23 - Boy

277 19 7
                                    

Nadatnan ni Luisa na bukas ang pinto ng kwarto na katabi lang ng kwartong ginagamit niya. Simula kasi ng dumating siya sa bahay ni Garret ay hindi niya iyon nakitang bukas. Marami naman kasing kwarto sa loob nang bahay kaya mukhang halos hindi naman nagagamit ang iba. Kaya nga nagtataka rin siya kung bakit ang kwarto pa ng kapatid nito ang pinagamit sa kanya gayong may mga guest rooms naman na mas maliit kumpara sa ginagamit niya.

Nang silipin niya ang loob mula sa uwang nang nakabukas na pinto ay nakita niya sa loob si Garret. Walang laman ang nasabing kwarto maliban sa tatlong malaking kahon na magkakapatong sa sulok. Hindi ito kalakihan gaya ng ibang kwarto pero may malaking bintana na halos umuukupa sa isang bahagi ng kwarto kaya maaliwalas ang lugar.

"May maitutulong ba ako?"

Agad siyang nilingon ni Garret na nakatayo sa gitna ng kwarto. Sumilay ang tipid na ngiti mula rito ng makita siya. Isa sa maraming katangian ni Garret ang nagugustuhan niya ay dahil palangiti ito. Sometimes she'd find herself carrying the same expression. Maaliwalas ang mukha nito dahil palagi itong nakangiti. It makes him more attractive. Naisip niya tuloy kung gaano karaming babae ang nagkakagusto rito. Given that he's a doctor, he's definitely a good catch. Pakiramdam niya ay walang-wala siya kumpara dito. Mas maraming babae ang mas deserving sa pwesto niya. Alam niya na hindi niya deserve ang gaya ni Garret. Pakiramdam niya tuloy ay tinanggalan niya ng kalayaan si Garret na makapili ng babaeng mas babagay rito.

"Wala naman," inilibot nito ang mata sa kwarto. "Tinignan ko lang itong kwarto. Ang tagal na rin kasi na hindi naman nagagamit."

"Ngayon ko lang nakitang bukas 'to."

"Right. Actually it was never used. Kaya naging tambakan na lang. Ano sa tingin mo?" he shifted his eyes on her.

"H-Ha?"

Nagkibit-balikat ito, "About this room. Maybe we can make it a nursery."

Hindi niya alam kung tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito. She just gave him a blank stare.

"A nursery. You know, room for your baby."

She knows what a nursery is. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ipapagamit ni Garret ang kwartong iyon para lang sa isang nursery. Kahit siya ay hindi niya iyon naisip. Isa pa ay ayaw niya na itong abalahin pa para bilhan ang bata ng maraming gamit. Masyadong marami na ang naitulong nito sa kanila.

"Kailangan pa ba no'n? Hindi naman siguro kailangan. 'Wag na lang, Garret."

"Come on, it's nothing. Hindi rin naman nagagamit itong kwarto na 'to, so might as well use it for something else."

"Pero kasi..."

"This is what we agreed about, right?"

Luisa chewed her bottom lip. Alam niya na pinakasalan siya nito para tulungan silang mag-ina pero ayaw naman niya na abusuhin ang kabaitan nito.

"Come on, it's just a nursery. It wouldn't hurt if you just say yes."

Sinilip niya ang mukha nito. He is waiting for her answer. Nilibot niya ang paningin sa kwarto. Alam niyang kapag nagdahilan na naman siya ay hindi rin siya mananalo. But it would be too much to say yes. He had given her too much favor. Alam niya na mas malaki pa ang magagastos sa panganganak niya at oras na maipanganak na niya ang bata. Dagdag lamang ang iba pang bagay na gagastusin nito para sa isang nursery.

"Sa tingin ko kailangan mo ring magpatingin sa doktor. We can visit an OB tomorrow may kilala..."

"Garret, hindi na kailangan. Ayos lang ako."

Nabasa nito ang pag-aalala niya, "We agreed to get married so I could help you. It would be all non-sense kung hindi mo ako hahayaang tulungan ka."

Bare BonesWhere stories live. Discover now