Hate Love: Thirty-Two.

57 3 4
                                    

Hate Love: Thirty-Two.

Play the song latur.

--~

"Stop avoiding me, mukha kang tanga," mahinang puna ni Ace. Palabas na sila ng bahay at panay ang iwas ni Pat sa kanya.

"Hindi ako umiiwas,"

"Talaga? Eh bakit pinaabot mo kay Maddi 'yung isa kong damit kanina kahit na mas malapit ka naman?"

"Tama na 'yan, umuwi na tayo, ang dami niyong problema," nauna ng maglakad si Maddi.

"Mag-i-ingat kayo," sabi ng matanda, saglit siyang tumingin kay Monica pero agad ding tumingin kay Ace, "Kung may problema, huwag kayong mag-alinlangan na puntahan kami,"

"Salamat po," yukong sabi ni Ace at naglakad na paalis.

Habang nasa bus.

"Bakit ka ba umiiwas?"mariing bulong ni Maddi sa katabi niya.

"H-Hindi nga ako umiiwas!"

"Hindi? Eh bakit nandito tayo sa unahan? Kadalasan, ikaw pa 'tong nagpupumilit na sa dulo umupo kasi gusto mong makatabi si Ace,"

"Manahimik ka na lang," inis na bulong ni Pat.

"Bakit mo kasi sinabi kay Pat," hindi na napigilan ni Monica ang magtanong. "Tignan mo, hanggang ngayon natatakot pa rin,"

"That's good," umayos ng pagkakaupo si Ace, sinandal niya ang ulo sa balikat ni Monica at pumikit.

She sighed, "Grabe ka,"

......

"Why are you still here?"

Pat shrugged, "Dito na muna ako pansamantala,"

"No," Ace hissed. Binagsak ni Pat ang sarili sa bed ng kaibigan.

"I know Monica won't mind, right, Monica?"

"Of course," she chuckled.

"Did she say something?" Pat asked.

Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Ace, "She said you should get out of here,"

"Then it's fine," Pat breathed, spreading his arms across the bed.

Ace sighed deeply, "Ano bang problema mo?"

"Wala,"

"Bakit kanina mukha kang takot, ngayon mukhang okay na okay sa'yo," Ace uttered.

Tumatawang umupo si Pat, "Thinking about the situation, napaka bullshit ng pagkakataon. Pero naisip ko, maganda na rin. Namiss ko si Monica, and by using you," he said emphasizing the last phrase, "I can communicate with her,"

"And you think I'll agree with that?"

"Why?" Pat chuckled, "What's wrong with that? Monica's one of my closest friend,"

"That's true," Monica nodded.

"I hate it," Ace directly said.

Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya.

"Look at you, you're jealous," Pat laughed.

"Why would I be jealous? She doesn't like you," sabi ni Ace na mukhang may pinaglalaban.

"Really? She said that? Monica, nakakatampo ka ah,"

"I didn't said that. I'm a huge fan of you, Patpat. I may not like you romantically, but I do like you as a human and as a friend,"

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now