CHAPTER 9: FORGIVENESS

1.1K 72 52
                                    

Pagmulat ng mga mata ni Hunter, ang Auntie Cherry niya ang unang bumungad sa kanyang. Nililinis nito ang kanyang pistol habang naninigarilyo. Nakataas pa ang mga paa nito sa hinihigaan niyang kama.

Isang palaisipan ang pumasok sa isipan niya nang mga oras na iyon. Alam niya na laging may bitbit na pistol ang kanyang tiyahin ngunit hindi niya alam kung paano niya iyon naitatago sa tuwing pumapasok siya sa mga mall at mga lugar na nangangailangan ng bag inspection bago makapasok.

"A-auntie?"

Napalingon sa kanya ang kanyang Auntie Cherry. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Ano na'ng pakiramdam mo, ha mokong?" nakakapanibagong hindi ito nagtaas ng boses ngunit mabuti na rin iyon dahil wala siya sa kondisyon upang makinig sa mga sermon. Masakit ang buo niyang katawan lalo na ang kanyang ulo na nadaganan ng natumbang malaking puno ng acacia.

"Naaalala ko na," mahina niyang sambit. Bakas ang panghihina sa kanyang tinig. "Verdandi."

"Magaling. Welcome back, Thor," nakangising sambit ng kinilala niyang Auntie Cherry na ang tunay na pangalan ay Verdandi.

"Nasa'n si Heimdall?"

"Nasa kabilang kwarto, wala paring malay," kasual na sagot ni Verdandi na hindi siya nilingon at nagpatuloy lamang sa pagpupunas sa riffle nito.

-*-*-

"Nakakapanibago ito," sambit ni Frigga na nasa kwarto ni Clark na wala paring malay. "Hindi naman natutulog si Heimdall. Ang inaasahan ko ay mas mauuna siyang magigising kaysa kay Thor."

"Dahil po siguro sa pagod. Sa tagal nating nanirahan dito sa Midgard, marami ang bumago sa atin," komento ni James na nakaupo sa isang upuan na nasa tabi ng kama ni Clark habang nilalaro ang kanyang alagang guinea pig na si Gullinbursti.

Natanaw ni Frigga ang isang itim na ibon na nasa labas ng bintana. Naningkit ang kanyang mga mata nang maramdaman kung sino iyon. Agad niyang binuksan ang bintana upang papasukin ang ibon ngunit lumipad palayo ang ibon.

"Hel!" tawag niya sa papalayong ibon.

Agad na tumigil ang ibon at tumingin sa direksyon niya.

"Halika rito."

Pumasok ang ibon sa bukas na bintana at lumapag sa sahig bago magbagong-anyo at maging si Raven.

"Batid kong naparito ka upang kumustahin ang lagay ni Heimdall?" mahinahong tanong ni Frigga habang isinasara ang bintana.

"O-opo," kinakabahang sagot ni Raven na nakatingin sa walang malay na si Clark na may benda sa ulo.

Hinarap siya ni Frigga. Ramdam ni Raven ang galit sa kanya ni Frigga dahil sa mga matatalas na titig nito. Ngunit wala siyang magagawa. Wala siyang maaaring gawin.

"Gusto sana kitang kausapin ng pribado," mariing sambit ni Frigga na pinipilit hulihin ang mga mata ni Raven na hindi magawang tumingin sa kanya.

Tumayo si James nang marinig ang mga sinabi ni Frigga. "Mag-usap na kayo, mauuna na ako."

"Salamat, Freyr," nakangiting sambit ni Frigga na may kasamang marahang pagtango kay James.

Tumango rin naman pabalik si James at dumiretso nang lumabas.

Umupo si Frigga sa upuang kinauupuan kanina ni James at kumuha ng isang mansanas mula sa fruit basket na nasa side drawer ng kama ni Clark. May isang maliit din na kitchen knife sa tabi ng fruit basket, kinuha niya iyon upang talupan ang mansanas.

Nanatiling nakatayo si Raven at pinanonood ang ginagawa ni Frigga. Ipinanatili niya ang pagiging alerto dahil hindi niya alam ang mga maaaring gawin nito sa kanya.

"Hindi ko parin nalilimutan ang pagkukulong mo kay Balder sa Niflheim," panimula ni Frigga na panandaliang itinigil ang pagbabalat ng mansanas at tinitigan ng matalim si Raven. "Nasaan na siya ngayon? Nakain na ba ng Nidhogg?"

Mabilis na umiling si Raven. "Pi-pinalaya ko siya mula sa Niflheim bago pa man magsimula ang Ragnarok." Diretso niyang tiningnan si Frigga, kahit na kinakabahan, nais niyang ipakita na nagsasabi siya ng totoo. Nagsimula na siyang maluha. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil si Balder ang pinag-uusapan.

Lumuhod si Raven sa harapan ni Frigga. Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.

"Ano ang iyong ginagawa?" gulat na tanong ni Frigga.

"Ha-hahanapin ko po si Balder at ibabalik sa inyo, ipinapangako ko, sa ngalan ng Niflheim at Midgard," pikit-matang sambit ni Raven habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi.

Lumapit sa kanya si Frigga. Nantiling nakapikit ang kanyang mga mata at humanda kung sakaling sampalin man siya ni Frigga. Ngunit imbis na dumampi ang inaasahan niyang sampal ay isang yakap ang natanggap niya mula sa ginang.

"Pinatatawad na kita," bulong ni Frigga kay Raven. Maging siya ay hindi mapigilang hindi lumuha. Talagang napaka-sensitibo niya kapag ang kanyang paboritong anak ang pinag-uusapan. "Ngunit aasahan ko ang pangako mo." Hinigpitan niya ang yakap kay Raven.

Nagdalawang-isip si Raven kung yayakapin din ba niya si Frigga ngunit mas pinili niya na lamang na hindi ito yakapin. Nanatili lamang siyang lumuluha.

"Kung maaari sana'y hangga't nandito tayo sa Midgard ay walang maganap na laban at patayan sa pagitan ng kahit sino sa atin," sambit pa ni Frigga na hindi inaalis ang pagkakayakap kay Raven.

"O-opo," medyo paos na ang boses ni Raven. "Salamat po." Isang ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mga labi.

"Maaari mong bisitahin dito si Heimdall kahit kailan."

"Sa-salamat po," nagpatuloy ang pagtulo ng mga luha ni Raven. Ngunit sa pagkakataong ito ay luha ng kasiyahan. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib matapos siyang kausapin ni Frigga.

Nakamit na niya ang kapatawaran na matagal na niyang ninanais.

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon