV

Umalis na kami dun sa shop. Nagalit kasi yung may-ari sa amin eh...hehe.

Pero ang dumi ng mga mukha namin kaya pinagtitinginan tuloy kami ng tao.

"Oppa! Hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa tayo pinagtitinginan oh! Ang dumi kasi natin." binaling niya naman ang kanyang atensyon sakin.

"Tss...hindi pa tayo pwede umuwi! Ka-sisimula pa nga lang ng date natin tapos gusto mo na agad umuwi?" nag-pout siya.

"Ang dumi na natin eh!" reklamo ko.

Agad naman niya kong hinila. Tumigil kami sa harap ng isang tindahan. Isang siyang shop na nagtitinda ng mga t-shirt, jeans, shorts and etc.

"Bumili na lang tayo ng damit." pumasok kami dun sa store.

Puro couple shirts naman eh. O____O

"Tara!" hinigit niya ko.

"Eto na lang ang kunin natin." pinakita niya sakin yung hoodie na may print na 'King' tsaka 'Queen'.

" pinakita niya sakin yung hoodie na may print na 'King' tsaka 'Queen'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumango na lang ako bilang sagot. Hindi na ko nagpabebe pa, first date namin 'to kahit may girlfriend na siya. Kaya dapat memorable itong araw na ito. Baka ngayon lang mangyari 'to kaya susulitin ko na.

"Pumili ka na ng pambabang damit mo at shoes. Ako na ang magbabayad." hindi pa ko nagsasalita ay umalis na siya. Psh. Iniwan ako! May nakita akong short kaya yun nalang ang kinuha ko.

 Iniwan ako! May nakita akong short kaya yun nalang ang kinuha ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumasok na ko sa fitting room at sinuot yung hoodie, shorts at converse

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pumasok na ko sa fitting room at sinuot yung hoodie, shorts at converse. Pinunasan ko yung mukha ko gamit ang wipes na nasa body bag ko.

Lumabas na ko sa fitting room at hinanap si Sehun oppa. Nakita ko siyang nasa may counter at iba na ang kanyang suot kaya nilapitan ko siya. Napansin kong naka-mask na din siya. Duh! Sikat kaya sila dito!

"Oppa okay na ba?" tinignan niya ko from head to toe. Napansin kong nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit ang ikli niyang suot mong short?" tinignan ko yung suot ko. Hindi naman ah! Uso kaya ganitong style!

"Psh! Hindi naman eh! Okay na 'to! Tara na!" sabi ko sabay hila sa kanya.

"Wait lang! Hindi pa tayo nakakapagbayad! Masyado ka atang excited sa gagawin natin eh!" pang-aasar niya. Uminit bigla ang paligid kaya iniwas ko ang tingin ko.

Pagkatapos niyang magbayad ay agad niya kong hinila palabas ng store.

"Saan tayo pupunta?"

"Dun tayo sa arcade!"

Ginamit namin ang escalator para umakyat papuntang second floor.

Pumasok kami sa arcade at napansin kong wala pang masyadong tao. Gabi na rin naman at may pasok pa ang mga estudyante bukas.

Bumili agad kami ng tokens. Una namin nilaro ang basketball. At dahil siya ang lalaki, siya ang nanalo.

"Ang daya naman eh! Lalaki ka tapos babae ako malamang ikaw ang mananalo!" pagmamaktol ko na parang bata.

"Haha! Tampo ka na ba niyan babe? Sige iba na lang ang laruin natin." napangiti ako sa sinabi niya at marahan akong tumango.

"Ang sweet nila!"

"Kainggit!"

"Walang forever!"

"Ang ganda ni girl!"

"Ang pogi naman nung lalaki. Kahit mata lang ang nakikita ko alam kong pogi yan!"

"Mag-jowa ba sila?"

"Akin na lang si boy!"

"Uy! Chicks pre!"

"Maghihiwalay din sila!"

"Bagay silang dalawa!"

Ang daming nagbubulungan sa paligid. Psh. Parang mga bubuyog.

"Ako naman magde-decide ng lalaruin natin!" hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang sasabihin ko.

"Tara sayaw tayo!" hinigit ko siya. Ang lalaruin namin ay 'Just Dance' dun sa Xbox. Sisiguraduhin kong tatalunin ko siya!

Ten songs ang sinayaw namin at medyo napagod ako. Pero okay lang! Nanalo ako eh! Paramihan kami ng stars at mas marami ang nakuha ko kesa sa kanya.

"Natalo kita! Natalo kita!" tumalon-talon pa ako sa sobrang tuwa.

"Psh. Oo na! Tara na nga! Uwi na tayo!" hinila na niya ko palabas. Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. May nakita kasi akong malaking Hello Kitty stuff toy.

"Gusto mo ba yun?" napatingin ako sa kanya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Agad din akong tumango bilang sagot sa tanong niya.

"Sige kukunin ko...para sa'yo!" sabi niya at kumindat pa. Napaiwas tuloy ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Eh sa kinikilig ako eh!

Naghulog siya ng token at nagsimula na siya. Hindi niya nakuha kaya naghulog ulit siya ng token. Hindi niya na naman nakuha. Naka-sampung subok na siya pero hindi niya pa rin nakukuha. Ubos na rin yung mga token namin. Medyo disappointed ako kasi hindi niya nakuha. Pero nag-effort naman siya kaya okay lang.

"Uwi na tayo oppa! Anong oras na oh?!" tinignan niya ko na para bang nagso-sorry siya. "Okay lang kahit hindi mo nakuha oppa...uwi na lang tayo."

Balak ko pa man ding inggitin si Luhan oppa na may malaking Hello Kitty stuff toy ako. Pero parang hindi ata mangyayari yun, sayang!

"Sure kang okay lang kahit hindi ko nakuha?" tumango naman ako kahit hindi okay.

Naglakad na kami palabas ng arcade. Medyo nahuhuli nga lang ako sa paglakad. Parang zombie tuloy ako. Hindi kasi nakuha yung stuff toy eh. Dire-diretso lang ako habang nakayuko. Hindi ko namalayang nabangga na pala ako sa likod ni Sehun oppa.

"Hindi ka nga okay...Intayin mo ko diyan ha! Wag kang aalis!" binulong niya yung mga unang salita kaya hindi ko narinig pero tumango na lang ako.

Saan naman siya pupunta?

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: Ngayon lang ulit ako nakapag-update! Pasensya na guys! Magpapasukan na kasi eh! Kaya expect a slow update from me! Sorry talaga! Pero salamat sa mga nag-aabang! Lovelots!<3

Imagine Sehun and Min wearing what's in the multimedia~!

OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now