Hate Love: Eighteen.

67 4 1
                                    

Hate Love: Eighteen.


Monica and Kyle on multimedia.


--~

"Si Lolo Loro?" tanong ni Ace kay Marie na ngayon ay naghuhugas ng mga pinagkainan.

"Kasama po si Patrick," sagot nito. Hindi na pinakialaman pa ni Ace kung may 'po' ang sagot nito sa kanya. Kailangan na niyang makausap ang matanda.

Paglabas ng bahay ay agad na hinanap ng paningin niya ang dalawa. Ace saw them playing chess.

"Pat-"

"'Wag kang magulo, Bro. Matatalo ako," tugon ni Patrick.

"Lolo Loro, kailangan ko po kayong makausap-"

"Kinausap mo na siya kanina ah? Naglalaro pa kami."

"Patrick."

"Lolo Loro, kakausapin daw kayo," Pat uttered.

"Kung ano man ang bumabagabag saiyo, hayaan mo at maaayos din ang laha-"

"May naalala po ako," putol ni Ace. Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya.

"Weh? 'Wag ganyan, Bro. Muntik na 'kong maniwala," Pat chuckled.

"'Yung itim na kahon-" mabilis na hinampas ng matanda ang lamesa at tumilapon sa bibig ni Ace ang isang piraso ng macapuno na nasa maliit na platito.

Nanlaki ang mga mata ni Patrick dahil doon, "Ang angas! Sadya 'yun, 'Lo?! Paturo po ako!" he exclaimed. Nginunguya ni Ace ang macapuno na nasa bibig niya.

"Hindi ko iyon sinasadya. Nagkataon lang. May lamok kasi sa lamesa kaya hinampas ko. Nakakagulat ano?" turan nito.

"Pat, tara nga muna saglit," hinila ni Ace si Patrick patayo. "Kakausapin ko lang po siya saglit," paalam nito sa matanda na nag-aayos ng chess pieces. Ngumiti ito at tumango.

Nang makalayo sila, "Ano bang problema? Nung una, si Lolo Loro. Tapos ngayon, ako naman? Aba, sinisira mo ang bakasyon ko-"

"Hindi tayo nagbabakasyon," Ace hissed. "May itatanong ako."

"Bilis. Nasasayang oras- Hindi ka talaga mabiro, Bro. Ano ba 'yon?" Seryoso na talaga si Ace, tama na muna biro Pat.

"Naaalala mo pa rin ba 'yung mga panahon na nandito tayo? Nung bata pa tayo, more than ten years ago."

"Medyo. Iyon ang pinaka masayang moment ng kabataan ko, bakit hindi."

Hinila ni Ace si Pat palapit, "Anong ginagawa natin dito?"

Kumunot ang noo ni Pat, remembering his past. "Hindi ko na masyadong matandaan pero ang alam ko, pumupunta tayo rito kasama ang mga magulang mo. Akala ko nga Lolo mo talaga si Lolo Loro, pero hindi."

"Ano ngang ginagawa natin dito?"

"Nag-uusap?- Aray!" Binatukan siya ni Ace.

"Ano nga kasi?!"

"Naglalaro!" sigaw nito habang hinihimas ang ulo.

"Ang mga magulang ko? Naaalala mo ba kung anong pinupunta nila rito? Patrick, hindi natin kaano-ano si Lolo Loro. Bakit tayo pumupunta rito?"

Nakatitig si Pat kay Ace. Alam nito na naguguluhan si Ace, magtatanong ba ito kung hindi? Pero naisip na rin iyon ni Patrick noon.

"Basta sa tuwing may ginagawa tayong maganda, pumupunta tayo rito as reward. Close ako sa Mama't Papa mo. Pero hindi close ang mga magulang ko sa magulang mo. Pero close mo ang mga magulang ko-"

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now