Hate Love: Nine.

116 6 1
                                    

Hate Love: Nine.

--~

Papunta ngayon si Ace sa sunod niyang klase. Malapit na ang midterms. Kailangan na rin niyang matapos ang project niya sa isang major subject.

She's not around.

Maybe she got tired of following him. O baka nakatawid na ito habang natutulog siya. Maraming maybe na pumasok sa isip niya, but he ended up thinking about his classes instead of that uncanny ghost.

Pagtapos ng klase niya ay pumunta siya sa tindahan ng school supplies. Bumili siya ng mga kakailanganin niya para sa project na gagawin. He went straight to his apartment. May ilang oras pa bago ang shift niya sa café. Sisimulan na muna niya ang project.

Sinilip niya ang sala. It's not that he's looking for something or someone. Pero parang gano'n na nga.

Pumunta siya sa kwarto at inilapag ang mga materials sa study table niya.

His phone rang. Kinuha niya iyon at sinagot.

"Bakit Pat?" nauna na siyang nagsalita.

"Hindi pa ako makakapagbukas ng shop bukas, Bro. Pasensya na, emergency lang talaga 'to," he replied.

Ace raised his brows, "Emergency? Anong emergency? Umabsent ka rin kanina," he stated.

He heard Pat chuckled, "Business matters. Don't worry, okay lang ako. Miss mo na ba 'ko? Ano bang ginaga-"

He ended the call.

Tumawag ito ulit.

"What?" Ace asked.

"Anong what? Binabaan mo 'ko, Bro. Bad mo. Behave while I'm gone, okay? Bye!" Tuluyan na nitong ibinaba ang tawag.

He started doing his project. Sure naman siya na okay lang si Patrick. Malaki na iyon. Kaya na niya ang sarili niya.

.....

"Razen, table 11," his coworker pointed at the table on his left.

He nodded. Pagpunta niya, he asked for the orders of the two. Dalawang babae.

After makuha ng order,

"Totoo nga. Ang cute niya," the girl whispered.

"Oo. Sabi ko sa'yo, eh. Parang artista 'no? Kung magmo-model 'yan, siguradong sisikat 'yan," the other girl whispered in reply.

Hindi iyon pinansin ni Ace. Just by thinking about being a model, kinikilabutan na siya. Model? Not him, please.

"Narinig mo ba, Razen? Model daw. Bakit hindi mo patusin 'yon? Yayaman ka in an instant. Sisikat ka pa," sabi ng kasamahan niya.

"Aaaace!" Napatingin silang lahat sa babaeng kakapasok lang.

It's the girl named Maddi.

"Woah, may chix ka palang kaibigan. Bakit hindi ako aware?" tanong ng katabi niya. He's annoyed. Obviously.

"Oh, bakit ganyan 'yang mukha mo? Wala kang pinagbago. Kahit may amne- Kahit matagal na, ganyan ka pa rin," she said. Natigilan ito nang tignan siya ng masama ni Ace. Ayaw kasi nitong maging issue ang amnesia niya.

"Ahm, hi. Rowen nga pala. Kaibigan ni Razen," nilahad ng katrabaho niya ang kamay nito kay Maddi.

"Kaibigan?" she looked at Ace, "May iba ka pang kaibigan bukod kay Pat?"

Hindi ito pinansin ni Ace at dumeretso sa counter. Kinuha nito ang order para sa table number 15 at inihatid doon.

Napakamot na lang sa ulo si Rowen. Alam na nito ang ugali ni Ace. Halos tatlong taon na rin silang magkatrabaho rito sa café.

Hate Love GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon