Hate Love: Thirty One.

56 3 0
                                    

Hate Love: Thirty One.

I am very sorry for the late update :(

--~

"Bawasan mo 'yung kanin mo," sabi ni Ace habang inaabot 'yung ulam.

Umakto si Pat na parang walang narinig, patuloy lang ito sa pagkain.

Si Ace na mismo ang lumapit at binawasan ang kanin nito.

"Luh? Kanin mo? Pakialaman mo nga 'yung iyo,"

"'Wag isip bata, Pat,"

Sabay-sabay silang kumain ng almusal. Nag-iwan ng pagkain si Ace sa kusina at doon kumakain si Monica. Iyon din kasi ang gusto ng multo.

Binalik ni Patrick ang kanin na kinuha ni Ace mula sa pinggan niya.

"Gusto mo bang atakihin ulit?" kunot-noong tanong ni Ace.

"Ano naman sa'yo, sikreto mo nga hindi mo masabi-sabi sa'kin, eh,"

Ace raised his brows, "Sa'yo pa nanggaling 'yan?"

Magsasalita pa sana si Pat nang sumabat si Maddi, "Kapag kayo hindi tumigil, papasakan ko ng tsinelas 'yang mga bibig niyo," inis niyang sabi.

"Tama na 'yan mga bata, kumain na kayo," puna ni Lolo Loro.






Hindi man lang mahiya, tss, Ace thought.



Hindi man lang makaramdam, Pat thought.






Matapos kumain ay hindi pa rin nag-uusap ang dalawa.

"Nagtatampo si Patpat," Monica stated, looking at Pat's direction.

Inaayos ni Ace ang mga gamit niya sa backpack niya, "Let him be, isip bata siya masyado,"

"Isip bata ka rin kaya," she pointed out.

Tumigil si Ace at tinignan ang multo, "Salamat sa suporta," sarkastikong sabi nito.

Biglang naalala ni Ace ang sinabi ni Maddi noong nasa ospital sila.







She's in love with Pat.







Agad siyang napatingin kay Monica na nakatingin pa rin kay Patrick. She looked at him, "Why?"






Posible kaya? Si Pat kaya ang gusto niya?






"Oy, ano 'yon?" she's trying to get his attention.

Ace stood up at naglakad palabas. Naramdaman naman ni Pat ang masamang aura mula rito. He wondered why, pero mas nangibabaw ang tampo niya kaya hinayaan na lang niya.

Monica appeared in front of Ace causing him to stop from walking.

"Why are you walking out? May nasabi ba 'kong mali?"

"Do you like him?" tanong ni Ace sabay iwas ng tingin.

"Ha?" Monica seems clueless.

"Him," mariin niyang sabi, "Si Patrick,"

Monica raised her brows as if she misheard it.

"Then it's true," Ace said, acting cool.

"True?"

"I just- I thought- Why didn't you tell me sooner? Do you know where does this put you?"

"Where?"

Hate Love GhostsWhere stories live. Discover now