She's still wearing her toga and...oh dear Lord, she looks ethereal! Her beauty screams: mamahalin, pakakasalan, sasambahin, pagsisilbihan, at luluhuran! Sobrang ganda tipong gusto kong lumuhod ngayon at magmakaawa sa kanya na akin na lang siya. Tangina talaga, Akaizha. Anong ginawa mo sa'kin? Nababaliw na ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natulala ako, harap-harapan sa kanya.



Hindi ba talaga pwede? Hindi ba talaga pwedeng ipilit?



Lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko na maging ako'y nabibingi na rito. Hindi ko magawang bumaling sa ibang direksyon para iwasang makita ang sayang bumabalot sa kanya ngayon na siya namang nagbubuhat takot sa loob ko. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko, naging doble—triple pa. My emotion shifted quickly from kilig na makita siya, saya na nandito siya, at hanggang sa naging takot sa posibleng mangyari bago kami umalis sa parke na ito. Iba ang kutob ko. My instincts never failed me, alam kong hindi akin ang araw na ito.



Kanina lang ay buong-buo pa ang desisyon ko, ang desisyon kong ipaalam sa kanya na gusto ko siya. Nope. Mali. Hindi ko nga pala siya gusto. Kahit kailan hindi ko siya nagustuhan dahil biglaan lang ang lahat. I never expected it. At kung may listahan lang ng mga taong pwede kong magustuhan, siya ang nasa dulo, or worse...wala ang pangalan niya dahil una sa lahat, never ko naman siyang naging type. And yeah, I used to dislike her that much. This time, it was different. Magkaiba kasi ang gusto mo lang sa mahal mo na. We started hating each other, fighting like immature kids, until it started to turn into something new—something special. Well, at least for me. Hindi ko alam kung pareho kami ng nararamdaman o naramdaman niya rin ba, kung naramdaman niya man lang ba na mahal ko na siya.



Ang alam ko bukas na ang alis niya papuntang Texas, doon na siya mag-aaral ng kolehiyo. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita o kung magkikita pa ba. Maiiwan ako at itong nararamdaman ko. I wanted to let her know. Tama na ang pagtatago at paglilihim, hindi ko na kaya, sobrang hirap na. Mahigit ilang buwan din ang tinagal ng pagdudusa ko, pagkalito, at pagsusuri ng mainam. Ilang gabi rin akong hindi nakatulog ng maayos kaiisip kung nalalayo na ba ako sa tama at mali, kung normal pa ba ako, at kung tama ba itong gagawin ko. Nananaginip na ako ng gising at parang si Ulap na natutulala. Noong una'y hindi ko matanggap, akala ko'y may mali dahil hindi naman talaga tama. I had no idea what was happening. Para saan ba? Kelangan ba talaga? At bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit sa tao pang hindi naman mapapasayo? My friends know me so well, alam nilang wala akong pakialam sa romantic love or anything that is romantic relationship related, parang fairytale lang ito sa'kin, but when she came, it changed. Walang kahirap-hirap niyang winakasan ang mga pananaw ko sa pag-ibig na akala mo'y alikabok lang na kailangan ihipin para mawala sa iyong paningin. I fell first. I was falling deeper.



Sina Samantha at Skylie ang gusto kong sisihin dito kung maaari lang. Kasalanan nila 'to. Kung hindi sana sila naging malapit na dalawa, hindi rin sana kami magiging malapit sa isa't-isa. Alam ba nila na hindi na ako makatulog sa gabi kapapasok niya sa isipan ko? Alam ba nila na hindi na ako makakain ng maayos? Minsan nga ay iniisip na rin ng parents ko na baliw ako dahil ngumingiti na rin pala ako mag-isa. Hindi pa nga ba baliw ang tawag doon? It was something I could ignore at first, but as the days passed, it became more difficult and too late for me to realize I was already in the trap—the trap of falling, and falling in love with her was like plunging into a dark hole; you never know what lies below.



Alam ba ng friends ko ang tungkol dito sa nararamdaman ko sa kanya? Yes, in fact mas una pa nilang nalaman kaysa sa akin. How about her bestfriend? Yeah, I think so. My parents? They only know I like a girl; they don't know who. Wala naman silang violent or any homophobic reaction kasi hindi sila ganon at masyado nila akong mahal para itakwil. Sana lahat ganon, 'no? Kaya naman ngayon, oras na para siya naman ang makaalam. Kahit may pagdadalawang isip ako, hindi ko pwedeng awatin ang sarili ko dahil ito lang ang natatanging panahon para rito. Kapag hindi ko ito gagawin ngayon, kailan pa? Hindi ko rin ito pwedeng ipagpabukas dahil pagkatapos ng mismong araw na ito ay magbabago na ang takbo ng lahat.



Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon