3 - Rescue

218 22 4
                                    

Nagising si Garret nang may maramdaman siya sa mukha niya. When he opened his eyes, he saw Chuck already licking his whole face. Kinabig niya ang aso at iniwas ng bahagya ang mukha.

"What time is it, buddy?" He groggily asked.

Tumahol ang aso at bumaba ng kama niya. Kinusot kusot niya ang mata. Pakiramdam niya sobrang haba ng naitulog niya. Pero alas sais pa lang naman ng umaga.

He sat up from the bed. Nakapantalon pa rin siya na suot niya kagabi, he managed to atleast take off his shirt last night. Bumangon siya at nagpunta sa banyo. Naghilamos siya at nagsipilyo bago magpalit ng damit. Maaga pa naman at medyo malamig makulimlim, he can run few laps today.

Nang bumaba siya mula sa kwarto ay nakaupo na si Chuck sa patio. Marahil ay alam na nito na magjo-jogging silang dalawa. He took out his phone, pero nag shut down na ito dahil wala ng reserve na battery power. He plugged it on one of the outlets in the kitchen before going out. Maputik ang daan, marahil ay umulan kagabi, isip niya. He's deep on his sleep anyway to even notice.

Naglakad na lamang sila ni Chuck paalis. Naisip niya na lang na lakarin ang papunta sa bahayan. Maybe he can visit Mang Simon and his family. Garret never let the day pass without any exercise. Kaya nga may mini gym din sa loob ng bahay. But he preferred jogging. It keeps him perky the whole day. Doon niya rin nakilala si Allison. Sa isang marathon na dinaluhan nilang dalawa. He was absolutely attracted to her at first sight. She was beautiful, all right. And fit. She had those lovely curves. He asked her out for a dinner after, and that one date led to another. She's a fitness instructor, dahil din siguro du'n kaya sila nagkasundong dalawa.

Iniwasan nila ang mapuputik na bahagi ng daan. Bigla tuloy siyang nagsisisi na lumabas pa sila ni Chuck. Now, Chuck's feet were muddly already.

"I think we need to go back now, Chuck," Garret said.

Nakatungo ito sa lupa na tila may inaamoy. Hinila siya nito gamit ng tali na hawak ni Garret.

"Hey come on. It's muddy out there, we'll be stuck."

Maya-maya ay nagsimula itong tumahol. Sinundan niya ng tingin ang aso. Sa 'di kalayuan ay may sasakyan na nakabangga sa isang punong kahoy. Halatang umiwas ito sa malaking puno kaya sa huli sa katabing hindi hamak na mas maliit na puno ito bumangga. Sinundan nito si Chuck at lumapit sa sasakyan. Bigla niya tuloy naisip kung anong ginagawa ng sasakyang iyon sa lugar na ganito? Wala namang ibang mapupuntahan sa lugar na 'to kundi iyong sa Lakehouse niya. Bigla siyang nag-alala. Pa'no kung kakilala niya ang may-ari nito?

Lumapit sila ni Chuck sa sasakyan. Halos nakalubog na sa makapal na putik ang gulong ng Mazda 3 na nakabangga sa puno. Tumahol si Chuck ng makaharap siya sa sasakyan. Agad nitong nakita ang tinutukoy niya. May babae sa loob ng sasakyan.

Nakasubsob ang braso niya at mukha sa manibela. Bahagyang nakauwang ang bintana kaya inilusot nito ang kamay nito para mabuksan ang pinto ng sasakyan. Bahagya itong napatigil ng makita ang bandang tiyan ng babae.

She's pregnant.

* *

The woman's pregnant.

On his third attempt, nabuksan nito ang pinto ng kotse. Tingin niya ay sinadya nitong buksan ang bintana ng mababangga na siya. It's a good thing. Hindi pa naman niya dala ang iPhone niya, wala rin siyang mahihingian ng tulong na malapit.

Nang mabuksan nito ang pinto ng sasakyan ay nakumpirma niyang buntis nga ang babae. Agad niya itong pinulsuhan at nakahinga ng maluwag ng maramdaman niya ang pulso nito.

Tinignan niya rin ang bandang ibabang bahagi ng katawan nito, walang dugo. Tinapik niya ang braso ng babae.

"Miss? Are you okay?" Sabi niya rito. Niyugyog niya ng marahan muli ang braso nito. Isinandal niya ito sa upuan at nakita ang galos nito sa noo. Nakapikit ang babae, pero maya-maya ay nagkunot ito ng noo na tila sinusubukang magmulat. Napansin niya ang bag nito sa passenger seat. Kinuha niya iyon para hanapin ang cellphone nito. Pero maliban sa ilang personal na gamit, wala siyang cellphone.

Bare BonesWhere stories live. Discover now