Chapter 21: 6 Kisses In One Night

275 18 9
                                    

Min's POV

Lumapit siya sakin kaya umatras ako. Lumapit pa siya ng lumapit kaya umatras ako ng umatras.

Napasandal na ako sa pader. Hala dead end! Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at isinandal niya yun sa pader. Tapos nilapit niya yung mukha niya sakin.

'Anong gagawin niya sakin?!'

Mas nilapit niya pa yung mukha niya sakin. Halos 1 inch na lang ang pagitan namin. Hahalikan niya ba ko?!

Nakakailan na siya? Pati nga first kiss ko eh, kinuha niya!

'Sus ginusto mo naman yun!'

Baka ginusto natin? Kunwari pa 'to eh... Nagustuhan mo din naman.

Para kong shunga, kinakausap ko yung conscience ko.

'Shunga ka talaga!'

Aba ikaw rin!

Nabalik ako sa katinuan nung hinahalikan na ko ni Sehun. Mygash! Parang may paru-paro na naman sa tiyan ko.

Napapikit na nga rin ako eh. Siguro dahil ang sarap ng labi niya. Aishh! Anong nangyayari sakin?! Kung ano-ano pumapasok sa isip ko!

Eto ba yung sinasabi nilang passionate kiss? Sarreh! Wala kong alam dun! I'm innocent!🙂

Pero sa totoo lang, ang lambot ng labi niya nung dumampi yun sa labi ko. Parang nakaka-adik halikan yung mga labi niya. Ilang minuto ding tumagal yung paghahalikan namin.

Emeyghed! Ano bang nangyayari sakin?

Nawawalan na ko ng hininga kaya I pulled out of the kiss.

'Bitin!'

Hiningal ako dun ah!

"That's your punishment for kissing that 'so-called-friend' of yours."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Yun yung dahilan niya? So hindi dahilan yung gusto niya ko?

Magsasalita na sana ko kaso hinalikan niya na naman ako. Pero smack lang yun.

Bitin!

'Wala daw siyang alam sa mga ganito.'

Tss. Oo na! I'm not that innocent!🎤🎵

"That's for going home late."

Again, napanganga na naman ako. Hindi pa ko nakaka-recover ay hinalikan niya na ko. Pero katulad kanina smack lang din yun.

Bakit ganun? Medyo disappointed ako...

"That's for making me worry."

Tapos hinalikan niya na naman ako.

"And that's for making me jealous."

Akala ko tapos na pero di pa pala. Hinalikan niya na naman ako.

"Lastly, that's because..."

Aba binitin pa!

"I like you."

OMG! I'm so kinikilig! Putspa naman Sehun oppa! Bakit ka ba ganyan? Masyado kang pa-fall! Baka mahulog ako!

"Goodnight Min. I hope you can sleep well..." sabi niya habang nakangisi.

Tapos lumapit siya sakin at hinalikan niya ko... sa noo.

Paano ako makakatulog kung pinapakilig mo ko?!

"And dream of me Min, only me." pagkatapos niyang sabihin yun ay kumindat pa siya.

Haysss...paano ko makakatulog?

Sa sobrang pagkatulala ko ay di ko namalayan na naka-akyat na pala siya. I sighed.

"Hay maka-akyat na nga." bulong ko sa aking sarili.

Third Person's POV

Hindi alam nila Min at Sehun na may nanonood pala sa kanila.

Hindi din nila alam na may nasasaktan na.

Bumuntong-hininga ang binata at pumasok na sa kanyang kwarto.

Sa kabila ng saya at ngiti na pinapakita niya, ay mayroon din siyang sakit na iniinda.

Hindi niya ito pinapahalata at hindi niya ito pinapakita, sapagkat magaling siyang magtago ng nadarama.

Ginagamit niya ang pagtawa at pagiging masaya para makalimutan niya ang kanyang problema.

Pero lahat ng kasiyahan ay natatapos...

"Diba pwedeng masaya na lang ako palagi?" tanong ng binata sa sarili.

"Bakit ganito? Lagi na lang akong nasasakatan?"

Umiiyak na ang binata sa sakit na nararamdaman at wala siyang kaalam-alam kung paano ito iibsan.

"Tch. This is so gay! I'm crying because of a girl!"

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: Thank you guys for reading my story! It's #570 in Fanfic! Thank you talaga! Lalo na dun sa mga nag-aabang palagi ng update! Wah! Super duper maraming salamat! Continue on supporting me sana! Please don't pressure me to make long updates! Huwag po sanang sumama ang loob niyo!✌Lovelots!<3


OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now