Hate Love: Twenty five.

90 6 0
                                    

Hate Love: Twenty five.

Pat on multimedia.


--~

"Tara na! Swimming na!" sigaw ni Pat at nagmamadaling tumakbo papunta sa dagat. Naka pang swimming attires na silang lahat. Maririnig ang excited na hiyawan ng karamihan, ang iba naman ay naiwan sa kani-kanila nilang cottage para mag-ihaw.

Hiyawan? Swimsuits? Except sa dalawang multo na busy sa pag-o-obserba sa mga nagkalat na shells.

"Aaaaace! Kaaaaate! Tara naaaa!" sinugod ni Pat ang paparating na alon.

Nakatayo lang si Ace, looking at the two ghosts. Si Kate?

"Hindi ako marunong lumangoy," she murmured at naglakad palapit sa tubig. She touched it using her foot at nagmamadaling umatras nang umabante ang alon papunta sa pwesto niya.

Tumalikod na si Ace at balak niyang pumunta sa cottage. Magpapahinga na lang muna siya.

Monica appeared in front of him, "And where do you think you're going?"

"Cottage,"

"Tara, magsu-swimming tayo," hinablot nito ang kamay ni Ace at hinila palapit sa dagat. She's really eager until she saw Kate trying to swim. Huminto ito sa paglalakad at tinignan si Ace, "Pagod ka ba? Tara, pahinga na lang tayo," she started walking towards the cottage.

Ace chuckled. Hinarap siya ni Monica, "Anong nakakatawa?"

"You," he stated.

"Anong-"

"Monica! May nakita akong malaki roon! Kulay blue!" sigaw ni Kyle mula sa di kalayuan.

She shouted back, "Blue?!" tumingin siya sa gilid, "May blue bang shell?" mahina nitong tanong. Ibinalik niya ang tingin kay Kyle, "Sige! Teka lang!-"

"Hindi siya makakasama, magpapahinga siya," Ace cut her off. Mahina lang ito pero klaro itong narinig ni Kyle.

Kyle smiled, "Ah, gano'n ba?! Sige, pahinga ka na, Monica!" naglaho siya matapos niya itong sabihin.

Naglakad na si Ace palayo, maya-maya ay sumunod din si Monica.

His expression suddenly became more serious.

Diego's walking towards the sea. Nang magtama ang mga mata nila ni Ace, he smiled, "Scared of the water?"

Hindi sumagot si Ace.

A lopsided smile, "Have fun," sabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ito sinundan ni Ace ng tingin, seryoso pa rin ang ekspresyon nito at hindi kumikibo.

"Razen?" Monica called. Ace looked at her. "Kilala mo 'yon?"

"Don't you?"

"Ako? Bakit ako? Paano ko nanaman makikilala 'yon?" natatawa nitong tanong. "Tara na," masigla nitong sabi at nauna ng maglakad.

Hindi niya naaalala?

Nilingon ni Ace ang dagat na nasa likuran niya. Patrick's enjoying, so do Kate. Puro tawanan at kasiyahan ang naririnig ni Ace.

The reason why he agreed to come is him. Si Diego Evans.

Masama ang kutob ni Ace at sa tingin niya ay dapat niyang bantayan ang taong iyon.

"Razen! Ano na?!" Monica shouted.

Ace walked near Monica's place, "I have a favor to ask,"

Nagtatakang tinignan siya ng multo, "Favor?"

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now