11 - Midnight

179 15 5
                                    

"Luisa?"

"G-Garret," halatang nagulat ito ng makita siya. Kunot noo niyang tinignan ito. May hawak itong baso at tila namutla pa ng makita siya.

Doon niya lang naisip na naka boxers shorts lang pala siya ng maglihis ng tingin si Luisa at pagmulahan ng pisngi. Hindi naman kasi niya alam na makakasalubong niya pa ito sa kusina. Sanay naman kasi siya na nasa bahay at ganito ang ayos. But with Luisa, para bang gusto niyang takpan ang katawan, kahit wala naman siyang dapat ikahiya.

"I-Inom lang.. Ano.. I-inom lang sana ako ng ano.. Nang.. T-tubig," she stuttered. Napabuntong hininga siya at tumango. Nauuhaw rin kasi siya kaya siya bumaba.

"Okay. Iinom din sana ako. Ako ng kukuha ng tubig, saglit lang."

Kumuha siya ng pitsel sa ref at sinalinan ang baso nito ng tubig. Nagsalin na rin siya ng para sa kanya. Garret watched her while drinking water. She's wearing pajama pants again at iyong maluwag na T-shirt ni Scarlet. Napansin niyang iyon ang hilig nitong suotin kahit hindi naman siya matutulog. Ang alam niya may mga shorts at sleeveless shirts doon si Scarlet na hindi pa nagagamit. Pero hindi naman iyon sinusuot ni Luisa.

"S-Sige akyat na ako ulit. Salamat."

Akmang aalis na ito ng kusina ng pigilan niya ito. May nakita siyang pint ng ice cream sa ref. Hindi niya pa pala nagagalaw iyon. Medyo nawala na kasi ang antok niya and honestly he wanted to make a small talk with her.

"May ice cream sa ref. Gusto mo?"

Lumingon ito sa kanya. Hindi agad ito sumagot. Iisipin niyang tatanggi ito, pero dahil buntis ito, iniisip niyang mahihirapan itong tumanggi. He knows she's having cravings. Kanina ng manuod sila ng cooking show sa cable ay iba ang titig nito sa pagkaing niluluto. Well, hindi naman siya sigurado but he's hoping she'd say yes.

"Sige na," pagpipilit niya. Alam niya ding mahihirapan itong tumanggi kapag nakiusap siya.

Tumingin ito sa kanya. Naisip niya na nag-aalangan yata ito dahil sa ayos niya.

Kinuha niya 'yong pint ng vanilla ice cream sa ref at kumuha ng dalawang kutsara bago inilapag sa counter top.

"Kumain ka na. Aakyat lang ako saglit, babalik din ako," he said smiling. He walked past her at dali-daling pumunta ng kwarto niya at humila ng T-shirt sa damitan niya at muling bumalik ng kusina. Nakaupo na ito sa high stool ng datnan niya. Simple siyang napangiti bago ito lapitan.

"Oh bakit 'di ka pa kumakain? Matutunaw 'yan kapag tinitigan mo lang," biro niya bago naupo sa katabing stool.

He took one of the spoon and open the lid of the container. Kalahating Vanilla iyon at Strawberry.

Inabot niya kay Luisa ang isang spoon.

"I hope you like strawberry and vanilla? Hindi ko alam na ganitong flavor pala 'yong nabili ko."

Pinagmasdan niya si Luisa na nakatingin sa ice cream. Alam niyang hindi ito mauuna hangga't hindi siya ang nauuna. So he spooned some of it and put it inside his mouth.

"Hmm.." He hummed his approval.

Maya-maya naman ay sumunod na din si Luisa sa pagkain. Pinagmasdan niya ito habang kumakain. Sa sobrang hinhin nitong kumain parang hindi nalalapatan ng ice cream iyong labi nito.

"What's your favorite flavor of ice cream?" Tanong niya habang muling kumuha ng ice cream mula sa kutsara niya.

"Kahit ano."

"Seryoso? Eh 'di ba meron 'yung wasabe ice cream? Kumakain ka rin no'n?"

"Pistacho," she said timidly.

Bare BonesWhere stories live. Discover now