Hate Love: Three.

138 8 3
                                    

Hate Love: Three.


--~

Prelim week. Kung saan busy ang karamihan sa mga estudyante, lalong lalo na si Ace.

He's on his way papunta sa Garden ng University para kumain. Lagi siyang may baon. Bakit? Masyado kasing mataas magtubo ang mga negosyante sa school na pinapasukan niya. Akala mo ay pagkaing galing sa restaurant dahil sa taas ng presyo.

Pagkaupo ni Ace sa isang bench, inenjoy na niya ang pack lunch niyang may laman na rice omelet with repolyo, broccoli, carrots, potato, may kasama pang letuce, with matching tofu sa gilid. Hindi naman obvious na mahilig siya sa gulay.

Habang kumakain ay napaisip siya. Ano kaya ang pwede niyang iregalo kay Pat? Hindi naman mahilig sa grocery item iyon. Hindi rin mahilig sa tinapay. Kahit sa kape, o sa kahit anong inumin.

Oo, birthday ni Patrick. Taon taon niya itong pinoproblema. Ang hirap kasing hulaan kung ano ang gustong matanggap ng kaibigan niya.

Alangan namang babae ang iregalo ni Ace? He slightly rolled his eyes because of the thought. Mahilig sa babae ang kaibigan niya.

Na-suspend ang kutsara niya malapit sa bibig niya. Dahan dahan niya itong kinain.

Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Well, mayroon naman talaga. But he didn't flinch. Ipinagpatuloy niya ang pagkain.

Kung sino man iyon, baka na-weirdohan lang sa kanya o kaya naman, isang multo na nagde-daydream na buhay siya at natulala sa kanya. Kung alin o ano man iyon, Ace doesn't care.

Nang matapos siyang kumain, he decided to go back. Tuwing ganito ang schedule niya, hindi siya nakakapagtrabaho sa bakery. The other baker takes the responsibility. Kapag parehas silang hindi makakapasok, Pat will save the day.

Twice a week lang naman sumosobra ang oras niya sa school. Ayaw niyang mai-stress ang kaibigan, kaya pumipili talaga siya ng magandang schedule tuwing enrollment. Para na rin sa mga part-time jobs niya.

On his way, kinuha niya ang notebook sa bag. Hindi siya gaanong nakapagreview, nawalan na siya ng oras.

May mga students din na pumapasok ngayon sa loob ng school. Habang naglalakad ay nagbabasa siya. Aware naman siya sa paligid kaya wala siyang nababangga.

Malapit na siya sa entrance ng building nang mahagip ng mata niya ang isang tao. Babae to be specific. Iniisa-isa nitong tignan ang mukha ng mga tao. Ano bang ginagawa niya?

Lalo siyang natigilan nang humiga sa entrance ang babae.

What the hell?

Ace sighed. Sobrang papansin na ng mga tao these past few days. Ang weird na nga minsan, eh. Habang tumatagal ay nagle-level up sila. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad, pero agad din bumalik ang atensyon niya sa babae.

Paano ba naman kasi, may dadaan na lalaki na sobrang lusog. Mataba in short. Hindi ito nakatingin sa dinaraanan. Tss, pakialam niya ba? Ginusto ng babae na maapakan siya. Hindi na dapat siya mangialam.

Pumikit si Ace ng mariin. Huminga ng malalim. Nagmadali siya at inunahan ang matabang lalaki, hinarangan niya ito. Tinignan siya nito, nagtataka. "Bakit?" tanong nito.

Hindi ito sinagot ni Ace. Nilingon niya ang babae, nakatingin lang ito sa kanya na parang walang nangyayari. Dumadami na ang mga gustong dumaan, at hindi natutuwa si Ace sa commotion na nangyayari.

"Pwede ba? Tumayo ka na d'yan. Baka ako mismo ang umapak sa'yo," he hissed. Bakit ba kailangan niyang masangkot sa issue ng katangahan ng babaeng 'to?

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now