Chapter 14: Weird

344 22 60
                                    

Aeryn POV

"Cut!" sigaw ni Direk Lyn.

Right after that, everyone in the set cheered and hugged each other. Huling eksena na kasi ito ng periodical drama namin. After long seven months, natapos nadin ito. Nag-wagi kami palagi sa primetime and as expected by everyone, we set a new bar for ratings again.

One episode from last week surpassed a the ratings of our previous dramas. Ganoon siya kinatutukan. In just seven months, naka-tatlong palit na ng show na pantapat sa amin ang kabilang network. There's the network and million of viewers begging for extension pero dahil marami pang ibang project na kailangan gawin, hindi na tinuloy.

Direk Lyn is off to do another movie with Eros and I anyway, para sa 30th anniversary film offering ng network namin. For now, may superhero movie akong kinakailangan tapusin dahil fini-film nadin ito for the past two years. Eros is doing his own movies as well.

Napagdesisyunan ng management that it was okay for us to finally do solo projects dahil as a brand, mas lalo lang kaming mas naging matibay nang i-announce na totoo ang relayson namin. In fact, we even went to Japan together during my birthday just last month.

Sa huling eksena, pinakita lamang na masayang nagsama ang mga karekter namin ni Eros na may kasamang dalawang anak na mapayapang namumuhay sa isang tribo na malayo kung saan sila galing.

It surprised me when the child actors started crying when Direk Lyn announced the end of the scene.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ko sakanila.

"Eh kasi, Ate Ryn, di na kita makikita... Tapos, pati si Kuya Eros din." he uttered before he started crying even louder.

Di mapigilan ni Eros na tumawa ng bahagya bago niya kargahin ang child star na iyon. Eros patted the child's hair as he tried to calm him down.

"Ikaw naman. Text text tayo diba? Nandito lang naman lagi si Kuya." sabi niya kaya naman medyo uminahon ang isang 'yun.

The other child star though, was crying quietly just staring at me and Eros. Since Eros was so into calming the little boy on his arms, I bent just to reach the little girl's level. I hugged her as she silently wept more on my chest.

"Uy baby girl, tahan na. Diba mayroon pa kaming utang na date sa'yo ni Kuya Eros mo? We'll go out sometime soon, okay?" sabi ko sakanya, in attempt to calm her down.

Tumango-tango siya habang tinatago parin ang mukha niya, halatang nahihiya. Natigil lamang kami dahil Pagkatapos ng iilang sandali, dumating na ang mga ina ng child stars. 

"Sorry Ryn, Eros! Gulo naman kasi nitong batang 'to!" sabi ng isa.

"Nako, okay lang po, mommy." sagot naman ni Eros ng nakangiti.

Now that the two kids were both with their moms, I walked to Eros and placed my arm around his. Ganoon din ang ginawa niya pabalik. Naramdaman ko ang mainit niyang hawak sa aking baywang habang patuloy naming kinakausap ang mga tao sa harap namin.

"Greet po muna namin sina Direk Lyn..." paalam ng kausap ni Eros.

"Una na din po kami nitong anak ko." paalam ng isa pang mommy.

Ngumiti kaming pareho sakanila at hindi narin mapigilan na yakapin muli ang mga anak nila. Kahit papaano, napalapit narin sa amin ang mga ito. Unang show din kasi namin kung saan talagang may nakasama kami ni Eros na mga child actors.

Looking at the way he's fond of them, parang bagay talaga siyang maging tatay. He's such a good father figure.

"Sige po. Nasa inyo po ang number namin ni Eros diba? Kapag po may oras, yayain po sana namin lumabas ang mga anak niyo." panayam at sabay ngiti ko pa sakanila.

Foolish SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon