8 - Dilemma

171 19 0
                                    

Naabutan ni Luisa si Garret na nagluluto sa kusina matapos niyang maligo. She had changed her clothes from the closet na nasa kwarto kung saan siya naglalagi. She had found a towel on the middle drawer na may nakaburdang pangalan - Scarlet. Inisip niya tuloy kung sino iyon. Ilang araw na din siya dito sa Lakehouse ni Garret pero maliban sa pangalan nito ay wala na siyang ibang alam tungkol dito.

One time, while having breakfast pasimple niyang tinignan ang kamay nito pero wala siyang nakitang singsing. Pero imposibleng wala itong girlfriend. Garret's an attractive guy. He's handsome and base sa pinapakita nito sa kanya, he's a very nice man. Sigurado siyang girlfriend nito ang Scarlet na tila may ari ng mga damit sa cabinet. Bigla tuloy siyang nahiyang gamitin ang mga ito kahit pa may permiso ito ni Garret.

She sighed. Pero wala naman siyang ibang maisuot. She tried her jeans just last night pero hindi niya na ito maisara. Maiipit ang tiyan niya kapag ipinilit niya. Kaya tuwing matatapos niyang gamitin ang mga damit na pagmamay-ari ng girlfriend ni Garret ay agad niya iyong nilalabhan. Sa tingin niya ay hindi iyon napapansin ni Garret dahil hindi naman ito nagpupunta ng labahan sa likod bahay. Kapag natutuyo ang mga ito ay itutupi niya at ibabalik sa cabinet.

The smell from the kitchen was enough to make Luisa's stomach grumbles.

Napatingin sa kanya si Garret ng tila maramdaman nito ang presensya niya. Pinatay nito ang apoy mula sa burner at kumuha ng pinggan at bowl sa cupboard.

"Let's eat?" Alok nito. Tumango siya at akmang hihila ng high stool ng pigilan siya ni Garret.

"Dito na lang tayo sa dining table," he said. Dinala nito ang mga pagkain sa dining table. Luisa volunteered to help by carrying the plates to the table.

Ilang araw na siya dito at ang totoo ay hiyang-hiya na siya rito. Napakabait kasi nito at talagang lagi siyang inaasikaso. Alam niyang nangako siya dito that once she's all better, aalis din ito. Pero sa ngayon ay wala naman siyang maisip na puntahan, idagdag pa na sira ang sasakyan niya. Magaling na ang sugat niya at wala naman siyang nararamdamang hindi tama sa katawan. Alam niyang darating ang araw na kailangan niyang umalis. Nagpapasalamat na lang siya at sa ngayon ay wala pang binabanggit si Garret tungkol dito.

Sinalinan ni Garret ng sabaw at piraso ng manok at gulay ang bowl niya. Tinola. Her stomach became too excited and her mouth waters. Alam niya kasing masarap ang luto ni Garret lalo na kapag tinola. It became her personal favorite. Naisip niya tuloy na baka hindi ito doktor, baka chef itong si Garret. Maybe both. O kaya magaling lang talagang magluto.

She's so ready to dig her spoon to the soup pero nakita niyang hindi pa nag-uumpisang kumain si Garret.

When Garret started eating, doon pa lang din siya nagsimula. Hindi naman siya nagkamali. Masarap talaga ang pagkakaluto nito. Hindi overcooked ang gulay, malambot ang karne, at tamang tama ang lasa ng sabaw. May halo rin itong dahon ng malunggay na lalong nagpasarap sa sabaw.

Hindi niya napansin na ang dami na pala niyang nakain. When she's done with her food agad siyang napatakip ng bibig ng mapadighay siya. She blushed in embarrassment.

"Sorry," she mumbled.

She can see Garret smiling from the corner of her eye.

"I take that as a compliment. Thanks."

Garret gathered the plates and loaded them on the dishwasher.

"Salamat. Masarap talaga 'yong tinola mo," she said. Garret turned to face her. Gusto niya naman kasing bigyan man lang ng appreciation ang mga ginagawa nito bukod sa simpleng salamat na palagi niyang sinasabi.

"I can see that. Salamat. You can watch TV habang nagpapatunaw ka. Ako ng bahalang magligpit."

"Ako na lang maghuhugas. Nakakahiya naman sa'yo ikaw na 'yong nagluto.."

Bare BonesWhere stories live. Discover now