Chapter 30: Identity

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ako lang ang backless?" reklamo ko.

Kasi naman sa kanila balot na balot sa likod.

Hinawakan ako ng dalawang babae sabay labas ng pinto nitong kwarto ko.

"Huwag ka ng magreklamo diyan. Wait, may napili ka na ba sa kanila?" mapang-asar na sambit ni Gyeong.

"Oo nga." segunda ni Shin.

"O baka naman hinihintay mo si Min na mismong magsabi sayo? Hihihi." turan ni Gyeong sabay apir kay Shin.

Napasapo na lang ako sa noo.

"Ewan ko sa inyo." wika ko at tinanggal ang kanilang kamay sa pagkakahawak sa akin sabay lakad.

6 pm na kaming nakarating sa Campus which is sa mismong field ginanap ang ball. May mga nagsasayawan na at may nagkekwentuhan naman.

"Selene!"

"Hey, cute girl."

Bigla akong napalingon sa dalawang tao na tumawag sa akin. Pareho silang nakasuot ng black American suit at black tic-toe. Nakaayos ang buhok na parang yung sa gitna ang nakatayo.

"Louie. Yuan." bulong ko sa sarili. And they are really damn handsome.

Hindi ko pa ata nakikita sila Duri, Tan at si Min.

"Sino na?" bungad ni Yuan.

"Wala." tipid kong wika sabay upo sa malapit na upuan at mesa na may mga plato at baso.

"Waah! Basted." singit ni Gyeong sabay upo sa tabi ko.

"Huh! Inggit ka ba dahil wala si Jun?" wika naman ni Yuan kaya napatingin sa kanya si Gyeong.

"Bakit naman ako maiinggit? At tsaka may partner ako." proud na sabi ni Gyeong.

"Talaga? Ouch naman kung ganoon."

Bumaling ang tingin ko sa nagsalita. It was Jun na nakawhite suit kasama si Duri na nakawhite suit rin. Mas lalong tumingkad ang kagwapuhan niya at hindi ko iyon maipagkakaila.

Lumapit si Jun kay Gyeong na nakatulala pa rin.

"Bakit ka ba nandito? Eh nasa ibang school ka na, hindi ba?" inis na sambit ni Gyeong pero bakas sa mukha nito na kinikilig pero pinipigilan lang niya.

Kung alam mo lang Gyeong na kasama siya sa P. O. D. Tsk. Sa matamis na ngiti o sa malungkot na mukha, may itinatago pala sa likod nito.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya nakuha nito ang atensiyon ko.

"You're beautiful." seryosong wika ni Duri na ikinapula ng pisngi ko.

"Thank you."

"Bakit ka ba ganyan?" puna ko.

"Ang pagiging gwapo?" natatawa nitong wika.

Aish! Ayan na naman siya. Ang pagiging annoying niya.

"Hindi. Ang pagiging straight to the point." wika ko.

"Hoy Duri! Dumadamoves ka na diyan ah." biglang singit ni Yuan at umupo rin sa tabi ko.

Habang si Louie ay nanatili lang sa pagkakatayo.

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon