Hate Love: Thirty Eight.

51 0 0
                                    

Hate Love: Thirty Eight.

Play it later.

--~

"Bro! Wala ka ba d'yan?! Buksan mo 'tong pinto! Bro!" kung maka-katok si Patrick akala mo ay wala ng bukas.

"Tabi," walang emosyong sabi ng taong nasa likod niya at binuksan ang pinto. Gulat na nakatingin sa kanya si Patrick hanggang sa makapasok ito.

Sumunod lang si Pat, "Saan ka ba nanggaling? Anong oras na, hindi ka man lang-" hindi na niya naituloy ang sasabihin nang pumasok si Ace sa CR at sinara ang pinto.

Nilapit ni Pat ang sarili sa pinto ng CR, "Ace, ano bang nangyari?"

Hindi sumagot si Ace.

Bumuntong hininga si Pat at umupo sa tapat ng pinto, "Mukhang hindi maganda ang nangyari,"

"Bro," panimula ulit ni Pat, "Kung kailangan mong ilabas 'yang sama ng loob mo, nandito naman ako," sinandal niya ang ulo sa pinto, "Nandito lang ako lagi para sa'yo- Aray!" binuksan ni Ace ang pinto at napadapa siya sa sahig.

Hindi iyon pinansin ni Ace at dumeretso sa kwarto.

Paika-ikang naglakad si Pat at sinundan ang kaibigan, "Hindi ka man lang naawa sa'kin? Sinaktan mo 'ko,"

"Wala akong sinabing do'n ka sa tapat ng pinto umupo,"

"Oy, oy, oy," tumabi si Pat at inakbayan si Ace, "Nagsasalita ka na ulit, gusto mong uminom?"

Tinulak ni Ace palayo ang mukha ni Pat, "Kailan ka pa nag-aya ng inuman,"

"Ngayon?"

"Inaantok na 'ko,"

Inakbayan siya ulit ni Pat, "Come on, Bro. Alam kong hindi ka pa inaantok. Malamang masama pa 'yang loob mo at dadamdamin mo pa ang mga nangyari sa- Oo nga, titigil na nga," nanahimik ito nang titigan siya ni Ace ng masama.

"Pat?! Ace?!" napa-hilamos ng kamay si Pat nang marinig ang boses na iyon.

"Anak ng gulay naman, hanggang dito, nasundan ako ng babaeng 'yon."

"Kapag hindi mo pina-"

"Oo, oo, alam ko, Bro. Ako na ang bahala. Lev et to meh," sabi niya sabay turo sa sarili.

Paglabas ni Pat ng kwarto ay humiga si Ace.

He reached out his hand as if wanting to touch the ceiling.

"Ano ba, hindi nga siya pwedeng kausapin ngayon, hindi mo ba maintindihan o sadyang hindi ka lang talaga marunong umintindi?!"

Why did she do that?

Totoo bang hindi niya ako mahal?

Malakas ang kutob ni Ace na hindi totoo ang mga sinabi ni Monica kanina pero hindi pa rin mawala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga binitawang salita nito.

"Teka lang, hoy! Maddi!" Ace heard the footsteps approaching.

Bakit ba ganito?

Hindi na nga niya maintindihan kung paano aayusin ang isip at nararamdaman niya, pati ba naman ang ibang tao kailangan pa niyang intindihin.

"Ace!" Maddi approached him, "Ano bang nangyayari sa'yo?!" naluluha nitong tanong.

Napapikit ng mariin si Ace.

Why do I have to deal with annoying people like her?

"Ace, nag-aalala ako-"

"Get out," tinakpan ni Ace ang mga mata gamit ang kaliwa niyang braso.

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon