THE FALL OF ASGARD SPECIAL CHAPTER: PRINCESS BELLELLAURORA SNOW

454 30 3
                                    

Tulad ng mga tipikal na kwento sa mga fairytale, nagsimula rin ang ating kwento sa once upon a time...may isang magandang prinsesang isinilang ng isang hari na mahilig makipagbasag-ulo na dahilan ng pagkaputol ng kanyang kamay, at isang reyna na dating nagtrabaho sa military kaya laging may dalang baril. Pinangalanan nilang Bellellaurora Snow ang sanggol dahil...wala lang. Naisipan lang nilang paghalu-haluin ang mga pangalan ng mga Disney Princesses.

Dahil sa sinabi ng narrator ay napatitig ng masama sina Haring Tyr at Reyna Verdandi sa direksyon na kinauupuan ng narrator na si James.

Dahil may taglay na kayabangan ang hari at reyna, ayaw nila ng mga ordinaryong ninang para sa kanilang anak. Kaya naghanap pa sila ng mga diwata para lang maging ninang ng kanilang prinsesa.

Wala namang nagawa ang tatlong diwata na sina Kalachuchi, Bugimbilya, at Makahiya nang tutukan sila ng Reyna Verdandi ng rifle at espada ni Haring Tyr.

"Ano?! Ayaw niyo maging ninang ng anak ko?!" sigaw ng reyna habang nakatutok ang rifle sa magkakayakap na diwata.

"Pa-papayag na 'po!" sabay-sabay na sigaw ng tatlong diwata ns nangangatog sa takot.

Upang simulan na ang binyag, ibinigay na ng mga diwata ang kanilang mga handog sa sanggol.

Naunang lumapit si Kalachuchi sa prinsesa na kasalukuyang naglalaro ng sariling laway. "Bilang handog, bibigyan ko ang prinsesa ng mala-hayop na kagandahan na makakabihag sa puso ng sinumang halimaw," sambit ng unang diwata.

Sumunod naman ang diwatang si Bugimbilya. "Lalaki ang prinsesa na nagtataglay ng hotness na kayang daigin ang isang pornstar."

Tatayo na rin sana ang pangatlong diwata na si Makahiya ngunit biglang sumulpot ang isang mangkukulam na ginaya ang costume ni Maleficent ngunit halatang low-budget.

Nagulat at natakot ang lahat. Ngunit kahit ano man ang kanilang nararamdaman ay kinuha nila ang kanilang mga android at smartphones upang video-han ang mga nagaganap at ma-i-upload sa kanilang facebook at Instagram account.

"Si Mali-Malificent!" gulat na sambit ni Kalachuchi habang nakaturo sa mangkukulam na kadarating lamang. Hindi siya nautal nang banggitin ang pangalan ng mangkukulam. Mali-Malificent talaga ang pangalan niya. "Ang mangkukulam na hindi sikat kaya hindi iniimbita sa bawat handaan!"

Tinitigan ng mangkukulam ng masama si Kalachuchi. "Hindi lang talaga active ang mga social networking site accounts ko kaya hindi ako masyadong kilala!" depensa ng mamumulang mangkukulam.

"Sino ba 'yan?" bulung-bulungan ng mga tao.

Agad niyakap ng reyna ang kanyang anak upang maprotektahan ito sa kung anuman ang maaaring gawin ng mangkukulam. "Ang utos ko sa mga kawal ay bigyan ng imbitasyon ng lahat ng naninirahan sa buong kaharian ng Narnia! Baka nakalimutan ka lang!" sigaw ng reyna na baligtad ang pagkakabuhat sa sanggol. Nahalata tuloy na manika lamang ang kanyang binubuhat.

Nang marinig ang sinabi ng narrator ay agad inayos ng reyna ang pagbubuhat.

"Oo! Hindi niyo ako binigyan ng imbitasyon! Imposibleng makalimutan niyo ako dahil ang kapitbahay ko na katira sa kubo, nabigyan ng imbitasyon, samantalang ako na nakatira sa mansion ay kinalimutan! Ang liit lang ng kubo na 'yon kumpara sa mansion ko na sampung beses na mas malaki!" reklamo ng mangkukulam.

"Malay mo naubusan ng imbitasyon," sabat ng hari na pasimpleng binabasa ang kanyang linya sa script. Li-limang salita, hindi pa maalala.

"Ano ang tawag niyo sa mga 'yun?!" tugon ng mangkukulam na nakaturo sa sulok ng silid kung nasaan ang mga bundok ng mga sobrang imbitasyon na hindi pa nabubuksan.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon