Chapter 3: Family

546 27 93
                                    

Aeryn POV

Hindi ko naramdaman na tatlong oras na ang lumipas sa fan meet-up namin. Nakakaaliw kasi ang mga RynRoses namin. May mga pa-activities pa sila kung saan ang mga winners ay nanalo ng freebies and merchandises related sa RynRos.

Mayroon ding picture-taking kung saan lahat sila ay nakipag-selfie sa amin. Mayroon pang iilan na umiyak dahil ito daw ang unang pagkakataon na makita nila kami.

Habang nasa biyahe ako papunta sa bahay nila Mommy, hindi parin mapawi sa aking mukha ang ngiti dahil sa mga napasaya namin ni Eros kanina. Seeing people happy, making people happy is my job and I am proud of that. Most people see it as a job full of vanity pero hindi ganoon kadali 'yun. Acting requires talent and charisma. Not everyone can succeed and do it the way us professional entertainers do our jobs.

Ka-text ko si Telly na nakauwi na galing sa fan meet-up kanina.

Telly:
Thank you sa inyong dalawa ni Ros, Ryn-ryn! Ang saya nilang lahat, may iilan pang overwhelmed at umiiyak ngayon :)

Ako:
No worries, Telly! Kami nga ang dapat magpasalamat dahil sa suporta niyong binibigay sa amin...

Telly:
Di kaming magsasawa na sumuporta sa inyong dalawa! You two will always be our King and Queen.

Ako:
Haha, maraming salamat uli, Telly. Nandiyan ka na para sa amin day one palang.

Nilagay ko na ulit ang aking cellphone sa bag kong dala dahil nakita kong nakarating na kami sa three-story house nila Mama sa isang sikat na subdivision. Lumabas kami ni Marjorie dahil tinulungan niya akong dalhin ang fanmails at ibang regalo na dala ng mga fans kanina.

Tinunog ko ang ring bell at ang nagbukas ng pinto ay si Manang Bea na kasambahay na namin simula pa noong bata pa si Mommy.

"Aeryn, nandito kana pala. Kanina ka pa hinihintay ng mga magulang mo." saway ni Manang Bea.

Habang lumalaki ako, siya din ang tumutulong kay Mommy sa pagpapalaki sa akin. Wala na kasi ang grandparents ko sa side ni Mommy at sa side naman ni Daddy, sa Canada naka-reside ang mga magulang niya para daw mas tahimik sila doon.

Tinignan maiigi ni Manang Bea ang dala kong malaking box pati narin ang kay Marjorie.

"Mela, Rose!! Kunin niyo nga yung mga dala nilang box." utos ni Manang Bea.

Agad naman dumating ang dalawa pa naming kasambahay at kinuha ang mga bitbit namin.

"Sa kwarto niyo nalang po, Ma'am?" tanong ni Rose.

"Yup." mahinaon na sabi ko.

Umalis silang dalawa at bumaling ako kay Marjorie na nasa side ko.

"Alis na ako no, Ryn?" sabi ni Marjorie.

"Sige. See you in two days." ngiti ko sa kanya.

Ito ang first time na magkakaroon ako ng isang free day. Ilang months na din kasi ako di nakakadalaw kina Mommy kaya naman naisipan kong dito nalang umuwi kaysa sa condo ko. Finally, a day ng walang work or script muna na i-memomorize. In two days palang kasi gaganapin ang script reading at look test para sa heavy romance na ginagawa namin.

Foolish SparksOn viuen les histories. Descobreix ara