30 - Tease

220 16 17
                                    

"I am. I am happy now."

It's not just what he said but how he said it. Sa tingin ni Luisa ay dahil sa sari't-saring hormones na active sa katawan niya kaya mas nagiging emotional siya. Tinignan niya ang payapang natutulog na sanggol sa bisig niya. She was missing a lot of people right now. But Garret by her side and mostly Noah, covered up the missing pieces.

Pareho silang napatingin sa pinto nang maringgan nila iyong bumukas. Scarlet came inside holding a tray filled with food.

Nag-alburuto naman ang tiyan ni Luisa sa amoy ng pagkain.

"Hope I'm not interrupting anything," wika nito sa kanilang dalawa.

Alam niya kasing hindi pa rin palagay ang loob nito sa kanya and Luisa appreciates how Scarlet seemed to be mindful of her since yesterday. Alam naman niya na mabait ito kagaya ni Garret at ng mga magulang nila.

"By the way, Kuya. Hinahanap ka ni Mang Simon. May itinatanong yata tungkol sa sasakyan," Scarlet said after placing the tray on the bedside table.

"Oh yeah, right," sagot naman ni Garret. "Will you be okay here for a while?"

"I got them," singit naman ni Scarlet na nakatayo pa rin malapit sa kama.

"Scarlet..."

"Ano na naman? I am not as bad as you think of me," itinupi ni Scarlet ang mga braso sa dibdib.

Nilingon naman ni Garret silang mag-ina, "Tell me if she tries to bully you, okay?"

Luisa gave a timid smile before putting her hand on Garret's arm, "Sige na, Garret. Baka importante 'yong kailangan sa'yo ni Mang Simon."

"Scar, " Garret shot his sister one, final look. Nagtaas lang ng kamay si Scarlet sa kanya bago sila nito iwan.

Sandali silang natahimik pag labas ni Garret ng kwarto. Noah produced an unaudible yawn before drifting back to sleep. Nagulat naman si Luisa nang biglang tabihan siya ni Scarlet sa kama. She sat on the same spot which Garret left.

"He's really a handsome, little boy."

Ngumiti siya nang tignan niya si Scarlet na nakatingin naman kay Noah. Hindi nga yata siya mapapagod na titigan ang anak. Kahit na wala pa siyang matino at mahabang tulog at pagod ang katawan niya, tuwing titignan niya si Noah ay para bang nawawala ang lahat ng iyon.

"Gusto mo siyang kargahin?" tanong niya kay Scarlet. Agad na nanlaki naman ang mata nito sa kanya.

"Oh god, no. I mean, I can't. I don't know how to," natatawa nitong sabi habang tuloy tuloy na umiiling.

Tumango na lamang siya at muli nilang pinagmasdan si Noah. Luisa loves looking at him. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na ngayon nga ay isa na siyang ganap na ina. The feeling is so much; it was bursting out from her heart. It cannot be contained. It cannot be measured. He's so tiny and yet he occupies all the space in her heart. Ganito pala talaga ang pakiramdam, isip niya.

Scarlet stuck her index finger to his tiny, delicate hand at narinig ni Luisa ang pagsinghap ni Scarlet nang biglang hawakan ni Noah ang daliri nito.

"Oh my god," Scarlet said, startled.

"Hi, Noah boy. Do you know that you're the most handsome boy I've ever seen in my life?" malambing nitong wika kay Noah.

Lumawak ang ngiti nilang dalawa nang buksan ni Noah ang napakaliit nitong bibig at igalaw ang mga paa nito bilang pagtugon.

"Noah. I know it's from the Bible. But what it exactly means?"

"Comfort. It means, comfort."

"Wow. That's beautiful," manghang sabi ni Scarlet. Maya-maya ay tumahimik ito bago muling nagsalita.

Bare BonesWhere stories live. Discover now