12 - Home

190 18 3
                                    

Hindi alam ni Garret kung nagustuhan ba ni Luisa ang libro na binili niya. Nang iabot niya pa nga niya ito ay alangan pa itong kuhanin ang paperbag na iniaabot niya. Kung hindi niya pa ipinilit ay hindi pa nito tatanggapin. Nang kuhanin naman nito ay simple lang itong nagpasalamat sa kanya. Hindi na siya nagulat dahil hindi naman siya nito tinitignan sa mata. Palagi lang itong nakayuko tuwing kakausapin niya na para bang may malaking kasalanan itong ginawa.

Tuwing bibisita naman sa kanila si Manang Esme kasama si Mang Simon ay halatang natutuwa ito. Noong minsan nga na umakyat siya para maligo at pababa na sana siya ng hagdan para samahan ang tatlo ay narinig niyang nagsasalita si Luisa kausap ang mag-asawa. She seemed to be comfortable with the elders.

Kapag silang dalawa lang kasi, hindi naman ito magsasalita kung hindi niya kakausapin. Madalas pa na nasa kwarto lang ito. Nagsimula na rin itong tumulong tulong sa bahay. One day, he found her sweeping the floor. Hinayaan na lang niya itong matapos bago siya bumaba. Alam niya kasing maiilang na naman ito kapag nakita siya. Alam niya ding hindi naman ito magpapapigil kung sasabihin niyang hindi naman niya kailangang gumawa ng mga gawaing bahay.

But being around her became a natural kind of thing for Garret. Para bang medyo nasanay na siya na may kasama ngayon sa Lakehouse. He wouldn't leave his room without wearing proper clothes gaya na lang noong minsan na maabutan siya nito na naka boxer shorts lang.

"Sigurado bang okay lang na dito muna kayo, manang?" Tanong niya sa matanda na kasalukuyang nagluluto ng agahan.

"Aba'y oo naman. Dalawang araw ka lang naman. Mas mainam na nandito ako, kaysa walang kasama si Luisa."

He smiled. Mamayang gabi na kasi ang bachelor's party ng mga kaibigan para kay Jake. Nakapangako na rin kasi siya at tumawag rin ang Mama niya noong isang gabi at nagsasabing umuwi naman siya sa bahay nila. One more week and he had to go to New Zealand.

"Salamat Manang."

Nauna na siyang kumain dahil medyo maaga pa at mukhang tulog pa rin si Luisa. Matakaw ito sa tulog nitong mga nakaraan. Hindi na siya magtataka dahil nga sa pagbubuntis nito. Madalas niya pa rin itong marinig na umiiyak tuwing gabi. He'd check on her at lagi lang nitong sinasabi na okay lang siya kaya nang mga sumunod na gabi ay hinayaan na lang niya ito.

Pinabaunan siya ni Manang Esme ng pagkain na pwede niyang makain sa byahe at ng maibibigay para sa mga magulang niya. It will take him almost nine hours driving back to Manila. Mahaba-haba rin at nakakapagod.

"Kapag po may mapansin kayong kakaiba, don't hesitate to call me," paalala niya sa matanda. Nagbilin na rin ito ng ilang bagay tungkol sa bahay maging sa aso niya.

Tumango ang matanda at sinabi sa kanyang gagawin ang sinabi niya. Hindi na nila hinintay pang magising si Luisa. Paalis na siya ng dumating si Mang Simon para sana ihatid siya sa bayan na siya naman niyang tinanggihan. Chuck was barking when he started driving habang inihahatid siya nito at ng mag-asawa ng tingin mula sa front porch ng bahay. Good thing, the sun's showing at mukhang walang nagba-badya na ulan. He checked it over the internet earlier today.

Hindi na siya nagdala pa ng mga damit dahil uuwi din naman siya sa bahay nila, and he had lots of spare clothes there. Kahit kasi bumukod na sila ni Scarlet, naroon pa rin ang kwarto nilang dalawa at ilan sa mga gamit nila.

It was few minutes before four o'clock ng marating niya ang bahay nila. Agad na bumukas ang gate ng bumusina siya. Bakas sa mukha ni Mang Pol ang tuwa ng makita ang binata.

"Ser Garret!"

He rolled down his window and greeted the old man, "Kuya Pol!"

Naamoy na niya agad ang luto ng ina ng marating niya ang bukana ng bahay. Nanay Lydia, who has been their helper for more than three decades now clasped her hands together upon the sight of him.

Bare BonesWhere stories live. Discover now