Chapter 5 ♪ Conscience.

111 4 0
                                    

Chapter 5 ♪ Conscience.

A/N: Razen. As in, Rey-zen. Ace ang nickname. Play the song later.


--~

"Ang cute cute. Ang cute cute mo," she's poking the omelet Ace cooked. Gustong gusto na niyang ibato ang pan sa mukha ng maingay na multo, kaso baka magasgasan ang cooking pan niya, bagong bili pa naman ito.

"Ibigay mo na kasi sa'kin 'to, please? Gutom na talaga ako, eh," she frowned, placed her hand at her tummy.

"I actually don't care. Pwede bang umalis ka na at kakain na 'ko," he hissed.

Umupo na si Ace at nagsimulang kumain. Nakaupo sa harap niya ang nakasimangot na multo.

"Hindi ka ba aalis?" tanong ni Ace matapos ngumuya.

She shook her head, "Food muna," nguso niya sa pagkain.

"Magtiis ka," he retorted. Lalong bumusangot ang multo.

"Nagugutom na talaga ako. Hindi mo ba talaga ako bibigyan?"

"Hindi."

The ghost stood up, "Fine. Pupunta na lang ako sa sementeryo, baka may nag-alay ng pagkain doon. Bakit ba ang damot mo? Hays, hihingi na lang ako sa kanila," sabi niya at naglaho na.

Nainis si Ace. Ano bang pakialam niya? Eh 'di humingi siya, bakit kailangan pa niyang sabihin?


.....


Last day of exams. Pagpasok niya sa hallway ay napansin niya ang kumpol ng mga tao sa isang gilid. Halos lahat ay sumisilip doon.

Ace continued walking, hindi pinansin ang commotion. Wala naman kasi siyang pakialam at mas gusto niyang dumeretso na lang agad sa room.

"Grabe, sino naman kaya ang gagawa no'n? Nakakaawa," bulong ng isang estudyante.

Malapit na si Ace sa room nang may mabangga siya. Hihingi na sana siya ng pasensya pero bigla itong yumuko at nagmadaling umalis.

Sinundan lang niya ito ng tingin. May kakaiba sa lalaking iyon. He can sense it.**** Pero as usual, hindi na niya ito inintindi at pumasok na sa loob.

After the exam, pumunta siya sa Garden para magpahangin. Kailangan niyang magrelax para sa sunod na exam. Hindi na siya magre-review dahil nagawa na niya iyon kagabi, bago matulog.

Pagkaupo, kinuha niya ang headset at nagpatugtog.

[Now playing: When we say (Juicebox) by AJ Rafael.]

Pumikit siya at sumandal. Feeling the air, breathing it all in.

"And baby when we touch. All I can see is the image of us."

Napadilat si Ace dahil sa narinig. Tinignan niya ang katabi, kumakanta ito sa tabi niya. "Alis," he said.

Umiling ito at itinuloy ang pagkanta, "And this is the part when we say we're in love, and the part where we have our first kiss. But this ain't a movie, I know you can't come with me. You got your life, he better be treatin' you right,"

Nagtaka si Ace kung paano nito naririnig ang pinapatugtog. Masyado bang malakas? Naririnig din ba ng iba ang tunog mula sa headset niya sa tuwing nagpapatugtog siya?

Tinanggal niya ang headset. Feel na feel pa rin ng multo ang pagkanta. She's insane.

Pinitik ni Ace ang noo nito. Making her glare at him. Hawak niya ang noo, "Bakit mo ginawa 'yon?! Kumakanta ako, eh!" she fumed.

Hate Love GhostsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin