CHAPTER 19: THE HOLSTEIN RESORT MYSTERY (part II)

658 45 0
                                    

Nagulat si Rosilie at ang matandang kausap niya nang marinig ang tili at sigaw ng mga kaibang naglalaro sa swimming pool. Nakita nila ang mga ito na basang-basa habang tumatakbo papunta sa direksyon nila.

"Ma-ma-may m-mu-m-multo po sa p-pool!" nauutal na sumbong ni Christian na tinuturo pa ang direksyon ng pinanggalingan nilang pool.

"Opo! Totoo! Na-nakita po namin!" dagdag pa ni James.

"Kung ganoon ay nakita ninyo ang multo ng batang nalunod?" nag-aalalang sambit ng matanda.

Tumango naman sina Hunter at Kaizer.

"Ang nakapagtataka bakit may multo sa tanghaling-tapat?" pagtataka ni Clark.

"Mystery!" masiglang sabat ni Rosilie.

"Bakit kasi dito mo pa kami dinala?!" reklamo ni Kaizer habang hinihila ang hood mula sa likuran ni Clark.

Nagsalubong ang mga kilay ni Clark na pilit inaalis ang mga kamay ni Kaizer sa hoodie niya. "Kasi alam ko na haunted 'tong resort na 'to!"

"Alam mo?!" gulat na sambit ni Hunter. "Pero itinuloy mo parin? Clark...hindi ko inakala na magagawa mo ito sa amin," exaggerated na pagkakasabi niya na feeling nasa drama.

"Just for prank okay?!"

"Palagay mo magandang prank 'yun?" mangiyak-ngiyak na sabat ni Christian na hindi malimutan ang naganap kanina.

"Mga anak!" awat sa kanila ng matanda. "Mas makabubuti pa siguro na umalis na kayo dito! Ibabalik ko ang mga bayad ninyo!" suhestiyon ng matanda na nag-aalala sa kanila.

Nagtinginan ang anim na magkakaibigan. Nagpapakiramdaman. Naghihintay ng mga magsesenyasan kung susundin ba ang sinabi ng matandang caretaker.

Umiling si Rosilie at hinarap ang matanda. "Hindi po kami aalis, aayusin po namin ang misteryo dito!" bakas ang determinasyon sa pagkakasabi niya.

Napapalo naman si Hunter sa kanyang noo nang marinig ang mga sinabi ni Rosilie. Alam niyang hindi ito aalis hangga't hindi nila nareresolba ang katatakutan sa resort.

Umiling din ang matanda na mukhang hindi sang-ayon sa sinabi ni Rosilie.

Napangiti ng palihim si Hunter at humihiling na kumontra na lamang ang matanda upang mapilitan silang umalis na sa lugar na iyon.

"Sunod-sunod pa ang naganap na kababalaghan dito, pagkatapos malunod ng isang bata, isang lalaki ang nagbigti sa isa sa mga banyo! May mga nagsasabing lumulutang ang mga kagamitan sa kusina sa restaurant! May babaeng duguan na gumagala sa lobby! Hindi ba kayo natatakot?!"

Mariing umiling si Rosilie. Hindi man malang nasindak sa mga sinasabi ng matanda. "Itutuloy parin po namin!"

"Rosilie! Wag mo dal'hin ang trabaho sa school papunta sa ibang lugar!" naiiritang saway ni Hunter na natatakot na sa lugar at nais ng umalis. "Ang PMS Club, sa school lang!"

"Bakit tayo matatakot sa kamatayan kung kasama natin ang diyosa ng mga patay?" bulong ni Christian kay Clark.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Clark na patango-tango pa. "Nasa'n nga pala si Raven?"

Nagkibit-balikat lamang silang lahat.

-*-*-

Merong hindi tama sa lugar na ito. Iyon ang tumatakbo sa isip ni Raven habang naglalakad sa isa sa mga hallway ng hotel na tutuluyan nila. Wala siyang taong nakikita maliban sa kanilang magkakaibigan.

May iba man silang kasama, hindi naman mga tao...mga ispirito ng mga namatay. Natural na sa kanya ang kakayahang makakita ng mga kaluluwa, siya ang diyosa ng kamatayan at mga namatay.

'Tulong!' sigaw ng isang kaluluwa ng babaeng duguan na gumagapang sa lobby. May saksak ito sa likuran.

Umiling siya at pinilit balewalain ang mga nasasaksihan. Nakaramdam siya ng isang malamig na kamay sa kanyang balikat. Napa-atras siya nang matagpuan ang kaluluwa ng isang lalaki na tumapik sa balikat niya. Basag ang bungo nito at labas ang utak.

"Nakita mo ba ang girlfriend ko? Pakisabi naman hinihintay ko parin siya," malungkot na sambit ng multong basag ang bungo.

Nang mapa-atras palayo mula sa lalaking basag ang bungo ay may nakabanggaan siya. Humarap siya dito upang humingi ng tawad. Alam niya na kahit kaluluwa ay nangangailangan ng respeto. Ngunit napanganga siya nang makita ang nabangga. Isang lalaking walang mga mata.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo?!" galit na sigaw ng multong walang mga mata.

Nakarinig siya ng isang sigaw mula sa isang lalaki. Mukhang nakakaramdam ito ng matinding hapdi at sakit. Tatalikod sana siya upang malaman ang dahilan ng nakakakilabot na pagsigaw ng lalaki ngunit isang kamay ang nagtakip sa mga mata niya. Mainit iyon kaya sigurado siyang buhay ang nagtakip sa mga mata niya.

"Wag mo na pag-interesan na tingnan iyon."

Ang malamig na boses na iyon. "Clark."

"Whoa!" gulat ngunit bakas ang pagkamangha sa sigaw ni Kaizer nang matagpuan ang isang multong babae na pinutol ang ari ng isang multo. "This place is not just creepy, it's also morbid!"

Lumapit siya kay Clark na patuloy paring iniiwas si Raven sa multo ng lalaking pinutulan ng ari.

"Wag mo na takpan mata niya, matured naman siya," sambit ni Kaizer.

"Tama siya, sanay ako makakita ng mga kaluluwang nakakatakot ang itsura," sambit ni Raven.

Nagdalawang-isip pa si Clark ngunit mas pinili niyang sundin ang sinabi ni Raven.

Nanlaki naman ang mga mata ni Raven at nagkusa siyang takpan ang kanyang mga mata matapos masaksihan ang multo ng lalaki.

-*-*-

"You brought a Ouija board here?" taas-kilay na tanong ni James kay Rosilie matapos nito maglabas ng Ouija board mula sa dalang backpack. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pagkamangha.

"Yup! We'll use this later para kausapin ang mga spirits na hindi matahimik!"

"Mag-go-ghost hunting ba tayo?!" masiglang tanong ni Christian na mukhang nalimutan na ang naganap kaninang katatakutan.

Nakangiting tumango si Rosilie kasabay ng pag-iling ni Hunter na kabaligtaran ang nais.

"Later, at 12 am," anunsyo ni Rosilie na palipat-lipat ang tingin kina Hunter, James at Christian.

"Nakaka-antok kaya 'yun!" reklamo ni James kasama si Gullinbursti na tatango-tango rin.

"Matulog ka na ngayon para gising ka mamaya," sambit ni Christian kay James.

"Tama! Dahil ang mga ghost-busters! Hindi natutulog upang gampanan ang kanilang tungkulin!" maawtoridad na pagkakasabi ni Rosilie na may kasama pang mga pose. Mga pose na pang-FHM!

Pumalakpak naman si Christian habang nagpoposing si Rosilie.

Napakurap naman sina Hunter at James nang sabay. Hindi dahil sa mga sinabi nito, kundi dahil sa ginagawa nitong mga seductive pose!

THE FALL OF ASGARD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon