CHAPTER 24: RAN AWAY WITH ME

374 26 0
                                    

Dumating ang araw ng engagement party sa Wolfram Hotel. Halatang mayayaman ang mga bisita, ang ilan pa ay mga kilalang personalidad.

"Invitation, sir?" tanong ng receptionist na nasa harap ng hotel.

Ipinakita ni Clark ang hawak na imbitasyon.

"On the 30th floor. Enjoy the party, sir."

Sumakay si Clark sa elevator, ang ilan sa mga nakasabay niya ay mga nakasuot din ng pormal na damit tulad niya kaya hinala niya ay imbitado rin ang mga ito sa engagement party.

Tulad ng inaasahan, engrande ang pagdiriwang. Agad inilibot ni Clark ang kanyang mga mata sa paligid. Nagconcentrate siya upang masimulan na ang kanilang pinaplano. Nagpakawala siya ng isang surveillance spell. Nang mabalot ng surveillance spell ang buong hotel ay awtomatikong nalaman niya ang layout ng lugar.

Sunod niyang ginawa ay kausapin si Hunter at James na naghihintay sa kanya. Dahil din sa sumunod na antas ng surveillance spell ay nagawa niya rin makipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng isipan.

-*-*-

"Mayroong 30 floors ang buong hotel, kasalukuyang nasa 30th floor si Heimdall kung nasaan ginaganap ang party. Nasa 27th floor naman si Rosilie. Pero may sinabi din siyang isang kwarto na nasa 29th floor din na hindi mapasok ng kanyang surveillance spell," paliwanag ni James sa pagkakaintindi sa deskripsyon na sinabi ni Clark sa buong lugar.

"Heimdall!" tawag ni Hunter. Alam niyang gumagana parin ang surveillance at naririnig parin siya nito. "Saang kwarto si Rosilie at 'yung mystery room?"

'Nasa room 277 si Rosilie...and oh, nagbibihis siya,' mabilis na tugon ni Clark.

"Shet! Wag mo naman tingnan!" naiiritang sigaw ni Hunter. Nasa tagong lugar naman sila kaya ayos lang na sumigaw siya.

'Just kidding. By the way, 'yung mystery room is located on 29th floor, room 296.'

"Copy," sagot ni Hunter na naghanda na rin sa gagawing pagpasok sa hotel.

"Basta, stick to the plan. Hunter, go look for Rosilie, and I'll go looking for that mystery room," paalala ni Kaizer na iniaayos ang suot na bow tie.

"Oo na. Habang si Clark ay nandoon sa party at nagmamanman. Hindi naman ako tanga 'no," sarkastiong sagot ni Hunter.

-*-*-

Tinitingnan ni Rosilie ang kanyang sarili sa tapat ng isang full-length mirror. Naninibago siya sa kanyang itsura. Hindi siya sanay sa makapal na makeup kaya natutukso siyang bawasan ito ngunit hindi naman niya maipagkakaila na nagustuhan niya ang kanyang itsura. Gusto niya ang suot niyang kulay pink na gown ngunit pakiramdam niya ay masyado iyong mabigat.

Wala siyang magagawa sa kanyang sitwasyon. Ngayon ay mapipilitan na siyang sumunod sa kagustuhan ng kanyang ama na kahit kailan ay hindi iniisip ang kanyang nararamdaman.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, isang katok ang kanyang narinig sa pintuan ng kanyang silid. Mukhang nagmamadali ang kung sino man ang kumakatok na iyon, kaya agad niya rin iyong pinagbuksan. Magkahalong gulat at pagtataka ang naramdaman ni Rosilie nang makita si Hunter sa kanyang silid. Nakasuot ito ng suit at naka-ayos ang magulo nitong buhok.

"H-Hunter...a-anong ginagawa mo di-dito?" nagtatakang tanong ni Rosilie. Pinapasok niya si Hunter sa loob ng silid.

Huminga muna ng malalim si Hunter bago magsalita. "Rosilie, nandito ako para itakas ka."

"A-Ano? Tatakas? Bakit?" sunod-sunod na tanong ni Rosilie.

"Hindi ko alam kung maipapaliwanag ko ng maayos o maiintindihan mo, pero...-"

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon