Chapter 22: Brownout

260 18 17
                                    

Warning: may mga words na bawal sa inosente dito! Kaya read at your own risk! (Author is innocent)

Min's POV

It's 12: 51 and I thought my feelings were gone.🎤🎵Charr lang! Pero totoo 12:51 am na ngayon.

I can't sleep! Hayss...ikaw kaya pakiligin ng sobra-sobra hindi ka kaya mapaihi sa panty? Charot!

Bakit niya ba kasi ako hinalikan?

'Sinabi na nga niya kanina ang mga dahilan ah.'

Ay oo nga 'no! Hehe...sorna!

Pero bakit kaya ang bilis kong maka-move on Kay Baekhyun?

Diba dapat nasasaktan pa rin ako? Ang bilis naman ata.

Hindi kaya infatuation lang yun? O gawa ni Sehun?

Tinulungan akong makalimot ni Sehun. Iniisip ko pa lang yun kinikilig na ko!

I admit that I like him, just a little bit.

Nag-aalala nga ko eh, nag-aalala na baka mas lumalim pa 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Lalo na ngayon, magkasama pa kami sa iisang bahay este mansion.

Di ko nga alam kung seryoso siya dun sa sinabi niyang 'Because I think I'm starting to like you Min.'

Sobrang naguguluhan ako kung maniniwala ba ko o hindi. Kasi baka mimiya niloloko niya lang din ako. Baka pinaglalaruan niya lang din ang feelings ko.

Kasi binibigyan ako ni Sehun oppa ng false hopes eh...

Pinapakilig niya ko, nagiging sweet siya sakin, tapos hinalikan niya pa ko.

O sinong hindi aasa?!

Di ko nga din alam kung paasa sila eh. O sadyang assuming lang ako?

Ewan ko! I don't know anymore!

Bigla na lang namatay yung ilaw ng lampshade. Hala! Anyare?!

Takot ako sa dilim! Kyahh! Ano ba naman yan!

Walang ilaw! Mygash! Bakit ngayong gabi pa nag-brownout?!

Kainis naman! Lalong hindi ako makakatulog nito eh!

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Hinanap ko kung nasaan yung door knob. Nang mahanap ko ay agad ko itong pinihit. Lumabas na ko sa kwarto ko at dali-daling pumunta sa katabi kong kwarto.

*knock* *knock*

Kumatok ako dun sa pinto. Malapit na nga kong maiyak eh...basta ayoko sa dilim! Na-trauma ko dati sa dilim eh.

Buti na lang binuksan na yung pinto. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Di ko nga kilala kung sino 'to eh...

Basta niyakap ko na lang siya ng mahigpit kasi natatakot talaga ako sa dilim.

Pero parang familiar 'tong amoy na 'to ah. Humiwalay ako sa yakap, para malaman ko kung sino 'to.

Si Sehun oppa...

"S-sorry oppa. N-natatakot lang talaga ako sa dilim, k-kaya pumunta ko dito. S-sorry kung naabala kita."

Nakita kong ngumiti siya.

"Okay lang Min. 'Wag ka ng matakot, nandito naman ako eh..."

Natatakot ako at the same time ay kinikilig ako. Ano ba yan! Talande!

"O-oppa okay lang ba kung dito ko matulog? Natatakot akong mag-isa." medyo naiiyak kong sabi.

Medyo nagulat ata siya sa sinabi ko kaya hindi siya sumagot.

"A-ayaw mo ba? S-sa kabila na lang ako makikitulog." utal-utal kong sabi.

"Hindi! Okay lang dito ka na matulog!" nagulat ako sa biglaang pagsagot niya.

Niyakap ko ulit siya at nagpasalamat ako. Nung una ay hindi siya gumagalaw pero makalipas ang ilang segundo ay niyakap niya ko pabalik.

Makalipas ang ilang segundo ay tsaka lang ako kumalas sa yakap. Napasarap eh...

"Sleep on the bed. I'll sleep on the floor."

Eh...nakakahiya naman! Nakikitulog na nga lang ako, siya pa ang nasa sahig. Hindi ako papayag!

"Ah...hindi na oppa! Ikaw na lang sa kama!"

"No! Babae ka kaya ikaw sa kama!"

"Eh...nahihiya na ko sayo oppa eh! Ang dami-dami mo ng nagagawa para sakin samantalang ako wala."

"Okay lang ako Min! Matulog ka na."

"Dito ka na kasi! Tabi na lang tayo!"

Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko. Pati nga ako nagulat eh... Kung ano-ano na ang nalabas sa bunganga ko!

"I'm a boy, you're a girl. Tapos sa iisang kama lang tayo?"

"Oo! Hindi naman tayo magtatanan ah!"

Tinikom ko ang napakadaldal kong bibig na kung ano-ano ang sinasabi. Lagi na lang akong pinapahamak!

Medyo namula ako sa sinabi ko. Nakakahiya!

Nakita kong ngumisi siya at lumapit siya sakin.

"I didn't know you're naughty Min."

"E-ehh kasi dito ka na nga matulog!"

"At bakit? Magtatanan tayo?" sabi niya at tumawa.

Ihhh...namumula na naman ako! Ewan ko sa sarili ko at kinikilig pa ko! Talande talaga!

"H-hindi ah!" utal-utal kong sabi.

"Sus! Kunwari ka pa Min! I know you want me."

Mygash! Ano ba yan!

"O-oppa naman eh...hindi nga!"

"Haha! I was just joking!"

Hindi na ko nagsalita. Tampo na ko!

"I'm sorry Min! Haha! But seriously Min, I can't sleep there beside you."

"But why?" I said while pouting.

"Baka ma-tempt na naman akong halikan ka at baka ma-tempt akong itanan ka."

Natahimik ako sa sinabi niya. At nanlalaki ang mga mata ko.

"Joke lang! Masyado kang serious!"

"Alam ko naman na nirerespeto mo ko oppa eh. Kaya di mo yun gagawin. I trust you."

Medyo nagulat siya sa sinabi ko. Pero agad din siyang ngumuti.

"Thanks Min. Sige na nga diyan na ko matutulog."

King size naman yung bed eh, kaya kasya kami.

Tumabi na siya sakin at humiga.

"Goodnight Min! I like you! Dream of me!" tapos hinalikan niya ko sa noo.

Nagulat ako sa sinabi niya. Masyadong straightforward si oppa.

"Goodnight din oppa! I think I'm starting to like you too...I hope you'll dream of me too." pagkatapos ay hinalikan ko siya sa pisngi.

Di ko alam kung saang lupalop ng mundo ako nakakuha ng confidence para sabihin at gawin yun. Pahamak talaga 'tong bibig ko!

Nakita kong ngumiti siya. Medyo maliwanag gawa ng buwan. Kaya kita ko ang mukha niya at kiya niya din ang mukha kong napakaganda. Charr! Pero totoo naman diba? Ang hindi sumang-ayon mamamatay.

Namumula siguro ko ngayon buti medyo madilim. Mas lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

Ewan ko kung bakit ko 'to ginagawa, pero feeling ko mas safe ako kapag niyapos ko siya. Feel ko nawala lahat ng takot na nararamdaman ko kanina.

Bumigat na ang talukip ng magagandang mata ko at tuluyan na kong nakatulog.

₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪₪
A/N: Author is innocent! This book is #508 in Fanfic! Please continue on supporting! Lovelots! <3








OPERATION: Seduce Exo[On-Hold]Where stories live. Discover now