Hinawakan ko siya sa braso at tsaka ko siya kinaladkad palabas ng Building. Nang nasa labas na kami ay luminga ako sa paligid para tingnan kung may masasakyan pa kami.
Nanlulumong napabuntong hininga ako. Tiningnan ko ang aking relo na nasa braso. Nang makita ang oras ay agad kong nilingon si Mich.

"Hoy, luka! Ang bagal-bagal mong kumilos kanina, ayan tuloy matatagalan tayo sa pagsakay. Inabot na tayo ng Rush hour! Tsk. Agawan na naman sa sasakyan. Anak ng tokwa oh, Alas-nuwebe na ng gabi, gutom na ako. Shit! Hindi pa ako nakain ng hapunan." mahabang pagrereklamo ko. Humaba ang nguso niya habang nagsasalita.

"Hindi ako ang may kasalanan dito. Iyong asungot. Kung hindi niya ako hinarangan sa daan, edi sana kanina pa tayo nakauwi!" tila nang gagalaiting sabi niya.

Napaismid ako sa kaniyang reaksyon. Alam kong hindi siya sa akin nagagalit kundi kay Sir James. Sus, Lagi naman siyang badtrip tuwing nakikita niya ito. Na araw-araw naman niyang nakikita kaya ayon laging badtrip si Luka.

"Oo na! Oo na! Hindi na ikaw ang may kasalanan. Chill ka lang diyan. Mukhang uusok na naman ang ilong mo sa galit eh." nakanguso ang labi niya habang umiirap sa akin.

"Tara nga munang kumain ng burger. Gutom na gutom na rin ako eh." nakabusangot ang mukhang sabi niya sa akin.

Kumukulo na ang tyan ko kaya pumayag na agad ako sa kaniya. Pumunta kami sa kabilang kalye para bumili ng burger. At dahil nagtitipid kaming parehas ni Mich, ang binili na lang namin ay iyong tig-bebente na lang na burger.

Tama na siguro itong pantawid gutom.

Umupo kami sa waiting shed at kinain na namin ang burger. Dahil nga gutom na gutom ako ay mabilis kong naubos ang burger na binili ko.
Inilagay ko ang pinag-balatan nito sa aking bag sapagkat wala kasi akong makitang basurahan. Pinagpag ko ang aking mga kamay habang iginagala ko ang paningin sa paligid. Napabuntong-hininga ako nang makitang may mga sakay na ang lahat ng taxing dumadaan. Pati jeep ay punong-puno na din.

"Matatagalan pa yata tayo dito." nakalabing sabi ko. Sinulyapan ko si Mich na kumakain parin.

Natigil ang lukaret sa pagkain nang marinig ako. Tumango ito tsaka nagsalita.

"At nagpapasalamat talaga ako sa hinayupak na mahangin na panget na asungot na iyon." sarkastikong sabi niya. Halata parin sa boses niya ang inis.

Natatawang ibinalik ko ang paningin sa mga sasakyang dumadaan sa aming harapan. Sobra talaga ang galit na nararamdaman niya kay Sir James. Umaapaw na yata ang galit niya doon eh.

"Sus, alam ko namang deep inside, kinikilig ka sa kaniya. Lalo na pag nakikita mo siya."

"Tse.”

"Hahaha! Sagutin mo na kaya siya? Ilang buwan ka na noong nililigawan, Halos araw-arawin na nga ang pag-punta dito para lang makita ka. Hindi ka ba naaawa? Ang layo-layo ng opisina niya dito tapos kahit pagod pumupunta pa rin siya para makita ka. Sagutin mo na siya, Gaga!"

"Asa! Ayokong mapasama sa koleksyon niya”

"Koleksyon ng mga babae? Naku!  Mukhang seryoso naman sayo iyong tao ah! Ang manhid mo grabe! Ewan ko na lang talaga pag-nauntog ‘yun at bigla na lang magising sa kahibangan niya sayo. Paniguradong uuwi na ulit yun sa Cebu at hindi ka na niya pupuntahan pa."

The Billionaire's SecretaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt