Hate Love: Seven.

120 7 3
                                    

Hate Love: Seven.

Ace on multimedia.

--~

Kinabukasan.

"Good morning!" she exclaimed.

"It was good until you came," he retorted.

Sinilip niya ang niluluto ni Ace. "Wow, tamang tama. Gutom na ako."

"This is mine. Not yours," he said without glancing. Nagluluto siya ng almusal.

"Ang bait mo pa kagabi ah? Anong nangyari? Bipolar ka ba?"

Tinapos na niya ang niluluto. "Hindi. I'm always like this."

Monica sat as she get her spoon and fork. "Hindi kaya. Mabait ka. Pinaghanda mo pa nga ako ng pagkain last time. Kahit na ganyan ka, alam kong deep inside, nasa pinaka sulok ng sulok ng puso mo, may pagmamalasakit ka rin sa kapwa," she smiled.

"Kapwa? Baka nakakalimutan mo, multo ka."

She stuck her tongue out, "Whatever, gano'n pa rin 'yon."

Umupo na si Ace. Nakatitig lang si Monica sa pagkain. Hindi kasi siya binibigyan nito. Bakit niya 'to bibigyan? Obligasyon ba niyang pakainin ang multong 'to? Hindi.

"Hindi mo nanaman ako bibigyan. Fine. Sa sementeryo-"

"Ayan na, ang daming satsat." Inabot niya 'yung kanin at ulam.

Bumalik sa upuan si Monica, "See? Mabait ka talaga. Thank you!" She started eating. Nagsisi si Ace na binigyan niya ito. Mamaya ay kung ano pa ang isipin ng multong 'to sa kabaitan niya.

Hindi ako mabait.

.....

At School.

"Akala mo talaga buhay ako? Sobrang ganda ko siguro kaya gano'n," she said. Naglalakad sila ngayon papunta sa library.

"Bakit mo ba ginawa 'yon? Para magpapansin? Para mapahamak ako? No wonder, you're like that. Hobby mo ang magpapansin."

Humarang ito sa daraanan niya, "FYI, Mister Sungit. Hindi ako papansin. Sadyang may hinahanap lang ako that time. And it so happen, malas ako at ikaw pala ang hinahanap ko. Akala mo ba gusto ko ang ginagawa ko-"

"Yes, of course. Gagawin mo ba kung hindi mo gusto. Stop talking to me, move." Nilagpasan siya ni Ace.

"Ace!" Tumatakbo si Patrick papunta sa kanya.

"Oh? Bakit?" Tumigil siya sa paglalakad. Nasa harap na niya si Pat.

"Nahuli na 'yung pumatay sa babae. Nung pinakita ko sa Prof ang picture, dinala niya agad 'yon sa Office. Agad na kumalat ang balita. Maraming nagalit, pero mas madami ang hindi naniwala. Wala talaga silang idea na girlfriend nung Jackson 'yung babae. Baka raw may halong photoshop magic 'yung picture. Pero nung-"

"Kalma nga, Pat. Hindi maganda sa puso mo ang ginagawa-"

"Teka lang, bro. Hindi pa ako tapos. Pinatawag si Jackson sa Office at dumating ang mga pulis. I saw him crying. Umamin siya, Ace. Umamin siya," hindi makapaniwala niyang saad.

So, umamin pala ang killer. Siguro ay nakonsensya rin siya sa ginawa niya.

"Brave yet a coward," she mumbled. "Dahil sa kanya, nasayang ang buhay nung babae. Dahil sa kanya, nagdusa ang taong walang ginawa kundi ang mahalin siya. Napaka tanga niya." Halata sa boses nito ang inis.

Ace smirked, "Mukhang nakaka-relate ka ah?" he looked at her.

"Ha? Paano ako makaka-relate? Hindi ako murderer!" Pat retorted defensively. Agad siyang tinignan ni Ace.

Hate Love GhostsKde žijí příběhy. Začni objevovat